53.1

3.2K 72 8
                                    

This chapter is dedicated to @Hi_immissLaine . As usual, cellphone lang gamit ko. Enjoy reading, guys!

"Mommy, miss ko na si Dad. Miss mo na din ba siya?"malungkot si Angelico dahil na-extend ng isang linggo ang dapat ay tatlong araw lang na pamamalagi ni Angelo doon sa Canada.

"Don't worry, baby. Mabilis lang ang one week basta good boy ka. Just pray to Papa God, okay?"I tried to lighten his mood up. Ayaw ko namang matulog ang anak ko na malungkot.

Mabuti na nga lang at nakakatulog na siya ng wala sa tabi niya ang kanyang Daddy, hindi tulad nung unang beses niya na matulog sa akin.

"Papa God, thank you po sa maraming blessings. Thank you po sa Mommy at Daddy. Dati po wala po akong Mommy, pero ngayon po, meron na..."pinanood ko ang anak ko habang nakapikit siya at nagdadasal. Hindi ako ang nagturo sa kanyang magdasal, and this is the very first time na nakita ko siyang ganito. I can say that Angelo raised my son very well.

"Sana po umuwi na si Dad, kasi miss na po namin siya ni Mommy. Ayaw ko din pong magkasakit ulit si Mom."

Nakangiti ako hanggang sa natapos na magdasal ang anak ko. I am very blessed to have a son like him. And I can't afford to lose him. Not again...

Pinipigilan ko man ang sarili ko ay hindi ko magawa. Sa mga araw na wala si Angelo ay halos oras-oras kung bisitahin ko ang kanyang IG. Nag-aabang...

Pero, wala pa rin siyang post. He must've been really busy, alright.

"Daddy, kelan ka po uuwe? Miss ka na namin ni Mommy..."ayan ang palaging tanong ni Angelico sa Daddy niya sa gabi-gabi nitong pagtawag upang makausap ang anak.

At hindi ko rin alam kung saan niya nakuha ang ideya na miss ko na din si Angelo. Hindi nga ba, Samantha Louise?

Pinasa na sa akin ni Ico ang cellphone ko ng tapos na sila mag-usap ng Daddy niya. Pinanood ko si Ico na tumatakbo papunta sa kwarto namin. Actually, ayan ang routine niya. Pagkatapos nilang mag-usap sa cellphone ng ama niya sa gabi ay didiretso na ito sa kwarto upang matulog. Siguro ay inuutusan din siya ni Angelo na matulog na.

Napatingin ako sa screen ng cellphone ko ng makitang hindi pa putol ang tawag! I hesitantly put it on my ear. Karaniwan kasi, hindi ko naman na kinakausap si Angelo pagkatapos nilang mag-usap ng anak niya. Talagang tumatawag lang siya o kaya ako upang magkausap sila ni Ico.

"Sam... are you there?"sa tingin ko ay kanina pa siya nagsasalita.

"Yes. Ibababa ko na din 'to..."sabi ko. Ang lakas ng pintig ng puso ko.

"Please, no."agad niyang sabi. Nakagat ko na lang ang labi ko ng namayani sa amin ang katahimikan. All I can hear is his ragged breathing. Sa tingin ko ay papatulog na ito.

"Can you sing for me?"I don't know, pero biglang bumigat ang dibdib ko ng marinig ko ang lungkot sa kanyang boses.

"Why would I do that?"tanong ko.

"Please?"ayan lamang ang sinabi niya. But just like that, everything in me melted. Even the hatred that I should always feel whenever we're talking, magically disappeared.

I sighed."Matutulog ka na ba? You want me to sing you a lullaby?"I tried to be sarcastic, but I know I failed.

He chuckled. Pero, ramdam ko pa din ang bigat doon!"Any song would do. It's just... I really just wanna feel you."dumagundong ang dibdib ko sa sinabi niya. Dammit!

Ilang minutong katahimikan at napagpasyahan kong pagbigyan na siya. Gosh! Ang mahal kaya ng load na sinasayang niya!

"Last night I heard my own heart beating.
Sounded like footsteps on my stairs.
Six months gone and I'm still reaching,
Eventhough I know you're not there."tumigil muna ako saglit upang huminga ng malalim. I'm so damn nervous!

ATM 2:A True Madness (FBS#1)Where stories live. Discover now