Special Chapter 2: Together Forever

76 6 0
                                    


Xean's POV

After a few days, kailangan ko ng umalis ng RnJ para sundan si Marky sa Australia. Sinundo niya ako sa Albany Airport bago kami tumuloy sa venue, isang magandang cottage resort sa isang maliit na bayan na tinatawag na Denmark na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Australia.

"So, how do you find the place?" tanong sa akin ni Marky habang linilibot niya ako. Natigilan ako nang makita ko ang mismong venue.

"N-nakakamangha," sagot ko

"All the best for you, my love," sagot niya bago hinawakan ang kamay ko. Napasimangot naman ako. "Anong meron at ganyan ang mukha mo?" tanong niya

"I jut feel bad," sabi ko sa kanya.

"Bakit naman?"

"Dapat tinulungan kita sa paghahanda," paliwanag ko.

"Hush, nonsense. Lahat ng ginagawa ko; ginagawa ko para sa ating dalawa."

"So, bakit mo napili itong lugar na 'to?" Curious kong tanong habang lumilibot pa rin ang mga mata ko.

"It reminds me of our hometowns," paliwanag niya. "Baguio and Baler."

"Pero may malapit bang dagat dito?" tanong ko.

"Oo. Gusto mo bang pumunta doon pagkatapos mong magpahinga?"

"Sure," pagpayag ko bago kami tumuloy sa cottage.

"I can't wait to see you in that wedding dress."

"Nagbibiro ka lang, 'diba?"

"Boss Cold Coffee, magpahinga ka na." Pinilit niyang umiwas sa usapan sa pamamagitan ng pag-iwan sa akin.

"Marky!" pagtawag ko pero hindi siya sumasagot. Sa halip, isinara niya ang pinto. "That jerk," bulong ko. Hinubad ko na lang ang sapatos ko at humiga sa kama. Dahil sa nakakabagod na biyahe, kaagad naman akong makatulog.

Pagkagising ko, dumiretso na ako sa restroom para maligo. I took the liberty to use one of Marky's shirts. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag sinuot mo ang damit ng iyong taong mahal mo. Lumabas ako ng cottage at naglakad-lakad, nakita ko si Marky kausap ang wedding planner na kinuha niya.

"Babe, gising ka na pala," he remarked when he noticed me approaching them. "Let me officially introduce you to the wedding planner. Babe, this is Tiffany. Tiffany, my one and only love, Xean."

"Nice to finally meet you, Sir Xean," nakangiting bati niya sa akin. "I have heard such beautiful things about you from Sir Marky."

"The pleasure is mine. Thank you for helping us with this important moment."

"No problem. It's my job to make your special moment magical and unforgettable," sagot niya. "Anyway, since nandito ka na, you need to try the clothes you will use. We still have ample time for alterations kapag kailangan."

"Which won't be really needed," komento ni Marky. Napatingin kami ni Tiffany sa kanya.

"Paano mo nasabi?" curious kong tanong.

"I know every single inch of your body," pang-aasar niya. "Parang may peklat ka sa likod at nunal sa —"

"Marky!" saway ko habang papalapit sa kanya at tinakpan ko ang bunganga niya gamit ang kamay ko. "Itigil mo yan."

Tumawa sina Marky at Tiffany.

"You're such a cute couple, you two," sabi ni Tiffany. Hinila naman ako ni Marky ang katawan ko bago inakbayan.

"Of course, we are," pagsang-ayon ni Marky bago nagnakaw ng halik.

"We better go," sabi ko kay Tiffany bago ibinaling ang ulo ko kay Marky. "Dito ka lang."

Written in the Stars (Taglish Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon