30

3.4K 47 2
                                    

"Sam, that's enough."

"D*mn, JC! I told you it's a bad idea to let her come here!"

"Just let her. She needs that."

Ininom ko yung isa pang alak na nasa harapan ko. Sh*t! Ang pait talaga! Pero-

"Ang sharap!"pinunasan ko yung bibig ko using the back of my hand at tumingin sa mga lalaking nakapalibot sa akin."What's this drink again?"tanong ko. I remember that I'd already asked them this but, oh! I forgot again. Must be the liquor. Hihi.

I felt my world spun a little bit kaya napahagikgik ako.

"See? She's already drunk with just six shots!"si Aiden na umiiling pa. Napatitig ako sa kanya. Sh*t! Ba't ang gwapo niya kahit madilim? Sobrang gwapo with just the colorful lights hitting his face!

Tumayo ako dahil parang nasusuka ako.

"Sam!"

wooh! Akala ko maa-out balance na ako e. Buti na lang may sumalo sa akin. Was it Angelo?

Tumingin ako sa kung sino mang nakaalalay ngayon sa baywang ko.

"Tsansing ka, pre."may diing sabi ni Cliff kay Aiden. Agad namang tinanggal ni Aiden ang kamay niya sa gilid ko at umirap sa hangin. Oh, man! Ang gwapo niya talaga ngayon and I don't know why.

Humalakhak si Dominic kaya humalakhak na din ako.

"Crazy!"sigaw ni Dom. Tumingin ako sa nakangising mukha niya at sinimangutan siya.

May mga narinig akong singhap ng ibalik ko yung mga kamay ni Aiden sa baywang ko. Maging siya ay napasinghap at nagmura ng mahina.

Inabot ko yung baso sa harap ni Mat dahil wala na yung sa akin at nilagok iyon.

Humarap ako kay Aiden at nginitian siya. Nag-iwas naman siya ng tingin kaya napasimangot ako.

Hinila ko pa din siya papuntang dancefloor kahit na mukhang ayaw niya naman.

"Let's dance!"hiyaw ko sa gitna ng napakalakas na tugtog dito sa bar.

Wala na siyang nagawa ng magsimula akong magsayaw sa harap niya. This is my first time, yeah!

Okay lang naman kahit hindi siya yung nasa harap ko sa unang beses na pagsasayaw ko sa isang bar e. Okay lang talaga!

"F*ck!"hinila ako ni Aiden palapit sa kanya at niyakap."Shh. Stop crying!"at hayun! Nararamdaman ko na naman yung sakit. Sobrang sakit na, p*ta!

"A-Angelo..."I brokenly called his name praying that he'll come back to me. I'm so f*cking missed him! I wanna hug him and never let go. But...

"H-he's letting m-me go..."pabulong na sabi ko na sa tingin ko ay hindi narinig ni Aiden dahil sa lakas ng party music.

"A-ang sakit na... sobrang sakit na!"hindi ko mapigilan ang sarili ko. Gusto kong itigil 'tong kabaliwang ginagawa ko ngayon pero hindi ko rin kontrolado ang lahat lahat sa sistema ko. It's like I just want to pour my hearts out.

Inilagay ko yung mga kamay ko sa balikat ni Aiden dahil umiikot na talaga yung paningin ko.

Biglang naging slow ang music at parang gusto kong murahin yung DJ sa napili niyang kanta.

I'm With You by Avril Lavigne

This song is one of my favorites. I even play this on guitar, but hell! Nananadya ba talaga ang tadhana?!

I'm standing on a bridge
Awaken in the dark
I thought that you'd be here by now
There's nothing but the rain
No false hopes in the ground
I'm listening but there's no sound

ATM 2:A True Madness (FBS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon