Chapter 8: Dinner

126 7 1
                                    

Xean's Point of View

"I'm glad there's an AC here," ang dagdag niya na nagpatawa sa akin.

"I know right," ang pagsang-ayon ko. "Maupo ka na muna."

"Sounds good." Nagtungo siya sa dinig area sa tapat lang ng open kitchen. Nang maiinit ko ang pagkain ay inilapag ko ito sa kanyang harapan. "So, anong kailangan kong gawin bukas?"

"Well, kailangan mong pumunta sa Seduction classes ni La Diva, of course," ang tugon ko. "Pagkatapos ay dadalhin ka ng ilang miyembro ng Legal Department sa Viajero Travel and Tours kung saan, tulad ng sinabi ko, ay magta-trabaho ka bilang isang Tour Guide at magtuturo ka rin ng lenggwahe mo sa mga agents doon."

"I see," ang tugon naman niya bago nagsimulang kumain. "At kailangan mo rin palang pumunta sa Adonis Gala pagkatapos mong makompleto ang Seduction Classes mo."

"This Adonis Gala. What happens in that event?" ang tanong naman niya. "Anong kailangan kong gawin doon?"

"Well. First, you have to be at your best," ang paliwanag ko. "But looking at you, wala naming magiging problema. Ang kailangan mo lang namng gawin ay tumayo at magpapogi sa kanila. These women will bid until someone wins. At sa ganoong paraan ka makakakuha ng una mong kliyente."

Napabuntong-hiniga naman siya.

"Anong problema?" ang tanong ko.

"Ah wala naman," ang tugon niya sabay iling ng kanyang ulo.

"Come on. Kung may inaalala ka, puwedeng-puwede mo akong sabihan," ang saad ko sa kanya. "Ako lang din naman ang makakausap mo habang narito ka sa Pilipinas."

"Thank you," tugon niya. "It's just that... naninibago lang ako sa lahat. Ikaw, ang lugar na 'to, at ang trabahong kailangan kong gawin.."

"Hindi talaga maiiwasan ang pagbabago, Jaewon," ang saad ko. "Alam kong mahirap sa'yo ang lahat ngunit kailangan mong isipin kung bakit ka narito."

"For my Idol Entertainment Company," ang tugon niya. "Apara sa aking nakakatanda kong kapatid, si Heechul-hyeong. Thanks, Council Xean-hyeong."

"Anytime," tugon ko. "Just talk to me if you feel sad or homesick."

"Will do," ang pagpayag niya. Nagsimula naming tumnunog ang kanyang smart phone na kaagad din naman niyang sinagot. "Heechul-hyeong! Hello!"

Nagsimula na nga siyang makipag-usap sa kanyang Heechul-hyeong, ang kanyang Kuya. Nag-uusap sila sa wikang Hangeul ngunit naiintindihan ko nang malinaw ang kanilang pinag-uusapan.

"Saan ako nakatira?" ang tanong niya sabay sulyap sa akin. "With my business partner. No... He's Korean."

Napakunot naman ako ng noo sa aking narinig. Inilayo naman niya ang kanyang hawak na phone mula sa kanyang mukha at tinakpan ang mouthpiece nito. "Council Xean-hyeong," ang pabulong niyang pagtawag sa akin. "Sorry to drag you into this... pero kailangan ko ng tulong mo."

"Fine," ang pagpayag ko naman. Inabot niya ang kanyang phone sa akin.

"Hello," ang pagbati ko gamit ang kanilang wika.

"Hi. I'm Park Heechul, Jaewon's older brother. And you are?"

"Kim Kibum," ang tugon ko. "Nice to meet you."

"Kim Kibum?" Steve mouthed but I just ignored him for a while. Maraming naging tanong itong si Heechul tungkol sa negosyong ginawa niyang dahilan upang magtungo rito sa Pilipinas. Hindi ako pamilyar sa negosyong tintutukoy niya kaya naman sinugarado kong general answers lang ang mga binigay ko.

"Mr. Kim, please take care of my brother," ang paghingi sa akin ni Heechul ng pabor.

"Of course. No problem," ang tugon ko naman bago ibinalik kay Jaewon ang kanyang phone . Ipinagpatuloy naman nila ang pag-uusap habang ako rin naman ay pinagpatuloy ko ang aking hapunan.

Written in the Stars (Taglish Version)Where stories live. Discover now