Chapter 20: Bar

87 4 0
                                    


Xean's POV

Napatingin naman siya sa akin, ngumiti, at tumango. "Deserve mo ring sumaya, Council Xean."

"Of course," ang tugon ko.

"Then, let's drink to that." Inangat naman niya ang hawak niyang baso kaya naman sumunod naman ang iba pang miyembro ng Legal Department. Hinintay naman nila ako kaya naman napakibit-balikat naman ako at inangat ang aking hawak na wine cocktail. "Para sa RnJ Legal Department, sa Powerpuff girls, sa aking kaligayahan, at sa aking mailap na boss, Council Xean." Napakunot naman ako ng noo sa aking narinig. Paano ako naging mailap? "Cheers!"

"Cheers!" ang pagsali ko sa pag-angat ng mga hawak naming bago uminom.

"Council Xean, halika rito atg makipagkuwentuhan ka naman sa amin," ang pagtawag naman ni Liyana sa akin. Hindi ko sigurado kung maganda 'yung ideya. Ang ibig kong sabihin ay kung anu-ano na lang ang naiisipan nilang itanong at pag-usapan. "Council Xean, halika ka na." Napailing na lang ako at sinaluhan sila.

"Council Xean, dito ka maupo," ang pagtawag naman ni Marky bago umusog sa sofa.

"Sige," ang pagpayag ko at naupo sa kanyang tabi.

"Game time!" ang bigla na lang anunsyo ni Raena.

"Sinasabi ko na nga ba," ang reaksyon ko ngunit bago pa lang ako makatayo ay inakbayan agad ako.

"Council Xean, saan ka pupunta?" ang tanong niya sa akin. "Maglalaro raw tayo."

"Tama si Marky," ang singit naman ni Jace. Napabuntong-hininga na lang ako. Kinuha ko na lang ang inumin ko.

"Liyana, pakilabas ang mahiwagang bote!" wika ni Raena sa kanya.

"Heto!" tugon ni Liyana bago ipinakita ang hawak niyang bote ng beer. Sinimulan naman niyang ubusin ang laman nito. Uhaw na uhaw ang empleyado kong ito. Nang maubos niya ang beer ay inilagay niya ang bote sa mesa.

"Ang una nating laro ay Spin the Bottle," paliwanag naman ni Raena. "Pero hindi ito basta-basta spin the bottle," ang dagdag niya pa. Hindi naman na ako nagulat pa. "May kasama itong Truth or Dare. Simple lang naman ang mechanics ng laro. Ang maituro ng bote ay mamimili kung truth or dare. Ang sino mang hindi makasagot, hindi sumagot, hindi makagawa o tumanggi sa dare, kailangang uminom. Klaro ba?"

"Mabagal naman akong umiling samantalang ang lahat ay tumango. Mukhang ako lang naman ang hindi excited sa palaro nila.

"So, sinong magsisimula?" ang tanong ni Jace.

"Si Council Xean na ang unang magpa-ikot ng bote," ang tugon naman ni Raena.

"A-ako?" ang reaksyon ko. Napatingin naman sila sa akin at tumango. "S-sige." Dinampot ko naman ang bote at inilagay ito muli sa mesa bago ito pinaikot. Napatingin nama ako sa paligid habang umiikot pa rin ang bote. "Raena!" ang sabay-sabay nilang sigaw kaya napatingin ako. Sa kanya huminto ang bote.

"Oh, my gosh!" ang reaksyon niya. "Oh, my gosh. Truth!"

"May nagugustuhan ka ba sa RnJ?" ang tanong naman ni Marky.

"Hoy!" ang reaksyon ng iba.

"Ano ba 'yang tanong mo, Marky?" komento ni Jab.

"Ha? Bakit?" ang nagtatakang tanong ni Marky.

"Alam naman ng lahat ang sagot sa tanong na 'yan," ang paliwanag ni Jab.

"At ano namang ibig sabihin niyan?" naiinis na singit ni Raena.

"Kailanga ba naming talagang sabihin sa'yo, Raena?" ang tanong naman pabalik ni Jab. "Lahat naman dito ay saksi sa harutan niyo nung nasa Physical Examination Department. Ano na nga ulit 'yung pangalan niya?"

Written in the Stars (Taglish Version)Where stories live. Discover now