Chapter 11: Electric Shock

120 4 0
                                    

Xean's Point of View

Kapwa naman nagtungo sila Council Nathan at Council JC sa kanilang mga mesa at nagsimulang magtrabaho. Binuksa ko naman ang aking desktop computer at hinintay na magamit ko ito. Habang hinihintay ito au sinuot ko ang aking earbuds at nagsimulang making ng musika.

At ganito ang buhay ko bilang Head ng Legal Department ng kumpanyang tinatawag na RnJ.

LUMIPAS ANG ILANG LINGGO...

Naging maasyos naman ang lahat. Nasanay naman na ako sa presensiya ni Jaewon sa condo. Palagi siyang nakahubad kaya naman kita ang kanyang pinagmamalaking katawan... at hindi ako nagrereklamo. Ang mga miyembro ng Legal Department ay hindi pa rin nagbabago, they're still lively as always kahit na ang iba sa kanila ay mga bagong dating. Napagdesisyunan ng aming department na isagawa ang aming team-building activity sa isang malapit na beach pagkatapos ng dalawang lingo. Ang lahat ay nasasabik ditto kaya naman kumalat ang balita sa Head Office. Kahit ang miyembro ng ibang department ay gusting sumama sa amin ngunit para lamang ito sa mga miyembro ng Legal Department. Kahit ako ay nasasabik na magbakasyon kahit saglit. Hindi ko na nga maalala ang huling beses na nakapagpahinga ako. Simula noong naghiwalay kami ni Lucas ay ibinaling ko ang lahat ng aking enerhiya sa pagta-trabaho at pagmo-move on.

Sumapit ang panahon klung kalian ay sobrang abala namin sa Legal Department. Ngayong gabi ay gaganapin ang isang event na tawagin ay Adonis Gala. Isinasagawa ito sa Greco-Romanian hall naming sa Head Office kung saan ang mga kababaihang nabibilang sa matataas na antas ay inaanyayahang dumalo, lalo na ang mga nagngailangan ng mga lalaking kailangang umarte bilang kanilang asawa.

Nagtungo naman ako sa Legal Department kung saan ang mga agents ay naghahanda na para sa Adonis Gala. Nagtungo naman ako sa isa sa mga mesa doon kung saan nakahilera ang ilang dikyumento.

"Sino-sino ang mga hired husband na dadala mamayang gabi?" ang tanong ko kay Jace. Inabutan anman niya ako ng isang papel. "Hmm, let's see." Sinimulan kong tignan ang mga pangalang nakalista roon. "Jude Sebastian Celerio... Alexander Kier Rios... Payton Wise... Park Jaewon... sino kaya sa kanila ang magdadala ng limpak-limpak na salapi ngayong gabi?"

"Matic. Si Daddy Jude 'yan," ang kaagad naming tugon ni Raena.

"Nakita niyo na ba si Penny? Ang mga braso niya ang paniguradong magdadala sa atin ng salapi!" wika naman ni Liyana.

"Sa totoo lang, siguradop naman akong lahat naman ng nagsisisgwapuhan nating mg hired husband ay maguuwi ng milyon— baka pa nga, bilyon na piso sa RnJ pero kailangan niyong kumalma," ang wika ko sa kanila. "Dahil sigiurado akong ang Oppa natin ang mag-uuwi ng gold bars sa RnJ."

"Hay naku, Council Xean," ang sabay-sabay nilang reaksyon.

"Bakit?" ang walang emosyyon ko namang tanong. "Siya nga pala," ang pag-iiba ko ng usapan. "Nasaana ng listahan ng mga inimbita nating mga bisita?"

"Heto, Council Xean," ang wika ni Liyana bago niya ako ng panibagong piraso ng papel. Tinignan ko naman ang listahan. "Nag-background check ba kayo?"

"Nakuha na naming ang reports mula kay Council Nathan ilang araw na ang nakararaan pero nagsagawa ulit kamni ng pangalawang background checkl just to make sure."

"Good job as always," ang puri ko naman sa kanila. Nakatitig pa rin ako sa mga pangalan sa listahan; ang ilan sa mga pangalan doon ay pamilyar. "At ang mga kontrata?"

"Magse-set up ng computers at printers mamaya-maya sa venue ang technical team. Tulad ng dati, doon na rin ipi-print ang mga kontrata pagkatapos ng event," paliwanag naman ni Raena.

"Sounds good. May kailangan pa ba tayo para sa Adonis Gala mamayang gabi?"

"Nakahanda na ang lahat, Council Xean," ang paninigurado ni Liyana. "Kailangan na lang naming ayusin ang mga dokyumento," ang dagdag niya sabay tingin sa mga papeles sa mesa.

Written in the Stars (Taglish Version)Where stories live. Discover now