Chapter 15: Adonis Gala

91 6 0
                                    


Xean's Point of View

"Makakaasa ka sa amin, Council Xean!" ang saad ni Raena. "Magiging matagumpay ang event tulad ng mga nakaraang Adonis Gala."

"Nagtitiwala ako sa inyong lahat," ang pagkumpirma ko naman. "Pero sa ngayon, kumain na muna tayo at nagugutom na rin ako.

Magsisimula na sana akong kumain nang may tumikhim sa aking likuran. Kaagad naman akong napalingon upang tignan kung sino 'yun. Si Marky at ang kanyang nakakasilaw na ngiti. "Council Xean, puwede ba akong maupo sa tabi mo?"

"A-ano?" ang reaksyon ko sa gulat.

"Kung okay lang naman sa'yo," ang pagpapatuloy niya. Napatingin naman ako sa ibang miyembro ng Legal Department na natigilan at nakatitig na rin sa kanya. Kaagad ko rin namang ibinaling ang aking tingin sa kanya.

"Okay lang," sa wakas ang tugon ko. "Maupo ka na riyan."

Mas lumaki naman ang kanyang ngiti nang maupo sa unan sa tabi ko sa chabudai (Japanese Low Table). Nagsimula na nga kaming kumain lahat. In-eenjoy ko na ang sashimi nang...

"Council Xean, kailangan mo ring masubukan 'to," ang wika ng tao sa tabi ko. Napatingin naman ako kay Marky. Sa pagitan ng kanyang chopsticks ay isang pirasong karne.

"Ano 'yan?" ang tanong ko.

"Gyukatsu," ang tugon niya. "Beef tonkatsu. Heto."

Kukunin ko na sana ang piraso ng karne gamit ang aking chopstick ngunit bigla naman niya itong inilayo.

"Anong ginagawa mo?" ang gulat kong tanong.

"Council Xean, nganga," wika naman niya. "Wala naman akong sakit kaya huwag kang mag-alala."

Napalingon naman ako sa ibang miyembro ng Legal Department na nasa mesa naming; sinusubukan nilang hindi kami pansinin at nakikita ko 'yun. Ibinuka ko na lang ang aking bunganga at hinayaang subuan ako ni Marky. "Baka anong isipin ng iba,"ang sabi ko sa kanya.

"Ah, pasensya na," ang paghingi naman niya ng paumanhin. "Did I make you feel uncomfortable?"

"No. Hindi naman," ang tugon ko. "Pero alam mo naman kung paano mag-isip ang mga tao sa departamento natin. Nag-aalala lang naman ako para sa'yo.

"Wala lang naman sa akin," ang tugon niya bago ipinagpatuloy ang kanyang makakain. Napatango na lang ako at kumain na rin. Hindi ko talaga mabasa at mahulaan kung anong nasa isipan ng taong ito. Baka naman sadyang napakapalakaibigan niya o kaya naman... talagang baliw lang siya. Gayunpaman, masasabi kong isa pa rin siyang mabuting tao.

PAGKATAPOS ng masaganang hapunan ay bumalik kami sa Main Office upang maghanda para sa Adonis Gala. Ang mga agents na nagta-trabaho sa ibang business establishment ng RnJ ay dumating na rin. Kailangan din kasi naming magset up ng isang mini-bar sa dulo ng opera house. Nakakatulong ang kaunting alak sa pag-bid ng mataas ng mga kliyente. "Sa tingin ko kailangan ko ring uminom. Feling, isang Tequila Sunrise, please."

"Got it, Council Xean!" ang masaya naman niyang tugon.

"Ako rin!" ang singit ni Liyana.

"At ako rin!" dagdag ni Jace.

"Siyempre, ako rin," si Raena.

"Hindi ba sinabi ko na sa inyo na walang iinom," ang paalala ko sa kanila. "Huwag kang magbibigay sa kahit kanino sa Legal Department."

"Noted, Council Xean," ang tugon naman ni Feling sabay abot ng aking inumin. Humarap naman ako sa tatlo habang hawak-hawak ang baso ng Tequila Sunrise. "Now, Ladies. Sashay away."

Written in the Stars (Taglish Version)Where stories live. Discover now