7

3.3K 59 0
                                    

"Next time I'll see you like that, be prepared."kinilabutan si Sam sa ginamit nitong tono. Bakit bigla na lang siyang napaos? Tanong niya sa kanyang sarili. She wanted to ask him kung anong nangyari dito at nagkaganoon ang boses pero bago pa man niya iyon magawa, nakapasok na ito sa banyo. Naiwan naman siyang tulala. At ng maalala niya ang ayos niya kanina ng pumasok ito, saka lang niya naramdaman ang kahihiyan na kanina pa dapat niya naramdaman. Bigla ang pagsalakay ng kulay sa kanyang mukha at wala sa sariling ibinagsak muli ang katawan sa kama habang nakatakip ang dalawang kamay sa mukha.

Ilang minuto din siyang nakahiga sa kama ng maisipan niyang lumabas ng kwarto at libutin pa ang buong bahay. Pagkatapos sa sala ay dito kaagad siya dumiretso at masyado siyang naaliw sa sobrang lambot ng kama kaya naman nagtagal siya. At ng maalala ang ilan pang pinto na hindi niya pa napapasok ay nagmamadaling tumakbo palabas ng pintuan at muling naglibot. At dahil napasok niya na ang isa sa dalawang pinto, which happen to be the master's bedroom, pumasok naman siya sa kabila. She's expecting to see a bedroom too but then it's a small library filled with different books.

So, does it mean we'll sleep together again in a same room? Napangiti siya sa naisip. Ang totoo ay miss na miss niya na ito. They used to sleep together back then when she flew back to Philippines after studying in London, United Kingdom. Nakakatawa lang isipin na kung dati ay ayaw niya itong makatabi sa iisang kama, and to think na pinag-awayan pa nila iyon. But look at now, she's dying just to sleep with him again in one same bed and to feel his arms wrapped to hers. So, he wanted to sleep with me, too? Lalong lumapad ang pagkakangiti niya ng maisip na gusto din ni Angelo na matulog katabi siya. Bakit naman kasi ito pipili ng bahay na isa lamang ang kwarto kung ayaw siya nitong makatabi, hindi ba?

Nawala ang mga iniisip niyang iyon ng mapadpad ang kanyang paningin sa mga well-organized na mga libro sa isang hindi kalakihang shelf. She started browsing for a book. She loves reading even when she was still a kid. At lumipas man ang panahon ay hindi nagbago iyon. She loves history, and that's a fact.

Kumuha siya ng dalawang libro at lumabas na doon. Dumiretso siya sa hallway na nakita kanina, only to welcome by the homey ambiance of the kitchen and a not-so-small dining table with four chairs. Inilapag niya muna sa mesa ang mga librong kinuha niya at saglit na iginala ang buong paningin niya sa buong kitchen-slash-dining room. White ang theme ng kitchen that made it clean to stare at. Truth is, she's not a fan of kitchen cause she's not fond of cooking but she loves the dining area. She giggle at the thought. Yes, matakaw siya at buti na lang ay mabilis ang kanyang metabolism kaya hindi siya tumataba.

Nakarinig siya ng pagtikhim kaya napalingon siya sa kanyang likuran. Her eyes widened when she saw her husband comfortably leaning on the white wall with arms crossed. But that's not really her point. He's TOPLESS!!! And Oh. My. ABS!!!

"Ehem."nabalik ang kanyang paningin mula sa abs nito papunta sa gwapo nitong mukha. It's clear na kakaligo lang nito dahil sa basa at tumutulo pa nitong buhok. Kumunot ang noo niya ng makitang ni hindi pa ito nagsusuklay pero ang gwapo na nitong tingnan. It's just so unfair na ang mga babae ay nagmumukhang bruha kapag hindi nagsusuklay pero ang mga lalaki naman ay sobrang hot kahit na magulo ang buhok. Or is it just Angelo?

"Staring is rude."pagpaparinig nito."At bakit ka nakasimangot diyan?"iningusan niya lamang ito. She was thinking if she could try to not comb her hair and looked so sexy with that like him.

Kinuha niya mga libro na inilapag niya sa mesa at saka ito nilagpasan. Pero nakakailang hakbang palang siya ay bigla siyang napabalik sa harapan nito ng makaramdam ng gutom.

ATM 2:A True Madness (FBS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon