Chapter 51: Stolen Kisses

81 7 1
                                    


Xean's POV

"Anyway, magiging busy ka ba ngayon?" tanong sakin ni Marky.

"Hindi ako sigurado," sagot ko. "Bakit?"

"Well, I would want to ask you to our first official date," sagot niya. "Punta tayo sa café sa coffee break natin."

"Iimbitahan mo na naman ba si Celine?" Nakakunot ang noo kong tanong.

"Nagseselos ka ba?" pang-aasar niya.

"Hindi," malamig na sagot ko. "Pero hindi ako sasama kung yayain mo ulit siya."

"Napaka-possessive mo na sa akin," nakangiting sagot niya. "Sagutin mo na kasi ako."

"Diba sabi ko sa'yo gusto kong dahan-dahanin natin kung anong mayroon sa atin?" paalala ko sa kanya.

"I understand," natatawa niyang sabi. "Pero puwede mo bangng ipangako sa akin ang isang bagay?"

"Ano naman 'yun?" curious kong tanong.

"You won't entertain other men," sagot niya. "Mag-focus ka lang sa akin."

"Tignan mo kung sino ang possessive," pang-aasar ko.

"You're mine, alright," pagkumpirma niya sabay abot sa kamay ko.

"Anong ginagawa mo?" mahinang tanong ko. "Baka may makakita sa atin."

"Not when I do this," sagot niya bago ginamit ang jacket niya para matakpan ang magkahawak naming kamay. Napangiti na lang ako sa pagiging mapaglaro niya which makes him so adorable. Parang may maliit na bata sa kanyang katawan. Kahit saan siya magpunta; he's like a ray of sunshine. Isa na yata 'yun sa dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya.

"Let me go," sabi ko sa kanya nang makarating kami sa legal department.

"Hindi ka ba papasok sa opisina mo?" tanong niya.

"I will," sagot ko. "Sa opisina ng Council of Gigolos."

"Oh," sagot niya sabay bitaw sa kamay ko. "Then, make sure to come here during the coffee break. I'm looking forward to our first date."

"Fine," nakangiting sagot ko bago nagpaalam. Nagtungo naman ako sa opisina ng Council of Gigolos.

"You look extra cheerful today," komento ni Council JC nang makita niya ako.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong.

"Nakita ko yung ginagawa niyong dalawa sa elevator?" sagot niya.

"Ano?" maang-maangan ko. "Nakikipag-usap ako sa agent ko."

"Oo, habang magkahawak kamay sa isa," sagot niya. Nakaramdam ako ng hiya sa nakita niya.

"As far as I remember, you were the one who complaints about office romance here," dugtong ni Council Nathan. "Are we going to expect some changes around here?"

"O-of course not," I blurted out. "Anong meron sa inyong dalawa, ngayon? Mas mabuti na mag-focus tayo sa mga gawain natin." Dali-dali akong pumunta sa office table ko at binuksan ang computer ko. Habang naghihintay, kinuha ko ang mga folder sa table ko at tiningnan ang mga ito.

"Delivery for Council Xean," sabi ng isang boses. Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Marky na pumasok sa opisina habang may hawak na bouquet of mainly roses and astilbe flowers. Nilagay niya 'yun sa table ko. Napatingin ako sa kanya na nakangiti ng matamis.

"Sino ang nagpadala sa kanila?" tanong ko kahit alam ko naman kung sino.

"Hindi rin ako sigurado," sagot niya. "I think may nakita akong card somewhere."

Written in the Stars (Taglish Version)Where stories live. Discover now