Chapter 37: Closer You and I

66 7 1
                                    


Xean's POV

Ang sarap pakinggan ng mga sinabi ni Marky. Sa palagay ko tama siya; siguro, kailangan ko lang ng bagong paraan ng pagtingin sa ibang bagay. I shouldn't let my past take it's toll on me. Maya-maya, nagsimula na ang barbecue party. Patuloy ang pag-iihaw ng kung anu-ano tulad ng baboy, inasal at ilang seafood.

"Pero teka, meron pa!" anunsyo ni Aljon sabay lagay ng malalaking container sa isa sa mga mesa doon. Binuksan niya ang mga ito, tumambad naman sa amin ang mga bote ng alak na nakabaon sa yelo. Hindinamna nagtagal ay bumuhos na ang mga pagkain at inumin. Kasalukuyan akong nakikipag-kuwentuhan kay Ladine at sa Powerpuff Girls.

"Kamusta ang mga bagong hired husband?" tanong ko.

"Well, they are thriving in my classes," sagot ni Ladine.

"Maganda ba ang pakikitungo mo sa kanila?" sunod kong tanong ko.

"Of course," sagot niya.

"Kung ganoon, bakit may mga hired husband na na-trauma sa iyo?" reaksyon ko.

"Well, they can't handle some playtime," she said playfully.

"You never change," komento ko bago kumagat sa hawak kong barbecue.

"Kaya ako isa sa pinakamagaling sa RnJ," sagot niya.

"Down to earth ka talaga, noh?" retorikal kong tanong. Nagkibit balikat lang naman siya.

"Para kang tandang sa sabong," sabi niya sa akin. "Hindi ka marunong kumalma kaya nakakaaliw talaga kapag lagi kitang inaasar."

"At talagang nag-eenjoy ka," komento ko habang magkasalubong ang kilay ko. Tumawa naman siya.

"Nakakatuwa ka," sabi niya. "Given na ikaw ang in-house lawyer ng RnJ at mga negosyo nito."

"At ano naman ang ibig mong sabihin?"

"Wala." She left me hanging. "Kumain ka na lang at enjoy-in ang gabi, Council Xean."

"Sure, I will," sagot ko bago kunin ang bote ng beer. "Oh, wala nang laman."

Tatayo na sana ako nang sumingit si Marky. "Kuhanan na kita."

"Kaya ko naman," pagtanggi ko. "I-enjoy mo lang ang oras mo."

"Nag-eenjoy naman ako. Isa pa, kukuha rin ako ng sa akin," giit niya bago tumayo.

"My, my," reaksyon ni Ladine. "Talagang inaalagaan ka niya."

"Ganyan siya sa lahat," paliwanag ko.

"Not with me," reklamo niya.

"Kung titigil ka lang sa pananakot ng mga empleyado natin. Then, mas magiging komportable sila sa'yo," paliwanag ko.

"Hindi, I'm already nice."

"Talaga lang?" I mumbled softly while I looked at Marky. Tumingin siya sa akin at ipinakita sa akin ang isang bote ng matapang na inumin .I used my arms to form an X and shook my head. Tumango siya at saka kumuha ng isa pa. Ipinakita niya sa akin ang isang bote ng cocktail. Tumango ako. Kumuha siya ng isa pang bote ng alak para sa sarili niya.

"Here you go," sabi niya sabay abot ng inumin ko.

"Salamat." Tahimik siyang bumalik sa kanyang upuan at nagpatuloy sa pakikipag-usap sa iba. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa pulitika, mga kotse, at ilang iba pang bagay na hindi ako maka-relate. Mga typical guy stuff. On the other hand, Raena, Liyana, Jace, and Ladine are talking about some girly stuff which I am not really interested in. Kinuha ko ang phone ko at sinimulang tingnan ang mga social media accounts ko. May nag-request na i-follow ako sa Instagram ilang araw na ang nakalipas. Ang username ay the_lonelypotato na may profile picture ng isang cute na puting Persian cat. Sa curiosity ko, binuksan ko ang profile para tingnan kung sino ito. I set my account into private dahil ayokong may makakita ang mga post ko. Hindi naman kasi interesting ang mga post ko. Sa kabutihang palad, ang profile ay naka-public. Nagulat ako nang makita ang unang larawan sa feed ng profile na iyon. Kakakuha lang ngayon, dito sa Fire Orchid Beach Resort and Country Club. Si Marky! Picture niya ito sa pool, suot ang kanyang royal blue trunks! Para siyang Instagram model sa kuha niya. Nakakuha na ito ng mahigit isang libong likes. Nanatili akong nakatitig sa kanyang thirst trap photo.

Written in the Stars (Taglish Version)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora