1

5.4K 72 0
                                    

Isang buwan na ang lumipas ng pinayagan na ng doktor si Angelo na makauwi. Pero hanggang ngayon ay hindi pa din makapaniwala si Samantha sa kalagayan ngayon ng kanyang asawa.

"I'm sorry, Misis Salazar. But your husband is suffering from a collective amnesia. He forget all the happenings before his accident. Unfortunately, nagkaroon ng malakas na impact ang balang tumama sa kanyang ulo."pahayag ng doktor na ikinahina ng tuhod ni Samantha. Hindi... hindi pwede.

"Kayo na din po ang makapagsasabi kung gaano kalaki ang nawala sa memorya niya. And..."tila nag-alangan pa ang doktor na ituloy ang sasabihin sa nakikitang reaksiyon ni Samantha.

"W-what?"naitanong niya sa nanginginig na boses.

Kita sa mata ng doktor ang lungkot at pakiki-simpatya kay Samantha."I'm sorry to say this, pero himala na lamang kung maibalik pa ulit ang mga nawalang alaala sa inyong asawa."pahayag nito na tuluyang nakapagpalaglag sa mga luhang kanina pa niya pinipigilan."Only ten percent is the chance to retrieve his lost memory."inalalayan siya ng doktor dahil kamuntikan na siyang mabuwal at iniupo sa pinakamalapit na waiting chair sa gilid ng hallway ng ospital. Saglit lang at nagpaalam na din ang doktor kaya naiwan siyang nag-iisa. She should think.

Samantha knows that Angelo forget about her. Nag-unahan na namang tumulo ang mga luha sa kanyang mata sa isiping tuluyan na siyang malilimutan ni Angelo.

Nakayuko lamang siya doon habang umiiyak ng lumapit sa kanya ang ina ni Angelo."Samantha... are you okay?"nag-aalalang tanong nito at agad siyang niyakap.

ATM 2:A True Madness (FBS#1)Where stories live. Discover now