Chapter 27: Team Building

90 7 0
                                    


Xean's POV

"Alam ko," ang nakangiti naman niyang tugon. "Hayaan mo na lang at enjoy-in mo ang pagkain.

He seems to be unbothered at pinagpatuloy na lang niya ang kanyang ginagawa. Nahuli ko namang nakamasid ang iba sa amin at abot tenga ang kanilang mga ngiti. Napailing na lang ako. Ano bang nakain niya? Bakit parang wala siyang pakialam sa iisipin ng iba tungkol sa kanya? Tungkol sa amin? Totoo ngang napakapalakaibigan niya. Masyadong palaka-ibigan, sa totoo lang. Hindi ba nasabi ko na sakanya na kailangan niyang mag-ingat sa paraan ng pakikipag-usap niya sa iba? May mga taong baka mali ang pagkakaintindi sa kabaitan niya. I mean, madali na lang isipin ng iba that he's flirting. Sa mukhang mayroon siya, someone might fall for that kind of trap. Mabuti na lang ay alam ko ang hangganan ko at kilala ko na siya.

"Ano nga palang gagawin natin mamaya?" ang tanong ko kay Raena.

"Mga activity lang, Council Xean," tugon niya.

"Tulad ng?"

"Sekreto na 'yun, Council Xean. Hindi na masaya kapag sasabihin ko sa'yo."

"Kailangan ko bang sumali?" ang reklamo ko.

"Oo naman," ang tugon niya. "Gusto kang makilala ng iba?"

"Ha? Ako? Bakit naman?" nagtataka kong tanong.

"Ikaw ang pinakamisteryosong tao sa department," paliwanag naman niya. "I mean para sa mga bagong dating. Ah, most of them," ang pahabol niya pa bago napasulyap kay Marky na abala pa ring nag-aalis ng karne ng tahong.

"Ano na namang ibig mong sabihin?"

"Well, napansin lang namin na naging malapit na kayo ni Marky," paliwanag niya.

"Panno mo nasabi?"

"Palagi kasi kayong magkasama. Nakitulog ka nga sa kanya dalawang lingo na ang nakakalipas. Nanghiram ka pa ng damit niya tapos binilhan mo siya ng kape."

"Hindi sa ganun," ang paglilinaw ko."Nalasing ako kaya naman inalagaan niya ako. Binigyan ko siya ng kape para makabawi. Sandali nga lang, bakit nga ba ako nagpapaliwanag sa'yo?"

"May gusto pala akong itanong sa'yo, Council Xean. Sa RnJ, boss kita... pero kaibigan ang tingin ko sa'yo sa labas ng trabaho."

"Sinong nagsabi sa'yo na magkaibigan tayo?" ang tukso.

"Magkaibigan tayo," ang argyumento naman niya. "Sa ayaw at sa gusto mo; wala kang choice."

"Ang ibig sabihin ba niyan ay miyembro na ako ng Powerpuff Girls?" ang tanong ko; napangiwi naman ako sa aking naisip. "Eew." Natawa naman siya bilang reaksyon. "Ano nga pala 'yung itatanong mo?"

"Nagde-date na ba kayo ni Marky?" ang pabulong nyang tanong sa akin. What the hell?

"H-hindi!" ang pabulong ko ring tugon. "Sigurado akong mas straight pa siya sa isang ruler."

"Talaga?" ang reaksyon niya bago napatingin kay Marky na naglagay ng tahong sa plato ko bago muling nakisali sa kuwentuhan niya at ng mga kaibigan niya. "Hindi ba masyado yata siyang maalaga sa'yo?"

"Alam ko," ang pag-amin ko. "Wala namang ibang ibig sabihin 'yun."

"Miss Raena," pagtawag sa kanya ni Marky.

"Yes?"

"Gusto mo ba nitong tahong?" ang alok ni Marky.

"Hindi na," ang pagtanggi niya. "Ine-enjoy ko pa itong mga sugpo."

"Sige," tugon ni Marky.

"Nakita mo," ang bulong ko sa kanya. "Sadyang maalaga lang siya."

"Oo nga," ang pagsang-ayon niya. "akala ko talaga ay nagde-date kayo. Kaya kayo nagtabi sa bus at nagsama sa iisang kuwarto."

Written in the Stars (Taglish Version)Where stories live. Discover now