Chapter 55: Love and War in your Thirties

69 7 4
                                    


Xean's POV

"Mag-usap?" inulit ko. This is ridiculous... talagang nagsimula kong maramdaman ang galit na sinubukan kong ibaon sa limot. "After all those years that you have never said a single word, you wanted to talk? Wala na tayong dapat pag-usapan pa at wala akong ibang masasabi sa iyo maliban na lang kung gaano kalaki ang pagkamuhi ko sa iyo."

Aalis na sana ako nang magsalita ulit siya. "Alam mo naman na wala talaga akong ibang pagpipilian, 'di ba?"

"I understand, Lucas," sagot ko pero hindi pa rin tumitingin sa kanya. "I understand that you need to go away. I tried to understand every single decision you have made for us, especially for yourself." Ang lahat ng mga emosyong itinatago ko sa aking loob ng maraming taon ay nagsimulang muling lumitaw. "I did my best to convince myself that you need to go away. Kahit na sobrang sakit sa akin. Pero minahal kita kahit na sora akong nasaktan para pakawalan ka. Pero alam mo kung ano ang mas masakit? You kept me stranded on the same ground for years. You put me in an abyss of not knowing what everything is for you? Okay ka lang ba? Nasasaktan ka pa rin ba tulad ko? That I became suddenly a stranger. And each and every day, I'm wishing na sana nasasaktan ka gaya ng pananakit mo sa akin, Lucas."

"Masakit din sa akin ang nangyari," pangangatwiran niya.

"I guess it doesn't matter anymore," sagot ko.

"Xean," sinubukan niya akong pigilan sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko. Humarap naman ako sa kanya.

"Ano pa bang kialnagan mo sa akin?!" sigaw ko. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. "Tanggap ko na... na wala ka na sa buhay ko. Remember the last letter that I sent you? Alam kong binasa mo 'yun bago mo binura lahat ng social media accounts mo na hindi mo man lang ako sinasagot, not a single word!"

"Xean, tignan mo ako sa mata at sabihin mong hindi mo na ako mahal," sabi niya.

"Anong nangyayari dito?" tanong ng isang boses. Napatingin kaming dalawa at nakita namin si Marky. "Sino ka?"

"I'm Lucas Sanchez," pakilala niya. "I'm the new husband for hire here. And you are?"

"Isa ako sa mga agent—"

"Sorry, but can't you see that your boss and I are in the middle of a serious conversation," hindi man lang nag-abala si Lucas na patapusin si Marky.

"What the hell," bulong ni Marky.

"Xean, come on. Sabihin mo na hindi mo pa rin ako nakakalimutan," sabi ni Lucas sa akin.

"Lumayo ka sa kanya!" Tinulak ni Marky si Lucas palayo.

"Mind your fucking business," ganti ni Lucas.

"Ang sabi ko, ilayo mo ang mga kamay mo sa boyfriend ko!" kwinelyuhan naman ni Marky si Lucas.

"Boyfriend?" Ngumisi si Lucas bago tumingin sa akin. "I can't believe you'll settle for less, Xean."

"Anong sinabi mo?" di ko makapaniwalang tanong. "Marky is way better than you."

"God! Even his name's sounds awful. Pre, mahal ka pa ba ng mga magulang mo?"

"This jerk."

"Lucas, tumigil ka na."

"Nasasabi mo lang yan dahil naniniwala kang in-love ka sa isang... basura." Nakita kong nagtaas ng kamao si Marky. Susuntukin na sana niya si Lucas nang pigilan ko siya. "Tingnan mo."

"Lucas, tumigil ka na!" sigaw ko sa kanya. "Enough. Pabayaan mo na lang ako."

"Sinong nagsabi na gagawin ko 'yan," sagot niya. "Dahil nariito na ako, you better brace yourself, Mr. Agent. I will take what I own. Mulgyeol Company and Xean."

"Bring it on," sagot ni Marky. "Hinding-hindi ko hahayaang bawiin mo si Xean. Kailangan mo muna akong lampasan."

"Marky, enough," sabi ko sa kanya bago hinawakan ang braso niya at hinila palayo kay Lucas. Huminto kaming dalawa sa harap ng elevator.

"Sino ang lalaking iyon?" tanong sakin ni Marky.

"He was my ex-boyfriend," pag-amin ko.

"Yung nang-iwan sayo?" tanong niya. Tumango naman ako bilang tugon. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Naisip ko lang na... parte lang siya ng nakaraan kaya hindi na ako nag-abalang sabihin sa iyo," paliwanag ko. "Galit ka ba?"

Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit. "Oo," pag-amin niya. "Sino ba namang hindi? Pinaiyak niya yang mga magaganda mong mata." Hinalikan niya ako sa noo. "Ayos ka lang ba?"

"Don't worry. I am," sagot ko habang pinupunasan niya ang mga luha sa mata ko. Pumasok naman kaming dalawa sa elevator. "Ayos ka lang ba?" tanong ko.

"Naiinis talaga ako," sagot niya. "I need some loving."

"Wag dito," sagot ko. "Baka may makakita na naman sa atin."

"No, I need it now," parang bata niyang sabi bago ako itinulak sa pader. Inalagay niya ang mga kamay niya sa gilid ng ulo ko. Tiningnan niya ako sa mata. "You're mine. And mine alone."

Nagnakaw siya ng halik sa labi ko.

"Anong meron sa inyong dalawa at sa elevator?" tanong ng isang boses.

"M-Ma'am Melai!" I blurted out. "Hindi ko alam na nasa building ka pa pala."

"Most of the agents are, Council Xean," she said as she was entering the elevator. "Ground floor?"

"Y-yes," sagot ko. Pinanood namin siyang pinindot ang button na katumbas ng sahig na balak naming puntahan.

"Should I expect more of these kissing scenes from you two?" pang-aasar niya. "If you sneak kisses here, I could just imagine what you two do in your office."

Nanlaki ang mata ko habang naubo naman si Marky sa gulat.

"Sige, mauna na ako."

Nakita namin siyang naglakad palayo nang bumukas ang pinto. "Marky!" pagtwag ko nang mapagtantong magsasara na ang pinto ng elevator. Mabilis niyang pinindot ang open button. Bumukas ulit ang pinto. Hinawakan ko ang kamay niya habang papalabas kami ng building. Sumakay kami sa kotse niya; natahimik kaming dalawa.

"Ano ang gusto mong kainin?" tanong niya.

"Anything you want," sagot ko. "I bet gutom ka na."

"Then, let's eat steak."

"Sure," pagpayag ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagkita ulit kami ni Lucas. After a long time, hindi pa rin siya nagbabago... ni katiting. Mahal ko pa ba siya?

Napatingin ako kay Marky.

Hindi. Lahat ng gusto ko ay nasa harapan ko. At wala na akong mahihiling pa.

"Boss Cold Coffee," pagtawag niya. "I love you."

Ngumiti ako. Napansin niya siguro na nakatitig ako sa kanya.

"You know I love you too," sagot ko. "More than you'll ever know."

Written in the Stars (Taglish Version)Where stories live. Discover now