Chapter 56: The Past and the Present

70 6 0
                                    


Marky's POV

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Simula nung nalaman kong bumalik yung ex-boyfriend ni Xean, hindi na ako mapakali. May tiwala ako sa Boss Cold Coffee ko pero hindi ko mapagkakatiwalaan yung anak ng tipaklong na 'yun. Papunta na ako sa condo unit niya. Sabi niya sa akin hindi ko daw siya kailangang sunduin sa umaga pero gusto ko siyang makita agad. Kumatok ako sa pinto pagkarating ko sa condo niya. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto. Inayos na ni Xean ang sarili gaya ng dati. Inaalagaan niya talaga ang sarili niya at isa ito sa mga dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya.

"M-Marky," sabi niya. Hindi niya siguro inaasahan na darating ako. "Hindi ko alam na darating ka. Nag-message ka ba sa akin?" tanong niya habang kinukuha ang phone niya sa bulsa.

"Nah," sagot ko. "Gusto lang talaga kitang makita sa umaga."

"Kumain ka na ba ng almusal?" tanong niya pagpasok ko sa condo niya.

"Hindi," sagot ko. "Pero dinalhan na kita ng pagkain."

"Saan?"

"Ako."

"Stop it," sabi niya sa akin. "Masyado pang maaga."

Hinawakan ko ang pulso niya at hinila palapit sa akin. "Marky, anong ginagawa mo?"

"Then, at least, give me my morning kiss," argyumento ko.

"Sige pero saglit lang," sabi niya. Hinawakan ko ang ulo niya at hinalikan. Nagsimula siyang sumagot.

"Sino ba ang nagsabi sayong magpapasaya ako ng saglit lang?" pang-aasar ko sa kanya. Niyakap ko siya nangg mahigpit at hinalikan ang ulo niya ng ilang beses.

"You're such a needy baby," komento niya na ikinangiti ko.

"Hindi ka magsasawa sa pagiging needy ko, 'di ba?" Tanong ko, pilit na nagpapa-cute.

"Of course, I won't," sagot niya. "Pero kailangan na nating umalis o baka ma-late tayo sa trabaho."

"Nasubukan mo na bang ma-late?" tanong ko.

"Hindi," sagot niya.

"Hindi kahit isang beses?"

"Hindi. Bakit mo natanong?"

"Baka naman puwede tayong magpaka-late ngayon," wika ko.

"A-ano?" reaksyon niya. "Seryoso ka?"

"Opo," sagot ko. "I missed you. So, I just want to cuddle with you a bit. Pwede ba?"

Hinintay ko ang pagtanggi niya. Alam ko na ang sasabihin niya. "Okay," sagot niya sabay tungo sa sala at umupo sa sofa.

"Okay," sagot ko na may kaunting pagkadismaya. Nanlaki ang mata ko nang ma-realize ko ang sinabi ni Xean. "Talaga?" ang nagtataka kong tanong. Ngumiti siya at tinapik ang sofa. Mabilis akong humiga roon, ginawa kong unan ang kandungan niya. "Hindi talaga ako makapaniwalang pumayag ka," sabi ko.

"Well, you said you wanted some cuddles and... I guess it's already rush hour. In one way or another, hindi tayo makakarating sa oras."

Ngumiti ako. Alam kong ito ay ang kanyang sariling paraan ng pagsasabi na gusto niya rin ang makasama ako. Hahawakan ko na sana ang mukha niya nang nauna niyang gawin iyon. Sinimulan niyang haplusin ang mukha ko. Ngumiti ako at tumingin sa mga mata niya. His touch makes me feel at ease; like a lullaby, ang kanyang mga daliri ay nagpapagaan sa aking pakiramdam. Sinimulan naman niyang paglaruan ang aking buhok.

"Kung ipagpapatuloy mo 'yan, baka makatulog ako," sabi ko.

"Then, do so," sagot niya. Inabot niya ang phone niya at may tinawagan. "Mahuhuli kami ni Marky sa pagpasok. Grabe ang traffic ngayon." I smirked. Jeez, he's using his power as an excuse but I'm loving it. Nararamdaman kong espesyal ako. Inabot ko ang kamay niya at hinalikan iyon. Tumingin siya sa akin. "Matulog ka lang kung gusto mo," sabi niya sa akin. Pinisil ko ang kamay niya.

Written in the Stars (Taglish Version)Where stories live. Discover now