Chapter 60: Space

79 9 10
                                    


Xean's POV

"Anong problema?" tanong ko. Miyerkules ng hapon at nakaalis na ang lahat. Nasa opisina kami ni Marky sa Legal Department. May mali sa kanya ngayon. He's acting cold towards me kaya pinapunta ko siya sa office ko para mag-usap kami. "Kakaiba ang kinikilos mo ngayon."

"In love ka pa rin ba kay Lucas?" tanong niya. Natigilan ako sa biglaang niyang pagtatanong. Namayani ang katahimikan sa pagitan namin ng mga sumunod na segundo. Tanging ang tunog ng orasan ang naririnig sa paligid. "In love ka pa rin ba sa kanya?" ulit niya. Ramdam ko ang sakit sa tinig niya.

"Marky, anong klaseng tanong yan?" tanong ko pabalik.

"Sagutin mo na lang ako, please," pakiusap niya.

"Hindi!" sagot ko. "Is it not clear enough for you na parte na lang si Lucas ng nakaraan ko?"

"Ang nakaraan na gusto mong balikan?" paeatang niya.

"Marky, saan nangagaling 'to?"

"Xean, nasaan ka last Saturday?"

"Sinabi ko sa iyo na pumunta ako rito upang makipagkita sa isang hired husband."

"Ibig mong sabihin si Lucas," akusasyon niya. Literal na nalaglag ang panga ko nung narinig ko yun.

"Ano? Hindi," tanggi ko.

"Bakit ka nagsisinungaling sa akin? Xean, ano ba talaga ako sa buhay mo?"

"Marky, hindi ko talaga maintindihan kung bakit ka nagkakaganyan," frustrated kong komento.

"Heto." Naglagay siya ng isang folder sa mesa sa harap ko. Kinuha ko namanito at binuksan. Nanlaki ang mga mata ko nang makakita ako ng mga larawan; si Lucas na nakahawak sa kamay ko sa rooftop. Tinignan ko naman ang sumunod na larawan. Laking gulat ko nang makita ko ang larawang nakuhanan ang paghalik sa akin ni Lucas. Agad ko itong sinara at tumingin kay Marky.

"Xean, mahal na mahal kita," sabi niya. "At nasasaktan ako ngayon." Nagsimulang tumulo ang mga luha niya. "Akala ko makukuha ko na sa wakas ang puso mo pero nagkamali ako."

"Marky, I can explain."

"Hindi mo kailangan," sagot niya.

"It's not what you think," sabi ko habang papalapit sa kanya. "Marky," hahawakan ko na sana ang dibdib niya nang itulak niya ang kamay ko palayo.

"Take your time to think," sabi niya sa akin bago pinunasan ang mga luha niya. "Narito lang ako. Naghihintay."

Nagsimula na siyang maglakad palayo. "M-Marky," tawag ko.

"Gusto ko lang munang... mapag-isa ngayong gabi," mahina niyang sinabi. Gusto kong sabihin sa kanya and assure him na ang lahat ay isang hindi pagkakaunawaan. Pero katulad ng ginawa ko kay Lucas dati... ang tanging magagawa ko lang ay panoorin siyang maglakad palayo. Umupo ako sa upuan ko habang umiiyak. The fact na walang tiwala si Marky sa akin at all rips my heart out. Pakana bang lahat ito ni Lucas? Nagtagal naman ako sa opisina hanggang sa tuluyan na akong nagkaroon ng lakas para tumayo at umuwi. Nahagip ng mata ko ang vending machine nang makarating ako sa lobby. Dahan-dahan akong lumapit dito at tinignan ang mga inumin doon. Hindi available ngayon ang de-latang kape na palaging binibili ni Marky para sa akin. Malungkot kong tinignan ang iba pang canned beverage na naroon. Nagulat ako nang may dumaan sa akin at nagpasok ng ilang barya sa makina. Matapos pindutin ang button na naaayon sa gusto niyang inumin, nagsimulang gumana ang vending machine.

Namalayan ko na lang kung sino, si Celine pala.

"Council Xean," pagtawag niya nang tumingin siya sa akin pagkatapos makuha inumin niya. "Here," alok niya ng canned strawberry juice. "Sa tingin ko gusto mo ito." Nangunot ang noo ko. Paano niya nalaman? "Tutal taga-Baguio ka naman." Oo. Tama. But why is she being nice? "May gusto akong sabihin sayo."

"Ano naman 'yun?" tanong ko.

