Chapter 13: Preparations

96 3 0
                                    

Xean's Point of View

"Osiya, aalis na ako," ang paalam ko bago lumabas ng opisina. Linagpasan ako ang hallway at dumeeretso ng elevator. Hindi naman nagtagal ay nakarating ako sa lobby. Kaagad akong binati ng mga agents mula sa iba't-ibang departamento. Nginitian ko naman sila habang palabas ng gusali.

Sumakay naman ako sa aking kotse at dumeretso sa aking condo unit.

Tahimik lang ang aking condo unit tulad ng dati. Dapt-hapon kaya naman tanaw ko na ang liwanag na pumapasok mula sa balcony at sa reading nook. Batid ko namang nasa travel agency pa si Jaewon at nagta-trabaho bilang isang tourist guide at nagtuturo rin sa mga mga katrabaho niya roon ng wikang Hangeul. Panigurado naman akong uuwi na rin 'yun mamaya-maya; total ay pinaalala ko naman sa kanya nang ilang bese ang tungkol sa event ngayong gabi. Napailing naman ako. Mamaya ko na siya aalalahanin; kailangan ko pang maghanda para sa Adonis Gala. Dumeretso naman ako sa aking silid at tiningnan ko ang aking sarili sa salamin.

"Hindi," ang utal ko nang makita ko ang aking sarili sa salamin. Mukha akong hindi natulog ng ilang isang buong buwan. "Kasalanan ito ni La Diva at ng Powerpuff Girls."

Awtomatiko naman akong napangiti nang maalala si Marky at ang kanyang nakakahawang mga ngiti. Nakakatuwa nga na may isang tulad niyang nakikita sa Legal Department. Ang ibig kong sabihin ay...oo, guwpo siya. At ang buong gusali ng RnJ ay napupuno ng mga nagsisiguwapuhang mga nilalang ngunit siya lang ang may mga ngiting nagpapaliwanag sa buong lugar.

Kaagad naman akong napailing nang bumalik ako sa aking katinuan. Bakit ko nga ba siya iniisip ulit? Napatingin naman ako sa aking relos. Sa tingin ko naman ay may sapat pa akong oras. Nagsimula naman akong maghubad sabay hagis ng aking mga kasautan sa laundry basket. Nagtungo namana ko sa shower room at naligo. Gusto kong magmukhang maayos kahit na hindi naman talaga sa akin umiikot ang event. Dineklara ko naman ang aking sarili bilang mukha ng RnJ. Nang matapos kong maligo ay dumeretso naman ako sa aking walk-in closet.

Ano bang isusuot ko para sa Adonis Gala? Hindi, hindi ko dapat nakawin ang spotlight na para sa mga hired husband. Naalala ko tuloy ang unang Adonis Gala na pinuntahan ko, ang mga kliyente naman ay nagsimulang i-bid ako at hindi ang hired husband na nasa aking tabi. Ang alala ng kaganapan 'yun ay nagpatayo ng aking mga balahibo. Ugh! Hindi ko kinakayang isipin na maging asawa ng isang babae.

Kaya naman pagkatapos ng insidenteng 'yun ay bumili ako ng LGBTQ brooch na palagi kong suot tuwing Adonis Gala. Binuksan ko naman ang isa sa mga aparador doon at tinignan ang aking mga terno. Sa huli kong pagkakabilang ay may labing-limang pares sa aparador na 'yun. "Nagsuot na ako ng Gucci at Burberry," ang bulong ko sa aking sarili. So, anong sunod kong isususot? May napansin naman ako sa pinakadulo ng aparador. Kinuha ko naman yun, ang skyblue Paul Smith Kensington fit wool and mohair-blend suit ko. "Perfect." Paparesan ko ito ng pastel pink na dress shirt at isang neck tie na kasing kulay din nito. Nang makuha ko ang bawat piraso ng damit na balak kong isuot ay lumabas naman ako ng walk-in closet, inilatag ang mga damit sa aking kama. Naupo naman ako sa tapat ng vanity table at naglagay ng kaunting make-up bago nagpalit. Pagkatapos ko naman makapagpatuyo at magkapag-ayos ng buhok ay okay na ako.

Lumabas ako ng aking kuwarto, dinampot ang susi ng kotse at bumalik sa Head Office.

"COUNCIL XEAN! Ikaw ba 'yan?" ang reaksyon ni Raena nang Makita akong pumasok sa gusali. Nasa lobby siya at nakikipag-usap sa kanyang... bebe? Seryoso, sa lahat ba naman ng parte ng RNJ, napili talaga nila sa lobby magharutan.

"Council Xean! Grabe, ang guwapo mo ngayon," wika ni Aljon sa akin.

"Yangm ga pambobola mo sa akin, Aljon," ang tugon ko sabay ngiti. "Okay lang sa akin na makipagdate ka sa miyembro ng department na hinahawakan ko, pero ipapaalala ko lang sa'yo na bawal ang office romance sa RnJ. Puwede niyong gawin lahat ng gusto niyo... sa labas ng opisina. Malinaw ba?"

"Pero hindi kami!" ang pagtanggi naman ng dalawa. Ikinumpay ko naman ang aking kamay sa tapat nila. "Osiya. Naiintindihan ko. Raena, gusto ko lang ipaalala ko na magsisimula ang Adonis Gala pagkatapos ng— " Mabilisan ko namang tinignan ang aking relos. "Tatlong oras. Siguro naman sapat na oras na 'yun para sa inyong dalawa. Pupunta muna ako sa Legal Department."

Iniwan ko naman ang dalawa at sumakay ng elevator. Pinindot ko ang numero ng palapag kung nasaan ang Legal Department. Nagsimula namang mag-ingay ang mga miyembro ng Legal Department nang Makita nilang pumasok ako. Natigilan naman ako at napatingin sa paligid.

"Sorry, Sir," ang paghingi naman ni Liyana ng paumanhin. "Pero ang venue ng Adonis Gala ay hindi rito. Bago kang hired husband, hindi ba?"

Nagsimula namang humagikgik ang iba sa kalokohang sinimulan ni Liyana.

"Masaya ba?" ang sarkastiko ko namang tanong sa kanila.

"Yes!" ang sabay-sabay naman nilang tugon.

"Ganun ba?" ang walang gana ko namang reaksyon. "Enjoy your dinner. Ililibre ko sana ang lahat ng narito pero nagbago na ang isapan ko. At dahil isa naman akong hied husband ay ang mga kapwa ko hired husband na lang ang aking ililibre.

"Council Xean," ang reklamo naman nila. Kaagad namang kinuha ni Liyana ang aking kamay at hinila pabalik.

"Ikaw naman, Nagbibiro lang kami," ang saad niya. "Pero ang guwapo mo talaga ngayon, Council Xean."

Napaikot naman ako ng mga mata at napailing. "Mukhang nai-spoil ko na nag lahat ng tao rito, sa tingin niyo?"

"Hindi naman, Council Xean!" ang tugon naman nila.

"Osiya, hindi naman maitatanggi na lahat kayo ay maganda ang trabahong pinapakita kaya naman nagpapasalamat ako na narito kayong lahat," ang pagsisimula ko sa aking mini-speech. "At nagpapasalamat din ako ngayon dahil pinili niyong mag-overtime kasama ako." Napapalakpak naman sila pagkatapos kong magsalita. "I'll see you at the restaurant, then," ang anunsyo ko bago tuluyang lisanin ang Legal Department. Muli naman akog lumabas ng Head Office.

Written in the Stars (Taglish Version)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora