Chapter 34: Cheers!

68 2 0
                                    


Xean's POV

I'm just hoping na hindi masyadong maalat ang nailuto ko dahil nasobrahan sa toyo at hindi rin maasim dahil nasobrahan sa suka. Or worse, walang lasa kasi may kulang. "Marky, tikman mo 'to," sabi ko sa kanya sabay kuha ako ng kutsara at pinatikman. "Kamusta?"

"Ang sarap," sagot niya.

"Sigurado ka ba?" reaksyon ko. "I can't trust your words. Raena, pumunta ka rito, please."

"Coming," sagot naman niya. "Anong problema?"

"Tikman mo nga itong adobo."

"Ang sarap, Council Xean," sagot niya nang tumikim. Ngayon, nakahinga naman ako nang maluwag.

"See, sinabi ko naman sa'yo, masarap," komento ni Marky. "Bakit hindi ka naniniwala sa akin?"

"No offense pero masyado kang mabait," paliwanag ko. "Ikaw yung tipo ng lalaki na magsasabi lang ng magandang bagay."

"I can be bad too if you want," sagot ni Marky sabay kindat. Napaiwas naman ako ng tingin; masyadong pa-fall itong lalaking 'to.

"Stop talking and continue what you are doing," sabi ko sa kanya bago ko binuhat ang malaking kaldero palayo sa apoy at inilagay sa mesa. Papalubog na ang araw at sigurado akong gutom na ang lahat. Sinubukan kong tulungan ang aking mga kasamahan sa paghahanda ng pagkain. "Hindi ba tayo magluluto nito?" tanong ko nang may nakita akong karne na ni-marinate sa isang lalagyan.

"Naku, mamaya pa yan, Council Xean," sagot ni Raena. "Magkakaroon tayo ng barbecue party pagkatapos ng ating activity."

"I see." Tumango ako. "May ipapares ba tayong alak diyan?" tukso ko.

"Oo naman, Council Xean!" malakas na sabi ni Aljon.

"Ang sigla mo talaga kapag alak ang pinag-uusapan natin," komento ni Raena. Parang mag-asawa talaga ang kinikilos nila.

"Anyway, ano pa ba ang maitutulong ko?" tanong ko.

"Everything's fine," sagot niya. "Pwede ka nang magpahinga at maghintay ng hapunan."

"Sige," sagot ko bago umupo sa malapit na bench. I started to use my hand as a fan; it really feels hot. I mean because the weather and the fire were literally almost inches away from me. Napatingin naman ako sa kalangitan; papalubog na nga ang araw. Nagkukulay kahel, rosas at pula na ang langit. Tiyak na isang magandang tanawin. Napakasarap dito. Tapos na ang tag-araw ngunit parang hindi pa natatapos ang panahon. Napakaganda ng tanawin mula sa kung saan ako nakaupo. It's all serene.

"Council Xean," tawag ni Marky habang inalok ako ng kape mula sa vending machine. Alam niya talaga ang gusto ko. Hindi na ako nagdalawang isip at kinuha ko sa kanya 'yun. Hindi ko gaanong gusto ang instant coffee pero ito ang kailangan ko sa panahong tulad nito.

"Salamat." Humigop naman ako ng kape. Matamis ito at ayoko ng matamis na kape pero parang ayos lang. "It's good," bulong ko.

"Anong tintukoy mo?" curious na tanong ni Marky.

"Yung kape," sagot ko. "At ikaw, mabait ka."

Ngumiti siya. "Hindi ako mabait," paglilinaw niya. "I guess you had the wrong notion about me. Hindi ako mabait... Mabait lang ako sa mga taong gusto ko."

"Napakabait mo sa akin," sabi ko. "Ibig sabihin... gusto mo ako?"

"H-hindi!" bulalas niya. "What I'm trying to say is... I mean... uhm, kapag sinabi kong gusto kita, hindi ibig sabihin na gusto kita ng ganoon..." Hindi na niya kailangan magpaliwanag pero nagpatuloy pa rin siya. Napangiti na lang ako at pinagmasdan siyang nauutal at sinubukang magpaliwanag pa. I'm not sure if he's aware pero ang cute niya talaga. "Alam mo, maraming kahulugan ang salitang 'gusto'." Hindi ko maitago ang ngiti sa labi ko na ikinagagambala niya. Tumigil siya sa pagsasalita at saka nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. "I guess what I'm really trying to say is that... I just want to be nice to you, Xean."

Written in the Stars (Taglish Version)Where stories live. Discover now