50

3.5K 57 7
                                    

I need your votes and comments, fellas. Maybe I'll end this on chapter 55 or 60. Sana po samahan niyo ko hanggang sa huli :)


HALOS magi-isang buwan na na nasa akin si Angelico. At ilang linggo na rin ang nakalipas 'nong huli naming pag-uusap ni Angelo at hindi na iyon nasundan pa. At wala akong balak na masundan pa iyon...

At iniisip ko kung ano ang mangyayari sa amin pagkatapos ng isang buwang pamamalagi ni Angelico sa akin. Hindi ko naman nakakalimutan na isang buwan lang dito si Angelo at lilipat siya ng Canada at kalahating buwan naman siya doon.

"Gusto nila Mommy at Daddy na bumisita tayo sa kanila bago ako lumipat ng Canada."itinago ko ang pagkagulat na aking naramdaman ng banggitin ni Angelo ang kanyang Mommy at Daddy. So, it means alam nila na may apo na sila?

Napaismid ako sa naisip na sa akin lang naman itinago ni Angelo ang anak ko. Pero, bakit hindi nila sa akin sinabi ang tungkol kay Angelico? I thought they were on my side?

Nanikip ang dibdib ko sa isiping isa rin sila sa mga nagtago sa akin ng tungkol sa aking anak. The last time we saw each other in California was when I stayed in their house for weeks when Angelo and I got separated, or just so I thought.

"Hindi ako sasama. But if they want to see my son, go take him with you."sabi ko."But, please, leave him to me before you fly to Canada."I reminded him and he sigh.

"Sam, napag-usapan na natin 'to, hindi ba? Gusto kong sumama kayo ni Angelico sa akin sa Canada. And one more thing, my parents were looking forward to see you again. They wanna see you after a long time."iniwasan ko ang kanyang titig.

Why would they want to see me now after all that happened? After they chose to just hide the truth to me... Ang akala ko ay nasa panig ko sila dahil 'nong pansamantala akong tumira sa kanila sa Cali ay galit sila sa anak nila dahil sa ginawa nito. But, I know I should understand that blood is thicker than water. Anak nila si Angelo.

"Sam, please..."pagod na pakiusap ni Angelo. Pagod na rin naman ako. Parang paulit-ulit na lang naming pinagtatalunan ang pagdedesisyon sa lahat ng bagay.

"'Wag mong ipilit, Angelo..."

Dahil hindi ako handa. Hindi ako handa na malamang pati sila ay piniling saktan ako. I loved them like a daughter to her parents.

I stand up on my seat."Matutulog na ako."paalam ko sa kanya.

"Please, think about it. They missed you, Samantha."pahabol niya pa.

Pilit ko mang inaalis sa isipan ko ang mga sinabi niya ay hindi ko magawa. Resulta? Hindi na naman ako nakatulog ng maayos.

"MOMMY, please sama ka samin ni Daddy kila Lola-Mama."pakiusap ng anak ko kinabukasan. Siguro ay nabanggit na ni Angelo ang tungkol sa pagpunta sa mga magulang nito.

Nginitian ko na lang ang anak ko at ipinagpatuloy ang pagpapa-kain ko sa kanya. Kaninang madaling araw lang ay nagpaalam si Yaya Rose sa amin ni Angelo na kailangang-kailangan nitong makauwi ng Pilipinas dahil namatay ang pamangkin niya na may sakit na leukemia. Nagpadala naman ng pera si Angelo dito at ngayon nga ay wala kaming kasama ni Ico sa condo ko. Si Yuan ay hindi naman makakapunta ngayon dahil inaayos nito ang sched ko. Plano ko kasing magtrabaho sa tatlong araw na mawawala si Angelico dito sa bahay upang pumunta sa Lolo at Lola niya. Nangako naman si Angelo na maaga siyang uuwi upang samahan kami dito. I just don't know if he still will after I refused.

Tss. Pagkatapos mong tanggihan na sasamahan niya kayo, aasa ka?

Muli kaming nag-swimming ni Ico sa clubhouse hanggang bago magtanghali. Kumain kami ng lunch at bagsak ng umuwi sa aking unit.

ATM 2:A True Madness (FBS#1)Where stories live. Discover now