44

3.6K 56 8
                                    

I groaned at the sunlight hitting my face. Kinapa ko ang aking kama at hinila ang isang unan upang ipantakip sa aking mukha. I'm really still sleepy.

Kahit na nakapikit pa ay gising na ang aking diwa at bigla na lamang akong napabalikwas ng upo sa kama ng maalala ang mga nangyari kagabi.

Sh*t!

Inis akong humiga muli sa aking kama at ginulo ang alam kong magulo ko ng buhok.

Hindi ko na masyadong alintana ang malakas na pagpintig ng aking ulo kung hindi lang ako napabalikwas ng bangon sa kama at dumiretso sa cr ng maramdaman ang pagbaliktad ng aking sikmura. Damn!

Isinuka ko ang lahat ng kinain ko kagabi. Gross!

Narinig ko ang pagbukas-sara ng pintuan habang patuloy ako sa pagsuka sa toilet bowl.

"Are you okay?"natigilan ako ng maramdaman ko ang malaking kamay na humahaplos sa aking likuran. Natigil din ako sa pagsusuka ng mapagtantong kulay blue ang toilet na sinusukahan ko na dapat ay pink!

Naghabol ako ng hininga ng mapagtanto ang ilang mga bagay.

"Tss. Hindi naman kasi kaya pero kung makainom, daig pa ang manginginom sa kanto."pangaral ni Angelo. Nabubuo ko na ang maaaring mga nangyari simula ng mawalan ako ng malay kagabi dahil hanggang doon lang naman ang naaalala ko.

"Where am I?"kalmado pero may diing tanong ko sa kanya, not sparing him a glance. Nakipagtitigan ako sa suka ko na nasa toilet, silently praying that he won't bring the topic 'bout all I've said last night. Nakakahiya!

He flushed the toilet then I heard him sigh while helping me get up. Halos mapaupo na kasi ako kanina sa sahig ng cr habang sumusuka.

"You passed out last night."he gestured the sink to me at nakipagtitigan sa akin sa vanity mirror na nandoon.

Naghilamos muna ako at saka hinarap siya pagkatapos.

"That's not the answer I want to hear."may inis na sa aking boses.

Tinatanong ko kung nasaan ako!

He raise an eyebrow at me."In my room."diretsong sagot niya at napasinghap ako.

In his room?

Alam ko na ang sagot sa tanong ko pero hindi ko maiwasang mag-react dahil- f-ck! Bakit...

"You took me here?"tinasaan ko siya ng kilay and I saw how he looked at me from head to toe. Napayuko ako sa suot ko at agad na niyakap ang sarili ng makitang isang malaking kulay blue na shirt lamang ang aking suot. Doon ko lang din naramdaman na wala na akong ibang suot na pang-ilalim.

I glared at the man in front of me."Bastos!"gusto ko sana siyang sampalin kung hindi lamang ako busy sa pagtakip sa aking katawan.

Paulit-ulit akong nagmura ng mahina at nagmamadaling nilagpasan siya at lumabas ng banyo. Hinanap ko sa kanyang kwarto ang mga damit ko pero wala akong makita. Damn!

"Kukuhaan kita ng damit sa kwarto mo."napatingin ako kay Angelo na nagsisimula ng maglakad papunta sa pinto."Nasukahan mo ang damit mo kagabi kaya pinalitan ko na."hindi ako makapaniwala sa sinabi niya!

Niloloko ba ako ng lalaking 'to? Tinanggal niya ang lahat ng damit ko! Does that mean nasukahan ko pati mga underwear ko?! And did he really said he's the one who changed my clothes?

Marahas akong napabaling sa direksiyon niya pero naisara niya na ang pinto. I sighed inwardly to calm my raging nerves. Napaupo na lamang ako sa kama niya at walang ibang nagawa kundi ang hintayin siyang makabalik.

Kalmado na ako ng makabalik siya sa kanyang kwarto."Here."inilapag niya sa aking gilid ang maayos na nakatuping mga damit ko.

Bumuntong hininga ako bago magsalita dahil ramdam ko ang pagbangon muli ng inis sa aking dibdib.

ATM 2:A True Madness (FBS#1)Where stories live. Discover now