26

2.6K 46 1
                                    

"Saan ka pupunta?"takang tanong ni Samantha kay Angelo na pababa sa hagdan, bihis na bihis. Naamoy niya pa ang panlalaking-panlalaking pabango nito na sa ilang segundo lamang ay kumalat sa buong living room.

"Just somewhere."Angelo quickly kissed her forehead and snatched his phone from her."Dadaan na din ako sa mall to buy you a cellphone."there's a hint of sarcasm in his voice.

She pouted."Download-an mo na din ng COC, ha?"yamot na sabi niya.

Tumango naman si Angelo at naglakad na palabas ng pinto ngunit natigil din ng magsalita muli si Sam.

"Iwan mo na lang cellphone mo, please?"pahabol niya.

Marahas na napalingon ito, only to see her puppy eyes."Hindi uubra sa akin ngayon 'yan, Samantha."he glared at her."I will need my phone cause I have some important things to do."he explained cause Samantha's puppy eyes affect him. He felt guilty instantly. He just can't let his phone to her.

"Saan ka ba kasi pupunta? And what is this important stuff that you must do?"she sounded like a nagging wife. Well, she was his wife and he's her husband anyway. So she guess there's nothing wrong to ask him like that. She has the rights.

She heard him sigh."Just..."tila nahihirapan itong sabihin."Some things are better to keep as a secret, wife."makahulugan itong ngumiti sa kanya bago magpaalam.

She felt butterflies in her stomach as he called her wife. At ngayong nakalabas na ito at siya na lamang ang mag-isa, tila gusto niyang magtiti-tili sa sobrang kilig. Gosh! I'm a teenage high schooler no more!

Narinig niya ang ugong ng sasakyan sa labas at hindi niya napigilan ang sarili na silipin ito.

She was about to hide in the curtains when he caught her in the window, but he smiled! Ang gwapo ng ngiti nito at hayun na naman ang mga paru-paro sa kanyang tiyan, and they're getting wilder.

Hanggang sa makaalis ang sasakyan nito ay nandoon pa din siya sa bintana, parang tangang nakasilip.

Napahawak na lamang siya sa kanyang dibdib dahil sobrang bilis ng pagtibok nito na parang nanggaling siya sa isang karera.

NAKARAMDAM ng bigat sa dibdib si Angelo habang nagdi-drive siya palayo sa kanilang bahay. Parang ayaw niyang iwan ang asawa.

Para namang hindi na kayo magkikita!-his sub-conscious butted in.

Nababakla na yata siya! He can't believe himself.

Pero, teka. Saan nga ba siya pupunta?

Ah, oo nga pala. Tumawag ang daddy ni Alicia kahapon, si Mr. James, at sinabing gusto raw siyang makita ni Alicia. Hindi naman siya nakapunta kahapon dahil ayun nga ang alis ng kanyang mga magulang upang manirahan na sa States.

Dumaan ang isang oras na pagmamaneho niya at nakarating na siya sa kulungan kung saan naka-detain si Alicia.

Pagkababa niya sa sasakyan ay nasilayan niya kaagad ang maruming building. Hindi niya maiwasang mapabuntong hininga kapag naiisip niyang nasa loob nito ang isa sa mahalagang babae sa kanyang buhay simula pa noon.

Pumamulsa siya at naglakad na papasok roon matapos i-lock ang sasakyan gamit ang remote nito.

Pagkapasok pa lamang ay bumungad na sa kanya ang ingay sa bandang itaas ng building kung saan naroroon ang mga selda. Nagregister lamang siya saglit at agad na in-assist na siya ng isang pulis upang igiya sa itaas.

Agad na kumunot ang noo niya ng mamataan ang dalaga. Agad na napansin niya ang putok sa labi nito.

Hindi niya napigilan ang sariling salubungin ito at eksaminahin ang mukha nito.

"What happened to this?"napaigik ang babae ng haplusin niya ang sugat sa gilid ng labi nito.

