Prologue

8.5K 87 2
                                    

"Angelo..."nagising si Samantha at nag-angat ng ulo ng marinig ang mahinang ungol ni Angelo.

"Hmm."bahagya pang gumalaw ang kamay nito na hawak-hawak niya. Bahagya pa siyang natigilan at nahigit niya ang kanyang hininga ng unti-unti itong magmulat ng mga mata.

Agad na tumulo ang kanyang mga luha."You're awake..."labis na tuwa ang nararamdaman ni Samantha sa mga oras na iyon. Sinabi ng mga doktor na malabo ng magising pa si Angelo matapos itong tamaan ng bala sa ulo. Pero heto siya ngayon, nakatingin sa lalaking nagligtas ng kanyang buhay.

Niyakap niya ito ng mahigpit."I knew it! Alam kong magigising ka..."umiiyak na pahayag niya. Sa higit siyam na buwang hindi siya umaalis sa tabi nito, sa wakas ay nagising na ito.

"U-uuhh..."napabitaw siya ng yakap dito."A-aahh."muling umungol ito. Hindi pa ba ito nakakapagsalita?

"Wait lang, tatawag lang ako ng doktor."pagpapaalam niya dito na may bahid ng pag-aalala. Lumabas siya ng kwarto nito at nagmamadaling pumunta sa pinakamalapit na nurse station.

"Doc, how's my husband? Is he okay now?"tanong ni Samantha sa kalalabas pa lamang na doktor sa hospital room ng asawa,  chineck nito ang kondisyon ni Angelo.

"As of now, Misis, he's okay. But, he needs further examination to make sure that he's totally okay."paliwanag ng doktor.

"Thank you, Doc."sabi ng ina ni Angelo na ngayo'y nandito na kasama ang asawa at maging ang ilan sa mga kaibigan nila ay nandito na din.

"One more thing, kailangan niya ng mahabang pahinga at hindi rin siya maaaring mapagod ng sobra upang hindi siya mabigla. And in his case, I'm sorry to tell you but almost all our previous patients that suffered like his condition, do not totally heal a hundred percent."sabi ng doktor."I am saying this to let you know early para hindi kayo masyadong mabigla sa maaaring mangyari."dagdag pa nito.

"What do you mean, doc?"kunot-noong tanong ni Sam sa Doktor.

"What I'm saying, Mrs.Salazar, is your husband might suffer from a brain problem just like almost all our previous patients with the same condition as him. Patients like him don't fully recover from the damages. Maaaring may naapektuhan sa kanyang mga senses o di naman kaya ay ang pinaka-common na maaari niyang maranasan. And that is Amnesia."ikinabigla ng lahat ang sinabi ng doktor. Natutop ni Samantha ang sariling bibig sa mga impormasyong narinig mula sa doktor. But she's hopeful.

"But, Doc, pwede rin namang walang mga complications siyang maranasan, hindi ba?"she positively asked.

The doctor smiled at her."Yes, that's possible, Misis."tila nagustuhan ng doktor ang determinasyong nakikita nito sa mga mata ng babae."Excuse me."pagpapaalam ng doktor at iniwan na sila.

Sabay-sabay silang pumasok sa loob ng kwarto ni Angelo kung saan ay inabutan nila itong mahimbing na natutulog. Lumapit dito si Samantha habang ang iba naman ay nanatili lamang sa tabi.

Masaya ang lahat sa nakikitang sigla sa mga mata ni Samantha habang tinititigan ang asawang payapang natutulog. Simula ng nasadlak sa ospital si Angelo ay tila namatay din si Sam. Nakita nila kung paano ito araw-araw na nagbabantay sa asawa at kinakausap ito kahit hindi nila alam kung naririnig ba siya nito. Araw-araw nila itong nakikita na umiiyak at nagmamakaawa na gumising na ito. Hindi man lang ito umaalis sa tabi ni Angelo kaya naman ang mga magulang na lang muna ng lalaki ang nag-take-over sa pamamalakad ng kompanya ni Angelo na naisalba na sa pagkalugi. Umaalis lamang ito sa tabi nito tuwing pumupunta ito sa mini church na nasa loob lang din ng ospital at sa tuwing maliligo. Hindi na rin nito kailangang magpabalik-balik pa ng bahay dahil may banyo naman ang kwarto ni Angelo. At kung hindi pa nila ito pupuntahan at dadalhan ng pagkain ay makakaligtaan nito ang kumain. Nakita nila kung gaano ito naapektuhan sa nangyari kay Angelo kaya hindi nila maiwasang hindi mapangiti habang pinapanuod ito ngayon. Nagbalik na ang dating Samantha at pati na din si Angelo.

ATM 2:A True Madness (FBS#1)Where stories live. Discover now