20

3.1K 59 1
                                    

Pambawi chapter...


"HEY, did you cry?"nag-aalalang tanong ng matanda pagkapasok ni Samantha sa entrada ng living room ng mansion nito. Nasa likuran niya si Angelo na nakapamulsa lamang at tila walang napapansin.


"H-hindi po, Tiya Lorna."lumikot ang mata ni Sam kasabay ng pagyuko niya. She's really a bad lier, and maybe everyone can tell it.



Hindi na lamang nagsalita pa ang matanda at tumango na lamang dahil halata naman sa kanya na ayaw niya munang magkwento. Humalik muna siya sa pisngi nito saka nagmartsa paakyat ng hagdan matapos magpaalam. Hindi na din siya nag-abalang lumingon sa gawi ni Angelo na naroon lamang nakatungo.


Dumiretso siya sa kwarto ni Angelo sa ikalawang palapag. Ipinaikot niya ang buong paningin sa silid ng asawa. Muli, isa isa niyang tiningnan ang mga picture nito noong bata pa ito. And she even see a picture of two high school student in their uniform. They looked good together as they laughed while eating their ice cream.


Napangiti siya ng mapait ng mapagtanto ang pagkakahawig ng babaeng kasama ng asawa sa litrato sa taong dahilan ng paghihirap niya. Hindi na siya nagtaka na mayroong litrato ang mga ito doon sa kwarto ng asawa. Alam niya namang kahit na nasa ibang bansa si Tiya Lorna ay binabantayan nito ang pamangkin.


She felt her heart clenched as she clutched the frame with the picture in it tighter. Truth is she really wants to throw the frame to the wall, but she can't. Alam niyang mahalaga ang mga litratong naroroon kay Tiya Lorna.


She wants to see Angelo smiling like that... with her. Not with Alicia or with any other girl. Gusto niyang tingnan rin siya nito na parang siya lamang ang nakikita nito at wala ng iba. Higit sa lahat, gusto niyang mahalin siya nito kagaya ng pagmamahal nito kay Alicia o mas higit pa doon.


Pinigil niya ang sarili na umiyak at bago pa tumulo ang mga luha na nagpupumiglas makalabas ay binitiwan niya na ang litrato at pumasok na ng banyo upang maligo at maglinis na ng katawan. Gabi na din at ilang oras lang ay oras na ng pagtulog at alam niyang papasok na si Angelo sa kwarto.


She lost her appetite kay naman sinabihan niya ang maid na umakyat doon upang kumain ng hapunan na hindi siya nagugutom at sabihin kay Tiya Lorna na okay lang siya upang hindi ito mag-alala.


Ilang oras na ang lumipas at malalim na ang gabi. Kanina pa siya nakahiga at nagplanong matulog na ngunit dilat pa rin ang mga mata niya hanggang ngayon. Hindi siya makatulog dahil hinihintay niya ang pagpasok ng asawa.


Ilang sandali pa, natagpuan niya na lamang ang sarili sa balkonahe ng kwarto nito. Gustong gusto niya talaga ang tanawin mula sa itaas, especially at night.


Naupo siya sa sahig, indian sit, as she looked up at the sky full of stars. Napangiti siya. Naniniwala siyang tatlo sa mga nakikita niyang bituin tuwing gabi ay ang kanyang mommy, daddy, at ang kanyang munting anghel.


Pumatak ang luha sa kanyang mata ng maisip ang anak na hindi man lamang niya nasilayan. She knows it is impossible. But everytime she thinks about their little angel, she can't help but wish all of it is just a dream... a nightmare to be exact. Ans she wants to wake up. At sa paggising niya ay kasama niya na ang anak at si Angelo, at na mahal siya nito.

ATM 2:A True Madness (FBS#1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz