45

3.7K 83 20
                                    

Inabot ako ng tanghalian sa kwarto ng mag-ama- Angelo and Ico. I didn't planned it though.

Angelo convinced me to stay. I told him I can't. Pero wala na akong nagawa ng makisama na rin sa pamimilit si Ico. I don't have the heart to refuse that lil' man.

Kaya naman ng matapos naming magtanghalian at nakakita ako ng chance para makatakas, ay ginawa ko na. Nakatulog na si Ico at naliligo naman si Angelo ng iwan ko sila. Hindi naman ako nag-aalala dahil nandoon naman ang Yaya ni Ico na magbabantay sa kanya.

"You seemed enjoying Angelico's company."napaangat ako ng tingin sa nagsalita.

Pinigilan ko ang sarili kong mapasinghap at magpakita ng kahit na anong emosyon ng makita ko si Alicia na nakasandal sa pinto na katapat ng kwarto ko. Don't tell me, siya ang nago-occupy ng room na katapat ko? Hindi ba siya natutulog sa kwarto ni Ico at Angelo?

Then, I remembered. Natulog ako kagabi sa kwarto ni Angelo, which means, hindi doon natutulog si Alicia. But, why? Dalawa ang kwarto doon sa inookupang room nila Angelo.

"Or, it's Angelo's company you're enjoying?"nabalik ang atensiyon ko kay Alicia ng muli siyang magsalita.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at sa tonong ginamit niya.

Is she saying that I'm flirting with Angelo?

"Pardon?"hindi ko naiwasan ang katarayan sa boses ko.

Wala akong magagawa kung ayun ang tingin niya sa mga ginagawa ko. Pero hindi ko rin siyempre maipapangako na hindi ko ipagtatanggol ang sarili ko, lalo na't alam ko na hindi ako ang lumalandi sa aming dalawa ni Angelo. I'm not assuming things, but clearly, Angelo's flirting with me in an unknown reason. He's taking advantage to the fact that I like his son. That's what I feel about all of these.

Ngumiti si Alicia ng nang-uuyam."We both know what's really your intention is here."

Napaismid ako sa sinabi niya."Oh, please! WE both know that you don't know what's on my mind. Given that you have a mental illness- oops! My bad."she better back off. Nararamdaman ko ang galit na pumupuno sa aking puso na alam kong matagal ng nandoon.

Pak!

Tumagilid ang mukha ko sa sampal niya at kalaunan, napangisi na lang ako. Nakakatawa ang babaeng 'to! Siya pa ang may lakas ng loob na sampalin ako?!

Huminga ako ng malalim bago nakangiting bumaling sa kanya.

PAK!

Napatingin ako sa kamay ko na dumapo sa pisngi niya. Sinadya ko ang pagtataka sa reaksiyon ko habang tinitingnan ko iyon.

"Ang sakit pala manampal ng mamamatay tao."humalakhak ako.

Alerto kong napigilan ang kamay niya na gaganti sana muli ng sampal at...

PAK!

"Kulang pa 'yan sa lahat-"

"Samantha!"napatigil ako sa boses na iyon.

Wala akong ibang ginawa kundi ang titigan sila habang kinukulong ni Angelo sa kanyang mga bisig ang ngayon ay umiiyak ng si Alicia.

Napailing ako sa eksena.

I can still remembered it clearly when I first slapped Alicia in his office back then. Ganitong-ganito iyon. Kahit hindi ako ang nagsimula ng gulo, ako ang lalabas na masama.

Napatawa ako ng pagak at napailing sa sarili. Nakuha ko naman ang atensiyon nilang dalawa.

Kumunot ang noo ni Angelo habang tinitingnan ako."Why did you slapped her?"mahinahong tanong ni Angelo.

ATM 2:A True Madness (FBS#1)Where stories live. Discover now