Chapter 22: Eggs, Sausages, and Coffee

106 5 0
                                    

Xean's POV

"So, kamusta ang itsura ko?" ang tanong ko naman kay Marky nang matapos akong magbihis.

"Pogi pa rin as always," ang tugon niya habang nakamasid sa akin.

"Ang hilig mo talagang mambola, ano?" ang tukso ko. "Tulad ng nasabi ko na dati; hindi ako ang puwedeng mag-promote sa'yo.

Natawa naman siya sa aking sinabi. "Kailangan ko ngang ma-promote," ang bulong niya ngunit hindi ito nakatakas sa aking pandinig.

"What?"

"Wala," ang tugon naman niya bago umiling. "Kung tapos ka na, tara sa kusina at mag-almusal."

"Pasensya na pero may hair spray ka ba?" ang tanong ko. "Gusto ko munang ayusin ang buhok ko."

"Sorry pero hindi ako gumagamit ng hair spray. Hair wax lang ang mayroon."

"Ah, hindi ako gumagamit ng hair wax pero sa tingin ko, okay na rin." Kinuha naman niya ang hair wax at inabot sa akin. Binuksan ko naman yun at inamoy. "It smells fresh... Parang..." Hindi ko naman mapunto kung ano ang kaamoy nito.

"Parang ako?" ang salo naman niya. Natigilan naman ako at napatingin sa kanya. Napaka-obssessed talaga niya sa sarili niya pero hindi ko naman siya masisisi, hindi ba?

"Parang bagong ligo ang sasabihin ko," ang tugon ko. Ibinalik ko naman ang hairwax sa kanyang side table.

"Hindi mo na gagamitin?" ang tanong niya.

"Hindi ko sigurado kung magagamit ko," ang tugon ko. "Yung huling beses na gumamit ako ng haiwax, hindi naging magandang karanasan para sa akin. My scalp felt hot and dry."

Tumango naman siya. "At bagay mo rin namang nakababa ang buhok mo."

Naramdaman ko namang uminit ang aking mga pisngi. "Hay naku, ano bang pinagsasabi mo? Tara na mag-almusal? I mean, since you offered."

"Oo naman, Council Xean," tugon niya bago kami lumabas ng kanyang silid. Tumingin naman ako sa paligid.

"Maganda ang apartment mo," ang komento ko. Nasa isang bachelor's pad kami. Napakasimple ng kanyang tirahan.

"Pasensiya na kung medyo makalat," ang paghingi naman niya ng paumanhin. "Hindi pa ako nakapag-ayos. Nakakahiya."

"Binibiro mo ba ako?" ang reaksyon ko. "Gusto ko nga ang pagkakaayos mo. Teka, gaano ka kadalas mag-uwi ng babae rito?"

"A-ano?" ang gulat naman niyang reaksyon. "Hindi ako ganung klase ng lalaki."

"Asus, lahat naman ng lalaki, ganyan ang sinasabi."

"Lalaki ako at kaya kong patunayan na hindi ako ganyan," ang seryoso naman niyang tugon.

"Talaga ba? Paano mo naman nasabi?" ang hamon ko.

"Hindi na ako bata, Council Xean," tugon niya. "Ngayong taon, magte-tentra na ako. Nasa punto na ako ng buhay ko na hindi na ako nakikipaglaro. Gusto kong may makasama sa mga susunod na araw ng buhay ko. Sex is good pero hindi naman yun sapat. Hindi lang naman 'yun ang hanap ko sa buhay."

"Ganyan din ang nararamdaman ko," ang tugon ko. "Pero may mga taong katulad ko na pinanganak para mag-isa."

"Bakit mo naman nasabi 'yan?" ang nagtatakang tanong niya.

"Well, I'm already convinced," tugon ko.

"Sigurado ako na babaguhin ng sausage at mga itlog ko ang isipan mo ," tukso niya.

"A-ano?!" ang reaksyon ko.

"Yung sunny side up kasi," ang paglilinaw niya. "Na may kasamang chorizo. Siyempre, hindi mo dapat kalimutan ang fried rice.

Written in the Stars (Taglish Version)Where stories live. Discover now