Chapter 58: Daddy?!

80 7 3
                                    


Xean's POV

I guess tama si Marky. Baka naging unreasonable ako kanina. Kasalukuyan akong nasa aking reading nook a aking condo, umiinom fuit flavored tea just to calm my senses.

Naalala ko si Lucas. He has always been acting like a businessman. Akala ko akin siya at akala ko rin sa kanya ako pero ang paghihiwalay namin ang nagpa-realize sa akin na kahit na anong tagal ng relasyon niyo ay hinding-hindi magiging assurance 'yun para magkasama pa rin kayo sa hinaharap.

Nagtagal kami ng ilang taon pero minsan hindi lang sapat ang pagmamahal.

I wonder kung anong ginagawa ni Marky ngayon. Kasama niya ang ibang mga agent. Umiinom ba siya? Kinuha ko ang phone ko at sinubukan siyang tawagan. Patuloy itong tumunog hanggang sa may narinig akong boses.

"Ma—" Mabilis akong natigilan sa pagsasalita nang mapagtanto ko kung sino iyon.

"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please, try again later."

"Bakit hindi siya sumasagot?" inis na tanong ko. Nag-message na lang ako sa kanya. "Tawagan mo ako kapag nakauwi ka na."

Ilang minuto kong tinitigan ang phone ko bago ito ibinalik sa mesa. Tumingin ako sa labas ng bintana at pinagmasdan ang mga ilaw mula sa ibang nagtataasang gusalo. Dahil marami akong trabaho ngayong hapon, nagpasya akong magkaroon ng simpleng R&R. Ang tagal na mula noong huling nobela na aking naisulat. After naming mag-break ni Lucas, I decided to have a hiatus. Binuksan ko ang folder kung saan naka-save ang hindi ko natapos na kwento. Pinasadahan ko ito ng pointer at nag-right click. I-click ko na sana ang opsyong burahin ito nang magpasya akong itago na muna ito. Actually, ang kuwentong ito ay inspired sa namin ni Lucas. Nagbukas lang ako ng bagong word file at nagsimulang mag-type.

It has been a long time since I have written anything; I was so into it that I forgot all about the time. Napalingon ako nang walang tigil na tumunog ang doorbell. Napatingin ako sa oras. Alas onse thirty na ng gabi.

"Sino kaya 'to?" tanong ko sa aking sarili bago tumayo. Dumiretso ako sa pintuan at tumingin sa peephole para tingnan kung sino iyon. Awtomatikong nanlaki ang mata ko nang may makita akong pamilyar na mukha. Agad kong binuksan ang pinto. "Stop it already," hinawakan ko ang kamay ni Marky at inilayo iyon sa doorbell. Tumingin siya sa akin.

"My Boss Cold Coffee," pagtawag niya. Naamoy ko agad ang alak mula sa kanya.

"Lasing ka," wika ko.

"No. I'm just tipsy," sagot niya bago ako lapitan. "Mahal ko," pagtawag niya sabay yakap sa akin nang mahigpit. "Boss Cold Coffee, mahal na mahal kita. Please, stop being mad at me." Niyakap niya ako nang mas mahigpit. "Huwag mo akong iwan para kay Lucas," pakiusap niya. "Pangako hindi na ako lalapit kay Celine."

"Gagawin mo 'yan?" tanong ko.

"I promise," tugon niya habang nakatingin sa akin habang naka-puppy dog pout. I know he's drunk pero I really find him still adorable. Hinawakan ko ang buhok niya.

"Hindi kita iiwan," nakangiting sabi ko sa kanya. "Pumasok muna tayo sa loob. Pwede ba?"

Hinila ko siya papasok at isinara ang pinto. "Hey, Council Xean. I love you."

"I love you, too," nakangiting sagot ko.

"Then, let's make a family," sagot niya bago hinubad ang suot niyang T-shirt. Akmang yayakapin niya ako ngunit pinigilan ko siya.

"Baby Apple Lips," pagtawag ko. "May pasok tayo bukas. Behave."

"Tonight, call me daddy," sagot niya.

Written in the Stars (Taglish Version)Where stories live. Discover now