Chapter 23: Bus Ride

87 6 1
                                    


Xean's POV

Pagkalipas ng dalawang Linggo.

Nagising ako mas maaga sa aking nakasanayan na oras ng aking paggising. Ngayon ang arw kung kailan magpupunta ang Legal Department sa malapit na karagatan para sa aming Team-building activities. Pinilit ko namang bumaba ng kama. Napatingin naman ako sa digital clock; lagpas alas-kuwatro na nang madaling araw. Nakapag-empake naman na ako kagabi kaya naman sigurado na akong wala akong iaampake ngayon. Nagtungo naman ako sa banyo upang mabilisang maligo. Nang matapos ay nagpalit ako ng damit, isang pink floral printed button-down shirt, khaki shorts, at isang paes ng beige na slip-on shoes. Hinila ko naman ang aking maliit na maleta palabas ng aking kuwarto. Binisita ko muna ang balkonahe at tumingin sa kalangitan. Madilim pa at hindi pa rin masisilayan ang araw. Gusto ko sanang magkape muna ngunit wala na rin akong oras. Napag-usapan naming na magkita-kita s atapat ng Head Office bandang five-thirty. Ang rinig ko ay ang Powerpuff Girls ang nanguna sa pagaasikaso at pag-oorganize ng teambuilding. Pagkalipas ng ilang minuto ay umalis ako ng condo complex at pumara ng taxi.

"Council Xean, narito ka na rin," ang wika ni Raena nang makita akong bumaba ng taxi. "Nasaan ang iba mong gamit?" ang nagtataka niyang tanong.

"Sandali lang," tugon ko naman bago natungo sa likuran ng taxi at kinuha ang maleta ko.

"Council Xean, gaano katagal mo balak manatili sa resort?" ang tanong ni Liyana. "Sa pagkakaalala ko, mananatili lang tayo roon ng dalawang araw at dalawang gabi."

"Well, every opportunity to travel is an opportunity to take photos," ang tugon ko naman.

"Council Xean, pupunta tayo sa beach para sa team-building activity natin," ang paalala ni Jace. "Hindi photoshoot."

"Well, puwede niyong enjoy-in ang teambuilding activities," ang wika ko. "At ako naman, eenjoy-in ko ang pagkuha ng mga larawan."

"Council Xean, kailangan mong sumali sa mga activity," ang wika naman ni Raena.

"Ah, kailangan ba?"

"Oo naman!" ang sabay-sabay naman nilang tugon. "Kailangan mong sumali sa amin."

"Fine," ang pagsuko ko. "Anyway, kayo rin ang nag-ayos ng masasakyan natin, hindi ba? Anong sasakyan natin papunta sa resort?"

"Yes, Council Xean," ang wika ni Jace. "Gagamit tayo ng shuttle bus papunta doon.

"Shuttle bus," ang pag-uulit ko bago napatingin sa paligid. "Nasaan?"

"Parating na, Council Xean. Kakausap ko lang sa driver."

"Kung ganun, narito na ba ang lahat?" ang sunod kong tanong. "Jace, please check if everyone is here."

"Yes, Council Xean," ang pagpayag niya bago nag-ikot.

"Anyway, heto ang number mo," ang wika ni Raena sabay abot sa akin ng isang papel. Kaagad ko nman yung tiningnan.

"Para saan?" ang nagtataka kong tanong.

"Seat number sa shuttle bus," ang paliwanag niya. "Ah, narito na ang bus!" ang anunsyo niya sabay turo. Napatingin naman ako, isang kulay puti at asul na tour bus ang dumating. "Everyone, maghanda na kayo. Paki-ayos na ang mga gamit niyo nang mailagay na sa bus compartment. Please, fall in line."

Hinila ko naman ang aking bagahe patungo sa tour bus. Sinimulan namang ilagay ng driver at ng ibang miyembro ng Legal Department ang mga gamit naming sa bus compartment. May dala akong isa pang mas maliit na bag na lulan ang mga kailangan ko sa biyahe. Sumakay naman ako sa bus at hinanap ang aking upuan. Nang makaupo ay binuksan ko ang aking bag at kinuha ang ang aking gamut pangbyahe at water flask. Madali akong mahilo kaya naman kailangan kong uminom ng gamut sa tuwing babyahe ako sa malayong lugar. Napatingin naman ako sa labas ng bintana.

Written in the Stars (Taglish Version)Where stories live. Discover now