55.1

3.5K 69 14
                                    

Thanks sa wonderful cover xxbamchuxx .

"You pick a hotel." Ani Angelo. At ako nga ang pinapili niya kung saan kami magche-check in. Hindi ko naman pinili iyong pinakamahal.

"Dad! San tayo mamamasyal dito? Is there a beach here?" Excited si Angelico na ngayon lang nagising dahil buong biyahe hanggang sa nakakuha na kami ng hotel ay tulog siya.

Kunot ang noo na napatingin si Angelo sa kanya mula sa laptop nito."Are you joking me, young man? Beach? Can't you see it's almost winter here?"napanguso na lang si Angelico doon. Napangiti ako habang pinapanood silang nag-uusap. They really look like each other. I only have my eyes in Angelico's features. But, it's okay... Siguradong magiging habulin ng babae ang anak ko paglaki niya.

"You love beaches, baby?" Tanong ko.

"Yeah, mom." Sagot ni Ico. He can be really cold sometimes like his Dad... Or me.

"No, I don't." Sagot ni Angelo. Napasinghap na lang ako. Hindi pa rin siya tapos sa pang-aasar niya, huh?

"Ako ang baby ni Mommy!" Nakasimangot na si Angelico.

Agad ko naman siyang dinaluhan."Opo. Ikaw lang ang baby ko."I hugged him hanggang sa unti-unting nawala ang gitla sa kanyang noo. I kissed him on his cheek. So cute!

"Tss." Napatingin ako kay Angelo na ngayon ay nakasimangot habang nakatutok na ang mata sa laptop niya. Bumubulong-bulong pa siya ng kung ano-ano na hindi ko naman maintindihan habang tumitipa sa keyboard.

"What?" Tanong ko. Tumingin siya sa akin para lamang irapan ako. Anong problema nito?

Inirapan ko na lang din siya.

Medyo malaki ang nakuha naming hotel suite. Kahit na wala itong sala ay napakalaki naman ng kwarto. At may sofa din. May maliit na kainan at malaking cr na may jacuzzi! I'll use that later before I go to bed. Sa paninirahan ko sa New York ng ilang taon ay hindi ko naranasan ang gumamit ng jacuzzi. Palagi lang akong nasa condo kapag walang trabaho o minsa'y nagwo-work out sa gym.

Nag-cuddle lang kami ni Angelico sa King sized na bed habang nasa cream couch naman si Angelo at busy sa kanyang laptop. Nagpahatid na lamang kami ng dinner from the hotel's resto.

Madaling nakatulog si Angelico dahil siguro sa pagod kahit na buong biyahe naman siyang tulog. Nakaidlip ako kanina habang nasa eroplano kami. Pero si Angelo, ni hindi man lang nagpahinga sa kung ano mang ginagawa niya sa laptop niya.

Iniwan ko siya doon sa couch at itinuloy ang plano ko na mag-jacuzzi at nagbabad ako doon. I feel so fresh after my long bath. At ang bango nung shower gel!

Halos isang oras siguro ako doon pero paglabas ay agad na kumunot ang noo ko. Tutok na tutok pa din si Angelo sa kanyang laptop. Tumingin ako sa orasan at nakitang almost midnight na! Hindi ba siya matutulog?

Hindi ko na napigilan at lumapit ako sa kanya habang nagpupunas ng buhok. I stopped in front of him at pumameywang.

Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa akin. Pinasadahan niya pa ng tingin mula sa aking paa hanggang sa magtagpo ang aming mga mata. Kitang-kita ko ang pagtagal ng titig niya sa aking dibdib! Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya ng namumula. I am just wearing a pink robe, for God's sake!

I cleared my throat at tumingin ulit sa kanya. Nakataas ang kanyang kilay.

"What are you doing?" Kaswal na tanong ko.

Ngumuso siya matapos pasadahang muli ang katawan ko. Shet! Hindi ba siya titigil?

"Tinatapos ko lang yung presentation ko. I need it tomorrow for the meeting. Mauna ka ng matulog." Sabi niya na namumungay ang mga mata.

ATM 2:A True Madness (FBS#1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang