54.2

3.2K 78 14
                                    

"Hindi ba mas maganda kung 'wag na natin 'tong patagalin? Besides, I want her to stop modelling as soon as possible." Seryosong sabi ni Angelo kay Yuan.

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Patitigilin niya ako sa trabaho ko?!

"Yes, baby. If you still haven't know, you're bruising my ego. Kaya ko kayong buhayin ng anak ko at hindi mo kailangan ang trabaho mo." Mariing sabi niya sa akin. Is he a mind reader? Gosh! I can't believe we're talking about this!

"Well, maybe that's a good idea. I can't continue managing Louise now. Ayaw ko namang may humawak na ibang manager sa kanya." Pag-sang-ayon ni Yuan. Sabay kaming napalingon ni Angelo sa kanya. His face remains blank while Angelo is glaring at him. Tss. Don't tell me pati 'yon ay binibigyan niya ng malisya?

"Pero, hindi natin pwedeng madaliin ang mga tao. We can't just drop the bomb, you know. Parehong masisira ang pangalan niyo." Yuan told us.

Mabuti naman. Akala ko ay papayag siya sa gusto ni Angelo, e.

"I don't care! Kaya masyadong pinagpa-pantasyahan ng mga lalaki ang asawa ko is because they all thought that Sam's single, but she's not! 'Coz she's mine!" I blushed at what he said. Dammit! Mabuti na lamang at hindi siya sakin nakatingin.

"I know this is hard for you, Angelo. But you must know na mas makakabuti kung uunti-untiin natin ang mga tao. I mean, dahan-dahan lang at 'wag tayong magpadalos-dalos." Napatango ako sa sinabi ni Yuan.

Humalukipkip si Angelo."It wouldn't make much difference kung ngayon natin sasabihin na may asawa't anak na siya. Magugulat pa rin naman ang mga tao kung sa susunod niyo pa sasabihin."

Yuan sighed. Mukhang nahihirapan siyang kausapin si Angelo. Well, he's so stubborn.

"Tss. Sa dami kasi ng pwedeng trabaho, ayan pa ang pinasok." Inis na bulong ni Angelo at alam kong ako ang pinaparinggan niya.

"Oh, come on! I needed to make money for my bills at ang pagmo-model ang pinakamabilis na paraan para kumita!" Nainis na rin ako. He was not there at my very hard times! Don't he dare questioned my decisions!

Tinitigan niya ako habang nakaupo siya sa couch dito sa condo ko."Bakit hindi ka na lang kasi bumalik sa akin noon para hindi ka na nahirapan?"biglaang tanong niya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Bakit ako babalik sa 'yo kung in the first place, ikaw ang nag-tulak palayo sa akin! Not to mention you have a mistress." Pabulong kong sinabi ang huli saka nag-iwas ng tingin sa kanya.

Narinig ko siyang napasinghap."Hindi kita tinulak palayo, Samantha! Tinakasan mo ako! Tumakas ka sa responsibilidad mo sa akin! And, for what reason? Dahil gusto kong lumaya si Alicia? That's so shallow! At gusto ko siyang makalaya not because she's my mistress, but because I want to close that chapter of our lives and start a new one with you! Why can't you see that?"he's frustrated. But, hell! I'm frustrated, too!

"'Wag mong baliktarin ang kwento, Angelo! Hindi ako magpapaka-martir at mananatili sa 'yo after I received divorce papers from you!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nag-walk out na. Pumasok ako sa kwarto ko dito sa aking condo unit na mabilis ang paghinga. Kung nagtataka kayo kung bakit divorce ang mangyayari sa amin at hindi annulment ay dahil sa America kami 'non kinasal at hindi dito sa Pilipinas. Kung sakaling maghihiwalay kami, mas magiging madali dahil hindi namin pagdadaanan ang napakahabang proseso ng annulment.

Mabilis kong ni-lock ang pinto at napapikit na lang ng sa pagharap ko ay tumambad sa akin ang kamang... ang kamang...

Dammit! Tangina niya! He just stained my pure and innocent room last night!

ATM 2:A True Madness (FBS#1)Where stories live. Discover now