"I..."her voice broke and a sob came out from her mouth. Hindi na siya nagtanong dahil mukhang alam niya na ang sagot sa tanong niya, bagkus ay niyakap niya na lamang ng mahigpit ang ngayon ay umiiyak na si Alicia.

"Hush now, Alicia..."awang-awa siya sa estado nito at parang gusto niya na itong isama sa paglabas niya ng building na iyon at ilayo sa mga tao doon."I'm now here..."he cupped her face and wiped her tears away. Sa ngayon, ayun pa lamang ang kaya niyang gawin para sa dalaga and he wants to punched himself because of so much frustration.

"Ayaw ko na dito, Angelo...   please, ilabas mo na ako dito."humihikbing pakiusap nito. His jaw clenched.

Pinatahan niya ito at pinilit ibaling ang atensiyon nito sa ibang bagay.

"Bakit mo nga pala ako ipinapatawag sa dad mo? I bet you missed me."he wiggled his brows playfully at her na nagpatawa rito. Naupo na sila sa upuan doon na magkaharap.

"Yeah. I did missed you."pag-amin nito."Ba't kasi ang tagal mo bago ulit dumalaw?"may pagtatampo sa tinig nito.

Mapapangiti na sana siya ngunit biglang pumasok ang imahe ni Samantha sa kanyang isipan. Bakit hindi? E ito ang dahilan kung bakit pansamantala niyang nakalimutan si Alicia na naghihirap sa kulungan.

"Angelo?"pukaw nito sa kanya. Napatulala na pala siya.

Bumungad sa kanya ang mga mata nitong nagtatanong ng tumingin siya dito.

"Oh, sorry about that."tumango naman ito."I'm just very busy this past few days."he added intelligently.

"Why? Ikaw na ba ulit ang namamahala ng kompanya ninyo?"there's a shocked in her voice when she asked that.

Kumunot ang noo niya."Why?"naguguluhan niyang tanong.

"I just thought Samantha is still running the company since you're gone for coma in about almost a year."he process what did she just said.

Samantha's running the company? That's impossible!

But that's when it hits him. Bumalik sa kanyang ala-ala ang mga araw at gabing tutok na tutok ito sa laptop nito. But, why do she needs to hide it from him?

"Oh. Nagulat ba kita?"napatingin siya sa kaharap."I bet you don't know yet that your wife was the one who replace your position in your company?"mas lalo siyang naguluhan sa sinabi nito. It's their company!

"What are you talking about?"ngumisi ito sa kanya na para bang marami itong alam sa mga nangyayari.

Sobrang gulong-gulo ang isip ni Angelo habang nagmamaneho galing sa kulungan. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag ng mga oras na iyon.

Gulong-gulo man ang kanyang utak, pero iisa lang ang nararamdaman. Galit.

Why wouldn't he be mad? Niloloko siya ng mga taong nasa paligid niya!

Inabot niya ang kanyang cellphone na nasa dashboard ng kanyang sasakyan. He dialled his dad's number. Gustong-gusto niyang malaman ang lahat ng mga sagot sa kanyang tanong.

The ringing stopped on its third.

"Hello, Angelo..."bati nito sa kabilang linya. He can even imagine his dad's genuine smile that he resembled. His mom always tell him that.

"Why, dad?"hindi niya na napigilan ang sarili.

"Angelo?"may pagtatanong sa tono nito.

"Why?"ayun na lamang ang nasabi niya. Nasasaktan siya sa mga nalaman."Is Samantha running our company?"may diin sa kanyang boses kahit na may nakabara sa kanyang lalamunan.

"Anak..."

Sorry sa super duper late update. I'm kinda busy this past few days and I worked first for the prologue of Dominic's story. Posted na po. You can check it out by typing Playful Hearts or just simply visit my account. It's under my works. Hope you support me with this one, guys. Labyu! **

ATM 2:A True Madness (FBS#1)Where stories live. Discover now