43

3.5K 59 11
                                    

Sorry sa long lost update. Medyo hinabaan ko 'tong chap na 'to pambawe ;) Enjoy!

Making my way downtown
Walking fast, faces passed
And I'm home bound

Staring blankly ahead
Just making my way, making my way
Through the crowd

And I need you
And I missed you
And now I wonder

"It's your turn, Louise."Monique informed me then handed me the glass with a liquor in it.

Mukhang lasing na sila pero hindi pa din ako tinatamaan.

"And this time, we wouldn't let you pass your shot to your manager."nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nung asawa ng isa sa mga Board Of Directors, si Misis Loraine Stanford, na tumatawa-tawa pa.

Shet! Napapansin pala nila iyon!

Natawa ang lahat marahil sa reaksiyon ko. Tsk.

Pinanood nila ako habang nilalagok ko ang shot sa maliit na baso. Napaka-pait nito at hindi ko maiwasang mapaubo-ubo ng maubos ko na ito. Agad namang hinagod ni Yuan ang likuran ko na nasa tabi ko lamang habang lalong lumakas ang tawanan nila.

If I could fall into the sky
Do you think time will passed me by
Oh, you know I'd walked a thousand miles
If I could just see you tonight

Nagpatuloy ang aming katuwaan dito sa gilid ng dagat habang may naggi-gitara habang kumakanta sa aming gilid na lalaking naka-hawaiian style na damit.

Matapos kasi namin sa bar ay hindi rin nagtagal at napagkasunduan ng lahat na dito na lamang sa dalampasigan ituloy ang inuman. May bonfire din sa aming gitna kaya kahit mga naka-swimsuit na kami dahil kani-kanina lang ay nag-night swimming kami ay hindi pa rin ako nakakaramdam ng lamig. Natuyo na nga rin ang aking two-piece e.

"Oh, my handsome cousin!"napatingin kaming lahat sa direksiyon ng mga mata ni Monique Martin.

And there, Angelo Salazar is walking like a model towards us. He's wearing a summer shorts and nothing on top.

Nag-iwas ako ng tingin ng lumanding sa akin ang kanyang mga mata. Nakipagtitigan na lamang ako sa bonfire na para bang mamamatay ang apoy nito sa ginagawa ko at pilit na inignora ang pagtambol ng aking dibdib sa pagtabi niya sa akin. Tss. Who leave that space there, anyway?

"You're all drunk."he said with his deep voice that sent shivers in me."I shouldn't come here since I know I'm late."sabi niya pa.

Bakit ka ba kasi na-late?

Gusto ko iyong itanong but I just kept my mouth shut.

"Is Angelico already asleep?"napatingin ako sa babaeng nagsalita. Alicia. Kanina pa siya nandito pero mabuti na lamang at hindi ko masyadong ramdam ang kanyang presensiya dahil bukod sa magkalayo kami ay hindi rin siya nagsasalita maliban lamang kung may nagtatanong sa kanya. And as for me, si Yuan lamang ang madalas kong kausap.

"Yes."tipid na sagot nito and I saw on my peripheral vision how he stared at me intently when I lean on Yuan's shoulder. I think I'm becoming tipsy because of the shots I've drunk. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko.

"Hey, Louise. That's just eight shots."dumilat ako at tumingin sa nagsalitang si Monique."Don't tell me you're already drunk?"

Bakit ba ako palagi ang napapansin ng babaeng 'to?

"I'm just a little bit tipsy."sabi ko kahit na medyo nararamdaman ko na ang pagkahilo.

"She has low torelance in alcohol."napatingin kaming lahat kay Angelo ng magsalita siya."I'm just stating the obvious."bawi niya ng tapunan siya ng naguguluhang tingin ng karamihan sa amin na para bang nagtataka sila kung paano niya nalaman ang impormasyong iyon.

ATM 2:A True Madness (FBS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon