Chapter 31: Prank

66 6 0
                                    


Xean's POV

Tinikman ko naman ang kinuha kong inumin. "It's not bad," sabi ko habang tinitingnan ang mga hiwa ng prutas sa loob ng baso. "I actually like it." Nilapag ko naman 'yun sa mini table at pinagpatuloy ang pagbabasa.

Maya-maya, may boses na tumawag. Tumingala ako; ilan sa mga miyembro ng Legal Department.

"Oh, hi. May kailangan kayo?"

"Council Xean, please huwag mo kaming sibakin," hiling ng isa sa kanila. Napakunot naman ako ng noo.

"Anong ibig mong sabihin?"

Kinuha ng isa sa kanila ang aking tablet computer. Sinimulan nilang hawakan ang aking pulso at hinila ako palayo sa beach chair.

"A-anong ginagawa niyo?" Nagtatakang tanong ko pero alam ko na ang mangyayari. Pinaupo nila ako sa sahig habang dalawa pang tao ang humawak sa bukung-bukong ko. Naramdaman kong may naglabas ng phone ko mula sa aking bulsa.

"All clear," may nag-anunsyo. The hell!

"Stop," sabi ko sa kanila. "Hindi ako puwede sa tubig."

"Bakit?"

"Magiging sirena ako," sagot ko na ikinatawa nila. Binuhat nila ako at dinala sa gilid ng pool. Nagsimula na silang magbilang habang sinimulan nila akong iandayog patungo sa pool. "Kayo!"

"Isa." Nilunok ko ang bukol sa lalamunan ko.

"Dalawa." Sinubukan kong kumawala.

"Tatlo." Alam kong walang kwenta ang papigil ko. "Go!"

Binitawan nila akong lahat. Ilang segundo lang bago ako tuluyang nalublob sa tubig. Geez, itong mga 'to. Nagulat ba ako? Hindi, ito yata ang tinatawag nilang masaya. Hinayaan ko nalang ang sarili kong lumubog sa ilalim ng pool. Pinagmasdan ko ang ibabaw ng tubig habang lumilikha ito ng mga alon. Sabi ko magre-relax ako pero ito yata ang buhay ko sa Legal Department. Magulo nga sila pero pamilya sila. Lalangoy na sana ako patungo sa ibabaw nang makarinig ako ng malakas na ingay. Nilingon ko ang mukha ko sa pinanggalingan nitp at nakita ko si Marky na lumalangoy papunta sa akin. Hinawakan niya ako sa bewang at sinimulan akong hilahin papunta sa ibabaw. Nagsimula akong umubo nang lumabas ang aming mga ulo sa tubig.

"Council Xean, okay ka lang?" tanong sakin ni Marky habang hinihila ako papunta sa kanya. Hinawakan niya ang balikat ko at inikot ako, paharap sa kanya. "Ayos ka lang ba?" Nakita ko sa mukha niya ang pag-aalala.

"Okay lang ako," sagot ko sabay ubo ng tubig sa bibig ko. Medyo nsobrahan yata ang chlorine na ginamit nila para malinis ang tubig at agad kong kinaiinisan ang amoy nito.

"Ano ba kasing iniisip niyo?!" bulyaw ni Marky. "What if you kill him!"

"No need to overreact, newbie," sabi ng isa sa kanila.

"Say that once again and I'll smack you effin' face," galit na sagot ni Marky.

"Oh, then, come at me," hamon ng isa.

"Why you," reaksyon ni Marky bago inilabas ang sarili sa mula sa tubig at nagmartsa patungo sa kanila. "I'm not just a pretty face, airhead."

"Tama na!" pagpigil ko sa kanila. "Marky, Calm down. I'm fine. And you guys, stop picking a fight. We're all adults here."

Napaatras silang lahat sa isa't isa.

"Sorry, Council Xean," paumanhin nila sa akin.

"No need to apologize," sagot ko. "Kalimutan niyo na ang nangyari. Nandito tayong lahat para magsaya."

Umalis na sila maliban kay Marky na nakatayo pa rin sa gilid ng pool, nakatitig pa rin sa kanila na parang gustong pumatay."

"Uy, Mister I'm Not Just a Pretty Face," tawag ko. Tumingin siya sa akin. "I would appreciate it kung tutulungan mo akong makaalis sa pool."

Written in the Stars (Taglish Version)Kde žijí příběhy. Začni objevovat