5

3.4K 50 0
                                    

"Sir, nandito na po tayo."pagpapaalam ng driver kay Angelo. Napatingin naman siya sa labas at nakita niya na ang malawak na karagatan at ang mga bangkang nasa daungan na maaating sakyan.

Napatingin naman siya kay Samantha na nakasandal sa kanyang balikat. Kanina pa ito natutulog. Nag-aalangan siyang gisingin ito dahil sobrang payapa itong nakapikit at nakasandal sa kanya na parang ang balikat niya ang pinaka-komportableng bagay na maaaring sandalan.

"Napakaganda po ng asawa niyo, Sir. At napakabait pa."mula sa pagkakatitig sa natutulog na asawa ay napatingin siya sa driver na kanila pa pala sila tinitingnan."At parang mahal na mahal niyo po siya, tama ba?"he was caught off guard. Mahal?

Tumango na lamang siya. Kung alam niya lang.

Ilang minuto pa silang nagkuwentuhan sa iba't ibang mga bagay bago niya ginising si Sam. Pagod na din siya at baka abutin sila ng dilim kapag hindi pa sila sumakay ng bangka papunta sa kabilang isla. Nandoon kasi ang beach resort na kanilang pupuntahan. Nagpatulong siya sa kanyang mga magulang na pumili ng magandang resort at sobrang natuwa ang mga ito ng sinabi niyang gusto niyang magbakasyon kasama si Sam.

"Where are we?"she asked in a husky tone that make him gulped. Her voice is very sexy. Luminga-linga pa ito sa labas ng bintana."Wow."nanlaki ang mga namumungay nitong mga mata ng makita ang kulay asul na karagatan. Napangiti naman siya dahil nagustuhan nito iyon. Para sa kanya talaga ang pagpunta nila dito upang makabawi naman siya dito. It's like it is his birthday gift for her. Pero wala pa ding nagbabago. Hindi niya din ito naalala at hindi din bumalik ang nararamdaman niya para dito. Actually, hiwalay sila ng kwarto dahil na rin sa kagustuhan niya. Naiilang siya dito- o mas tamang sabihing he was tempted by her. Maybe he's already attracted to his wife. But that's all. Ayaw niya namang pairalin ang pagiging playboy niya dito kahit na asawa niya pa ito. For him, she's too innocent for the things he was used to. Kaya naman siya na mismo ang umiiwas.

"Yay! Sakay tayo doon, Angelo!"parang batang nagtatalon ito ng makalabas sila sa sasakyan habang itinuturo ang isang bangka."Please?"pinagsalikop pa nito ang dalawang palad and she gave him her puppy eyes. Ugh!

Dahil mukhang hindi niya naman ito matatanggihan ay tiningnan niya ang itinuturo nitong bangka. It is a white boat with a touch of red. Napangisi naman siya. Napansin niya na sobrang hilig nito sa kulay pula dahil halos lahat ng gamit nito doon ay pula o kaya naman ay dilaw at itim.

"Ayaw mo ba 'non?"tinuro niya naman ang isang dilaw na bangka at napatingin doon si Sam. Admiration is written in her eyes.

"Ahm."napatingin uli ito sa pulang bangka. Para itong batang hindi makapili kung ano ba ang bibilhin nitong candy.

Napatawa naman siya. He's very mesmerized by this side of her. Para siyang bata na nasa katawan ng isang sexy at napakagandang babae.

Dahil nasa likuran siya nito, napalingon ito sa kanya na nakakunot ang noo."What's funny?"tanong nito.

"Nothing."he chuckled and made his way towards her. Nagulat ito ng akabayan niya. Miski siya ay nagulat sa kanyang ginawa pero hindi na lang siya nagpahalata at hindi na rin siya nag-abalang tanggalin pa ang braso sa balikat nito. Nandiyan na eh.

Nailang naman siya dahil nakatingala ito at titig na titig sa kanyang mukha. Yumuko naman siya ng kaunti dito at nagsalubong ang kanilang mga mata."Why?"tanong niya dito."Ayaw mo ba na akbayan kita? Okay."hindi niya na hinintay na makasagot ito at tinanggal na ang braso niya sa balikat nito at nauna ng maglakad. Nahihiya siya.

"Wait!"narinig niya pa ang pagsigaw nito pero hindi niya pinansin. He guess he's blushing right now. At ayaw niyang ipakita dito iyon at lubos-lubusin pa ang pagkapahiya. Pero sadyang makulit ito at hinabol siya."A-ng bilis m-o namang maglakad."hinihingal ito ng abutan siya. Nagulat siya ng kunin nito ang kanang braso niya at ibalik sa balikat nito. Yumakap pa ito sa kanyang bewang."C'mon! I want the red one."she smiled sweetly at him. Hindi niya namalayang nakangiti na pala siya habang nagpapatianod na lang dito papunta doon sa pulang bangka.

Kahit na may nakalaang yate na sasakyan dapat nila ay pinagbigyan niya na ito. Mukha namang mas magugustuhan nito dito kahit na hindi mamahalin.

Being a gentleman, inalalayan niya ito pagtapak na pagtapak ng bangka. Excited na excited ito at medyo nag-aalala siya dahil mauga ang bangka. Parang nagsisi tuloy siya na dito pa pinasakay si Sam.

Nagtatalon-talon ito dahilan para umuga ng malakas ang bangka."Ma'am!"napasigaw ang bangkero.

"Kyaaa!"tili nito ng ma-out of balance. Napapailing na lang siya sa dito ng masalo niya ito ng kanyang mga braso. Good thing he has fast reflexes.

"Bad girl."bulong niya sa tenga nito at marahan niya pang inihipan 'to dahilan para pagdikitin nito ang balikat at gilid ng ulo. He knows he's teasing her, but he felt doing it.

He saw her blushed, giving him the satisfaction."A-angelo..."tawag nito sa kanya.

"Hmmm?"hindi niya pa din binabago ang posisyon nila.

"They're looking."namumulang saad nito na parang hiyang-hiya. Pinigil niya naman ang sarili na humalakhak sa reaksiyon nito. Pinili niya na lang na tigilan na ang pang-aasar dito at inalalayan niya na itong makatayo. Hindi pa umaandar ang bangka at marami ang nakatingin sa kanila. He didn't care, seriously. Pero nakita niya naman na sobra ng nahihiya si Sam at kulang na lamang ay magtago ito sa loob ng kanyang damit para lang maitago ang mala-kamatis nitong mukha.

"Alis na po ba tayo, Sir?"pukaw ng bangkero. Tinanguan niya lamang ito at maya-maya ay binuhay na nito ang makina ng bangka.

It'll be a long trip.

ATM 2:A True Madness (FBS#1)Where stories live. Discover now