"It's about Marky," sagot niya. "Hayaan mo na lang siya. Itigil mo na ang pananakit sa kanya." Naguguluhan ako sa narinig ko. "I'm not talking to you as an employee but someone who's genuinely concerned with Marky. I know he can't reciprocate my feelings for him. He chose you but you don't have the right to play with his heart. He genuinely loves you but please, stop playing. He deserves better. Siguro, iniwan ka ni Lucas dahil sa mismong dahilan na you are not worth fighting for."

Wala akong nasabi. Instead, ipinatong niya ang canned juice sa malapit na bench bago umalis. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ako karapat-dapat ipaglaban. Marahan akong tumango; marahil, tama siya. Lumabas ako ng building at umuwi sa condo unit ko.

-------

Kasalukuyan akong nakaupo sa veranda habang umiinom ng red wine. Hindi ko lang alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Gusto kong kausapin si Marky pero alam kong hindi lang siya makikinig sa kung ano man ang gusto kong sabihin. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko. Nadidismaya ako at naiinis sa sinabi sa akin ni Celine. Napalingon ako nang tumunog ang doorbell. Mabilis akong tumayo at nagtungo sa loob. Sana si Marky yun.

Binuksan ko ang pinto at nakita kong siya nga 'yun pero hindi ko inaasahang makikita siyang lasing.

"Marky," sambit ko sa pangalan niya. Tumingin naman siya sa akin.

"Xean, mahal na mahal kita," wika niya. "Pero bakit mo ako sinasaktan ng sobra?"

Napabuntong hininga ako. "Come inside," bilin ko sa kanya sabay hawak sa braso niya. Tinulak naman niya ako palayo.

"Sabihin mo sa akin, bakit hindi kita makuha nang buo?" tanong niya ulit, nagsimula siyang lumuha. "Nasa'yo na ang lahat sa akin. Bakit... hindi ko makuha nang buo ang puso mo? Ano bang meron kay Lucas at mahal mo pa siya? Ako na lang ang mahalin, Xean," saka siya lumuhod sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko. "Please, ako na lang ang piliin; ako na lang. Wag na si Lucas. Wag na ang iba."

Nagsimula na rin akong umiyak. Nasasaktan ako para sa kanya. Siya ang taong mahal ko at nabigo akong iparamdam sa kanya iyon. Bigla niyang pinulupot ang mga kamay niya sa bewang ko at ibinaon ang mukha niya sa tiyan ko. "Xean," pagtawag niya. "Why? What's wrong with me? Natalia left me. And now, you'll leave me again. I don't want to be left again by the one I love."

"Marky," pagtawag ko sa pangalan niya. "Itigil mo na ito."

"Huwag mo akong iwan," pakiusap ni Marky.

"Marky, hindi kita iiwan kahit anong mangyari," tugon ko. "Mahal na mahal kita. To the sun and back. Si Lucas ang lumayo pero ikaw... ikaw ang walang hanggang pag-ibig ko. And no words could ever describe how much I love you." Hindi ko siya narinig na sumagot. Nakatulog na siya sa ganoong posisyon dahil sa kalasingan. "Geez, this guy."

Sinubukan ko siyang igiya sa loob ng unit ko at inihiga siya sa aking kama. Inasikaso ko muna siya bago ako bumalik sa veranda at nagpatuloy sa pag-inom. May kakaiba talaga. Yung mga pictures... hinalikan ako ni Lucas... at nakulong ako sa rooftop. They all look premeditated. Lahat ba ito ay gawa ni Lucas?

May kailangan akong gawin. Ayoko nang masaktan si Marky dahil kay Lucas.

-------

KINABUKASAN, maaga akong nagising gaya ng dati. Naghanda ako ng almusal para sa amin ni Marky. To be honest, hindi ko talaga alam kung paano ko siya haharapin. Maya-maya, narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto. Lumabas si Marky at tumingin sa akin.

"We need to talk," sabi ko sa kanya. Tumango siya. "It's about us. Let's stop seeing each other for a while."

"Ano?" reaksyon niya. "Nakikipaghiwalay ka na ba sa akin?"

"I'm asking for a cool-off," paglilinaw ko. "You need a breather and I need to settle things with Lucas."

"May feelings ka pa sa kanya," he remarked pero hindi ako umimik. "Fine. If that's what you want," mahina niyang pagsang-ayon. "Mauna na ako."

Pinanood ko siyang maglakad palayo at lumabas ng condo ko. Pagkaalis niya, humagulgol ako at napaupo sa sahig. Isa ito sa pinakamasakit na nagawa ko. Pero kinailangan ko 'tong gawin. Para kay Marky; ayokong masaktan pa siya. Mahal na mahal ko siya. I will do anything for him. 

Written in the Stars (Taglish Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon