Chapter Twenty-six: Photo Sessions

88 4 0
                                    


Xean's POV

"So, anong mga pagkain ang kaya mong iluto, Council Xean?" ang tanong ni Jab.

"Adobo, sinigang, kare-kare," ang pagsisimula kong paglista. "Mga ganoong bagay." Nakita ko naman ang pagkamangha sa kanilang mukha. "Kaya ko ring magluto ng ilang pasta dishes."

"Gusto kong matikman ang luto mo balang araw" ang wika ni Marky. "Makikitulog ako sa'yo sa susunod... eh, 'yun ay kung okay lang naman sa'yo."

"May sarili kang apartment," komento ko. "Bakit ka naman makikitulog sa akin?"

"Uy, sleepover! Masaya 'yun," singit naman ni Johnson.

"Seryoso, hindi na tayo mga bata para sa ganyan," reaksyon ko.

"Council Xean, relax," ang saad ni Jab. "Medyo childish nga pero puwede naman tysong mag-break ng norms paminsan-minsan."

"Sinasabi mo talaga yan sa head ng Legal Department?" ang komento ko.

"Council Xean, kalma lang," komento ni Marky. "Just chill and go with the flow."

Hindi ko sigurado kung paano tatanggapin ang mga sinasabi nila. Buong buhay kong palagi akong sumusunod sa mga rules; lalo na ang umarte naaayon sa aking edad. Maraming taong nagsasabi na I'm too stiff at nakikita ko naman kung saan silan nanggagaling. I'm just that kind of person na dalawang bagay lang ang pinagpipilian; itim o puti, oo o hindi. Ayoko ng nasa gitna. Natatakot akong sumugal; siguro ay natatakot lang ako sa mga bagay na walang kasiguraduhan.

"Kailan natin gagawin?" tanong ni Johnson.

"Hindi puwede ngayon," ang sagot ni Marky.

"Bakit naman?"

Ang rinig ko ay may kasama ngayon si Council Xean sa condo niya," paliwanag ni Marly.

"Oo nga pala. Nakatira si Steve sa kanya," ang tugon ng dalawa. Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa picnic area.

"Ang sosyal ng lugar," ang wika ko sabay tingin sa paligid. The place has this Mediterranean feel to it; ang paligid ay nadekorasyunan ng mga bagay na gawa sa kahoy, mga bato at kung ano-ano pa. Sa ibang salita, it's Bohemian inspired. Mabuti na lang at nag-retouch ako. Gusto ko kasing kumuha ng mga larawan pagkatapos ng pananghalian.

"Council Xean!" pagtawag ni Raena sabay lapit sa amin. "Narito na pala kayo. Maupo na muna kayo; patapos na ang mga pagkain.

"Sinong nagluluto?" ang tanong ko.

"Yung ibang agents natin," tugon niya. "Nag-imbita rin kami ng ilang tao."

"Sino naman sila?" ang sunod kong tanong.

"Ah, titignan ko muna ang pagkain," ang tugon niya bago mabilisang umalis.

"I smell something fishy," wika ko sabay tango nang mabagal. Malakas ang kutob ko kung sino ang kanyang inimbita. Napatingin naman ako sa tatlo. "Sigurado ako na galing sa Physical Examinations Department ang mga inimbita nila."

"Yan din ang tingin ko," ang pagsang-ayon ni Johnson.

"Bakit pa kasi nila tinatanggi kung napaka-obvious naman na?" ang retorikal kong tanong.

"Baka hindi pa sila ganoon kahanda," ang komento ni Marky.

"Bakit naman?"

"Baka natatakot pa sila."

"Natatakot sa alin?"

"Natatakot na hindi pa sila matanggap."

"Nino? Tayo? Wala namang problema," ang wika ko. "Basta maayos pa rin naman nilang magagawa ang kanilang mga trabaho."

Written in the Stars (Taglish Version)Where stories live. Discover now