Chapter 53: Love, Rain, and Funny Business

73 7 1
                                    


Xean's POV

Inangat ko ang aking kamay at inalok ito sa kanya habang nakangiti. Kinuha naman niya ito. "Let's go, baby apple lips."

"Sure, Boss Cold Coffee," pang-aasar niya.

"I actually like that," napahagikgik ako. Sabay kaming pumunta sa coffee shop. It's just like spring and I feel better days with him.

DAYS became weeks turned to months... I'm enjoying Marky's company and I'm falling for him. Madalas niya akong sinusundan sa aking opisina sa Legal Department para magnakaw ng ilang halik bago siya bumalik sa kanyang mesa at tumutok sa kanyang trabaho. Dinala niya ako sa mga lugar na hindi ko pa napupuntahan and then we'll end up in my condo to cuddle. Si Celine ay... masakit pa rin sa mata. Hindi talaga siya sumusuko at pilit na nilalapitan si Marky. Buti na lang alam ng mga Teletubbies ang gagawin. Maraming nangyari sa RnJ. Umalis ng bansa si Steve para sa kapatid niyang kaaaksidente lang. Siya ay lubusang nahulog kay Addie; kaya, gusto niyang makawala sa kontrata. He can but of course, there are repercussions at binigyan ko siya ng mga opsyon kung paano siya makakalaya sa kontrata sa pinakamadali at pinakaligtas na paraan nang hindi babawiin ng kumpanya ang investment sa kanyang entertainment company.

Naalala ko ang unang pagtapak niya sa RnJ. Napakalakas ng loob niya sa pagsasabing hinding-hindi siya maiinlove sa isang kliyente. Ganun at ganun na nga ang sinasabi ng mga hired husband pero sa huli, kinakain na lang nila ang mga salitang binitawan nila. Hindi naman talaga ako nagulat. Sana lang... kahit anong napili nilang daan na tahakin, if to break the rules and pursue their love... or continue to work as a hired husband... masaya sila.

Isang Sabado, nagpasya kaming magkita ni Mary. Pumunta siya sa condo ko para sunduin ako.

"Hey, there," bati niya gamit ang seksing tono habang ang braso niya ay nakasandal sa pintuan. "Dumating na ang prinsipe mo."

"Halika nga rito" pagtwag ko sa kanya.

"Bakit?" tanong niya. "Are you finally going to initiate a kiss?"

"Who knows?" tukso ko. Pumasok naman siya at isinara ang pinto.

"So, what noe?" tanong niya. Inangat ko ang kamay ko at hinawakan ang dibdib niya. Nakasuot siya ng puting mandarin collared button-down shirt. Ramdam ko ang init ng balat niya sa ilalim ng telang iyon. Kinuha naman niya ang kamay ko. Naglakad ako palapit sa kanya nang magtama ang aming mga mata. Naglakbay ang kamay ko mula sa kanyang dibdib papunta sa kanyang pisngi. Mas ngumiti siya. "Anong gusto mo, Boss Cold Coffee? Sabihin mo lang."

"Gusto kita," sagot ko. "Pwede bang... manatili ka na lang sa buhay ko?"

"It's been months already," sagot niya. "and I'm still here. Kung endurance test ito, lalaban pa rin ako." Hinila niya ako palapit sa kanya. "Ang kailangan ko lang ay ang init ng iyong haplos, at ang lasa ng iyong mga labi."

Hinila niya ako palapit at niyakap nang mahigpit. Dumampi ang kanyang mga labi sa noo ko. I could feel his warmth. Pinikit ko ang mga mata ko at niyakap siya nang mahigpit.

"Marky, I want you to remember this day," sabi ko sa kanya.

"Ano ang tungkol sa araw na ito?" tanong niya.

Marahan ko siyang tinulak palayo at tinignan ang mga mata niya. "Remember the day I told you na hinding-hindi kita hahalikan?"

"Yeah," sagot niya.

"Medyo natakot ako na baka magbago ang mga bagay para sa ating dalawa."

"Nagbago ba ang lahat?" tanong naman niya; tumango ako bilang sagot.

"Oo," pagkumpirma ko. "Nagsimula akong magkagusto sa iyo... at pagkatapos ay mas nagustuhan kita." Hinawakan ko ang mukha niya. "Yung mukha mo... yung mga matang nagsasabi sa akin kung gaano ako kagusto at yung mga labi mong lasang mansanas. Gusto kong tandaan mo ito, Marky."

Written in the Stars (Taglish Version)Where stories live. Discover now