Chapter 59: Rain

78 7 0
                                    


Xean's POV

SATURDAY MORNING...

Napagdesisyunan namin ni Marky na lumabas at magpalipas ng oras. We decided to watch a movie since he was really looking forward to the release of a certain superhero movie. I am not really into these kinds of movies but since I saw the excitement in his eyes, I would be sad if he will miss it. Buong linggo niya itong bukang-bibig; kabisado ko na yata ang bawat isa sa mga karakter sa pelikulang 'yun.

Susunduin sana ako ni Marky sa condo unit ko pero nakatanggap ako ng message mula sa isa sa mga agents na may bagong hired husband na darating sa Head Office. Napagkasunduan naming magkita na lang sa isang park malapit sa sinehan. Nnag makapaghanda ay nagmaneho na ako papuntang RnJ. Ang ilang sa mga agents ay nagtatrabaho sa weekends. Ang Council of Gigolos ay hindi talaga pumapasok tuwing weekends maliban sa mga espesyal na okasyon tulad ngayon.

"Council Xean," pagtawag ng isa sa mga agents doon. I think his name is Seth. "Bakit ka narito? Weekend ngayon."

"Ah, may kailangan akong makakilala na bagong hired husband" paliwanag ko. "Darating ngayong umaga."

"Wala akong narinig tungkol diyan," sabi niya. "But you know better. Anyway, how about Council JC and Council Nathan?" nagtatakang tanong niya.

"Hindi ako sigurado," sagot ko. "They should be in the office."

"At si Marky?" sunod niyang tanong.

"Bakit ka nagtatanong saakin?" tanong ko pabalik.

"Naku, sabi ng mga sabi-sabi na kayo ni Ma— ah, ngayon ko lang kayo nakikitang magkasama."

"Tungkol saan ang tsismis na iyon?" tanong ko sabay tupi ng aking mga kamay. "Narinig ko yun."

"W-wala naman talaga," sagot niya. Napataas naman ako ng kilay. "Uhm, kayo na raw ni Marky."

Tumawa ako. "Kami na," pagkumpirma ko. "Anyway, I need to go to the office now."

"Sure thing, Council Xean," sagot niya bago kami naghiwalay. Dumiretso ako sa elevator at pinindot ang numerong katumbas ng floor kung nasaan ang opisina ng Council of Gigolos.

"What the heck?" I murmured nang makita kong wala pang tao sa opisina. Nilabas ko ang phone ko at sinubukang tawagan si Council Nathan pero hindi niya sinasagot ang phone. Sinubukan ko namang tawagan si Council JC. Sinagot niya ito pero parang kakabangon niya lang.

"Anong kailangan mo?" reklamo niya. "It's the weekend."

"Bakit wala kayo ni Nathan?" tanong ko.

"Saan?"

"Dito sa RnJ. We are supposed to welcome a new hired husband."

"Wala akong natanggap na memo tungkol diyan," sagot niya. "Well, dahil nandyan ka na rin naman.Ikaw na ang gumawa. Ikaw naman ang palaging excited na makakita ng bagong hired husband."

This jerk.

"Fine," pagsuko ko bago ko pinatay ang tawag. Pero iniisip ko kung anong oras darating itong bagong hired husband. Pumunta ako sa table ko at sinimulang gawin ang hindi ko pa natapos na mga papeles habang ka-text si Marky.

"Council Xean," pagtawag ng isang boses. Tumingala ako at nakita si Lyka Vherdschen, isa sa mga field agent namin. "Talagang workaholic ka. Kahit weekends, nagtatrabaho."

"Hindi naman sa ganun," paglilinaw ko. "I'm just waiting for the hired husband na darating ngayon."

"Sinong hired husband?" tanong niya. "Wala akong maalala na may nakatakdang pumunta dito ngayon."

Written in the Stars (Taglish Version)Where stories live. Discover now