Final Chapter: Signing a Lifetime Contract

105 10 3
                                    


Xean's POV

La Diva?!

'Yung bruhang 'yun.

Speaking of the devil, binagtas ni La Diva ang hallway. "Ladine Lustre!" malakas na pagtawag ko. Huminto siya at tumingin sa akin.

"Yes, Council Xean?" tanong niya. "May kailangan ka?"

Nagmartsa naman ako papunta sa kanya. "All this time, alam mo kung nasaan si Marky."

"Well, yes," mabilis niyang pag-amin.

"Kung ganoon, bakit hindi mo sinabi sa akin?" I demanded.

"Hindi mo ako tinatanong," argyumento niya. "Yet you asked nightshade. Well, I guess she's a better friend than me."

Napakunot ang noo ko nang marinig ko iyon. "Teka, nagseselos ka talaga?"

"Ano?!" she blurted out. "Excuse me. Hindi!"

"Ikaw naman," wika ko. "Paano mo nalaman kung nasaan siya?"

"Kailangan pa bng itanong 'yan?" sagot niya. "Dati rin naman akong isang code agent. Mayroon din akong mga koneksyon."

"Ngayon, nagsisimula na akong maghinala na bitter ka lang dahil humingi ako ng tulong kay Maja."

"Sinabi ko na sa iyo na hindi ganoon."

"Eh, ano?"

"Hiling ni Marky na huwag kong sabihin sa iyo," paliwanag niya. "He was to give up on you but because I'm a genuine friend. I changed his mind. And dragging me is not the thank you I deserve, you little bitch."

"La Diva," seryosong pagtawag ko sa kanya. Napasigaw siya nang bigla ko siyang niyakap nang mahigpit. "Maraming salamat."

"Don't go mellow on me," she remarked but I can feel the smile on her face. "Now, go. He has been waiting for you. Don't let him wait more. " Bumitaw naman ako at nagsimulang naglakad palayo. "I'm rooting for the both of you."

Tinaas ko ang aking kamay ko at kumaway nang hindi tumitingin sa kanya. Lumabas ako ng opisina. I'm on my suit and tie at hindi naman ito ang damit para bumyahe ako ng malayo pero wala na akong pakialam. Gusto ko nang makita kaagad ang lalaking mahal ko. Pagdating ko sa parking lot, naghihintay na sa labas ng kotse ko ang mga Teletubbies. "Let's go," sabi ko bago pinindot ang remote na susi ng kotse ko para buksan ang mga pinto; pumasok naman kaming lahat.

"Alam mo ba talaga kung saan tayo pupunta?" tanong ni Raena.

"Hindi, pero susundan ko na lang ang GPS," sagot ko. "Plus nagbigay sa akin si Nightshade ng ilang mga Landmark."

"Sino nga pala si Nightshade?"

"A special code agent," simpleng sagot ko. Hindi pa man kami nakakalayo ay naabutan na kami sa matinding traffic. "Sa lahat ng pagkakataon," inis kong komento ko.

"Nami-miss mo na talaga si Marky, 'no?" tanong ni Liyana. Napatingin ako sa kanila.

"I do," pag-amin ko. "Sobra."

"Akala ko itatanggi mo na naman," Jace remarked.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Well, hindi ka talaga mahilig magsabi ng tunay mong nararamdaman," she explained. Tama siya kaya tumango ako. "You can be comfortable with anyone in the Legal Department. 'Di ba nga? Pamilya tayo."

"Komportable naman ako sa inyo," paglilinaw ko. "Pero ang trabaho ay trabaho."

Napabuntong-hininga silang lahat kaya napailing ako.

Written in the Stars (Taglish Version)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora