8

3.2K 59 1
                                    

"C'mon, Samantha. Let's go swimming."kanina pa inaaya ni Angelo si Samantha pero ayaw nito.

"Ayaw ko nga."may bahid na ng pagka-irita sa tinig nito when she declined again.

"Kapag hindi ka pa diyan tumayo, mapipilitan akong kargahin ka."marahas na napalingon sa kanya ang babae mula sa panonood ng tv sa kanilang kwarto. And he tried his best not to laugh at her irritated face."Isa."his voice is full of threat.

"You could swim alone for god's sake, Angelo! Hindi mo ko kailangang isama."ibinalik na nito ang tingin sa pinapanood na pelikula. Pero wala pang ilang segundo ay napalingon muli ito sa kanya, with a glow in her eyes that every man would love to stare at."Unless..."binitin nito ang sasabihin.

"Unless, what?"his eyes narrowed. He don't know what's running on her mind right now and he surely want to know.

"Unless... you want to be with me."panunukso nito at saka sinabayan pa ng halakhak.

What a wonderful view!

Pero hindi siya maaaring magkamali sa nakita! There's a hint of hope in her beautiful eyes.

"And, so?"tila balewalang pagkakasabi niya na nagpatigil sa pagtawa nito.

"You do?"tila hindi makapaniwalang tanong nito, her eyes is widening.

"Tss. C'mon! Magbihis ka na."hinila niya ito patayo at saka itinulak papunta sa dresser nila.

"Teka lang! Did you bring my bikinis when you packed my things?"nag-aalalang tanong nito. Tumango na lamang siya dahil busy siya sa kanyang cellphone. He got a message earlier telling him na maaari ng ilipat sa local jail si Alicia. At talagang natuwa siya sa balita. Pero ang ikinalulungkot niya ay didiretso ito sa kulungan. At dahil doon, hindi na matatapos ang one week na vacation nila ni Samantha dahil talagang gusto niya na itong pumunta. Kaya nga pinipilit niya na itong lumabas para naman ma-enjoy nito ang last day nila sa resort na ito at bukas na bukas ay kailangan na nilang umuwi.

"Ilang minuto lang ay nakabihis na ito. She is wearing an orange sarong dress na halos hanggang sahig ang haba. He have a perfect view of her back at alam niyang itim ang two peace na suot nito dahil nakikita niya ang strap na itim sa likuran nito. And she's very alluring!

"Ang ganda ko no?"she teased that made him come back to his senses. She's grinning at iningusan niya lamang ito. She has the confidence and he love it. But he doubt if she knows how gorgeous she looks. Napaka-inosente nito sa maraming bagay ang he wants her to stay that way.

"Ang init."sabi nito habang naglalakad sila sa may buhanginan. Napapansin niya rin ang ginagawa nitong pagtatago sa anino niya para lamang makaiwas sa init. She must look stupid by doing that but no. She looks cute instead.

Nang makakita siya ng spot kung saan konti lamang ang tao ay inilatag niya doon ang isang kulay blue na blanket at inilagay doon ang ilan nilang mga gamit. Habang ina-assemble niya naman ang dalawang beach chair at ang mesa na may nakakabit na umbrella sa gitna ng dalawang beach chair ay kitang-kita niya kung paano maglaro si Samantha sa tubig. Hinahangin ang mahaba nitong sarong dress pat na din ang buhok nito that made her look like a goddess. Nandoon lamang ito at nilalaro ng paa nito ang tubig. Napailing na lamang siya ng maalala ang sinabi sa kanya ng kanyang mommy na hindi ito marunong lumangoy. Kaya siguro ayaw nito kanina na sumama sa kanya.

Mabilis niyang tinapos ang ginagawa at sumunod dito.

"Hey."napatingala naman ito sa kanya."Ayaw mo bang mag-swimming?"tanong niya dito.

Umiling ito saka ngumuso. He chuckled at her cuteness."I can't swim."

"But I can."he insisted while looking at her angelic face. And for a moment, he forgot everything. He forgot that they need to go back tomorrow in Manila and he just want to stare at her beautiful face.

ATM 2:A True Madness (FBS#1)Where stories live. Discover now