Chapter 4: Together

160 5 2
                                    

Xean's Point of View

"Pasok ka," ang paanyaya ko. Nasa sala pa rin si Mama at nanonood ng Korean Drama Series na rinekomenda sa kanya ni Lucas. "Ma," ang pagtawag ko. Dinampot naman niya ang TV remote controller at pinatigil pansamantala ang palabas. "Narito si Lucas."

"Good evening, Ma!" ang mapaglarong pagbati niya sa aking ina. Nakunot naman ako ng noo nang marinig 'yun. "Pasensya na kung nagawi ako rito nang walang paalam."

"Okay lang," ang maligalig namang tugon ni Mama. "Alam mo naming palagi kang welcome ditto sa pamamahay naming pero... kalian mo nga pala jojowain ang anak ko?"

"Ma naman!" ang reaksyon ko. "Hay naku."

"Puwede po ba?" ang pabirong tanong ni Lucas sa kanya.

"Oo naman! Suwerte na yang anak ko sa'yo," ang kaagad na tugon ni Mama.

"Tara na nga, Lucas," ang patawag ko sabay hila sa kanya pataas.

"Aggressive much, babe?" ang tukso niya. Kaagad din naman kaming nakarating sa aking silid. "Ngayong narito na tayo, malayo sa mga mata ng Mama mo. Baka naman puwede ko nang makuha ang gusto ko?"

"Hindi ba sinabi ko naman sa'yo na nag-aaral ako at ayaw kong madisturbo," ang pagtanggi ko bago naglkad patungo sa aking mesa ngunit madalian naman niyng kinuha ang aking pulsa at hinatak papalapit sa kanya. "L-Lucas?" ang gulat kong reaksyon. Itinulak naman niya ako sa pinto. Kaagad naman siyang lumapit sa akin at ikinulong sa pagitan n pinto at ng kanyang katawan. "Anong ginagawa mo? Pakawalan mo ako, Lucas."

"Can't I share a special moment with you?" ang tanong niya pabalik. Pinanood ko naman ang paglapit ng kanyang ulo; nag kanyang mga mata ay nakatitig lang sa akin. "I love you."

Ngumiti naman ako. "I love you, too."

"Marahan naman niya akong hinalikan. Napapikit naman ako at hinayaan lang siya. Pagkalipas ng ilang sandal ay marahan ko naman siyang itinulak papalayo.

"Bakit ka tumigil?" ang tanong naman niya bago sinubukang halikan ulit ako.

"Sinabi ko naman sa'yo na nag-aaral ako," ang pag-uulit ko.

"Kung ganoon ay puwede naman siguro nating ituloy pagkatapos mo?"

"Oo na," ang pagpayag ko naman. Lumayo naman siya. "At kung maipapanagko mo na hindi mo ako guguluhin at mananahik ka muna."

"Asus, yun lang pala," ang tugon niya. "Magbabsa na lang ako ng isa sa mga sinulat mo," ang wika niya bago nagtungo sa aking kama at hinugot ang kanyang smart phone mula sa kanyang bulsa.

Napangiti naman ako, tumango at nagtungo na sa aking study area. Nagsimula na rin akong mag-aral habang si Lucas naman ay nagbabasa.

"Xean," ang pagtawag niya pagkatapos ng ilang sandal.

"Hmm?"

"Napagdesisyunan ko na mag-shift sa ibang course," ang wika niya. Natigilan naman ako sa aking ginagawa at napatingin sa kanya. Nagbabasa pa rin siya.

"Bakit naman?"

"Hindi ko sigurdo kung gusto ko talag 'yung inaaral ko ngayon," ang paliwanag niya.

"Pero pa-graduate ka na rin. Kung magshi-shift ka ngayon, late ka nang gra-graduate," ang wika ko naman.

"Sa tingin ko, okay lang naman sa akin 'yan."

Ngumiti ako at tumango. "Susuportahan kita sa kung ano mang gusto mong gawin."

"Thanks, babe. At napagdesiyunan ko rin na sabhin sa'yo nag lahat ng mga plano ko."

"Alam mo, puwede mo namang gawin ang lahat ng gusto mo," ang argyumento ko.

Written in the Stars (Taglish Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon