Chapter 57: Bitter Memories

70 7 3
                                    

Xean's POV

"Council Xean!" Mabilis na pumasok si Liyana sa opisina ng Council of Gigolos. Abala ako sa pagta-type ng kung ano-ano bago ako tumingin sa kanya.

"Is everything alright?"nagtataka kong tanong.

"Actually, hindi," sagot niya. "Nagsuntukan sina Marky at Lucas."

"Ano?!" Nagulat kami nina Council JC, Council Nathan, bago nagkatinginan. Mabilis akong tumayo at lumabas ng opisina. Maya-maya pa ay nakarating na ako sa ground floor. Nakita ko si La Diva at nilapitan ko siya.

"Anong nangyayari dito?" tanong ko sa kanya.

"Bakit hindi mo sila tanungin?" sabi niya sa akin bago tumingin sa dalawang nakaupo sa sofa. Sinundan ko siya ng tingin at awtomatiko akong humalukipkip nang makita ko sina Marky at Lucas. May mga sugat at pasa sila sa mukha.

"Bakit kayo nag-aaway?" tanong ko.

"Dahil sa'yo," sagot nilang dalawa. Uminit ang ulo ko sa narinig ko.

"Grabe, you need to stop acting like children," saway ko sa kanila. "Lucas, kung desperado ka na talagang maibalik ang kumpanya mo; then, be serious and stop messing around. Marky, ikaw din. This will be my first and last warning."

"Dalhin mo muna itong dalawa sa infirmary bago ko sila kausapin," bilin ko.

"Council Xean, dalhin mo ako sa infirmary," wika sa akin ni Marky.

"No, I'm a more valuable part of this company," Lucas butted in. "You should prioritize me. Dalhin mo ako sa infirmary."

"You two are really getting into my nerves now," sagot ko. "Liyana, dalhin mo si Lucas sa infirmary. Jace, ibalik mo si Marky sa Legal Department at asikasuhin mo ang mga sugat niya. Wala akong gustong marinig kahit kanino sa inyo hangga't hindi oras niyo oras magsalita. Are we clear?"

Tumango silang bago ako napatingin kina Liyana at Jace.

"Kukuha lang ako ng first aid kit sa infirmary," sabi ni Jace kay Marky bago sumama kina Lucas at Liyana.

"Pupunta na ako sa Legal Department," paalam ni Marky. "Council Xean."

Nagsimula siyang maglakad palayo.

"Ano na ang plano mo?" tanong ni La Diva. "I mean sa kanilang dalawa?"

"Sigurado akong hindi sila magkakasundo," sagot ko. "Hindi na sila puwedeng magtagpo."

"I'm sorry but this Lucas," sabi niya. "Sino siya sa buhay mo?"

"Ex-boyfriend ko siya," pag-amin ko.

"Ibig mong sabihin... yung ex-boyfriend?" reaksyon niya. "Yung nang-iwan sayo?" tumango ako. "W-wow," nauutal niyang sabi sa hindi makapaniwala. "It's a small world."

"Sa lahat ng tao, bakit kailangang siya pa?"

"In love ka pa rin ba sa kanya?"

"O-of course not," sagot ko. "Nasa tabi ko na si Marky."

Tumango naman siya. Bumalik ako sa Legal Department para tingnan ang baby ko. Nanlamig ako nang makapasok ako sa department. Nakita kong inaasikaso ni Celine si Marky. Napatingin silang dalawa sa akin nang mapansin nila ang presensya ko. I can't lie pero nakaramdam talaga ako ng selos nung nakita ko sila. Hindi na lang ako nagsalita at nagsimulang magmartsa papunta sa opisina ko. Agad bumukas ang pinto ng pumasok si Marky.

"Bakit ka narito?" malamig kong tanong.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya pabalik. "Gusto kitang makita."

"Talaga ba? Naging busy ka diyan kay Celine."

"A-ano? Naglilinis lang siya ng mga sugat ko. May first aid kit siya."

Written in the Stars (Taglish Version)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant