52.1

3.2K 70 10
                                    

Nagising ako kinabukasan na sobrang bigat ng aking katawan. Damn fever!

Yuan called me last night. He asked me if I was okay dahil hindi siya makakaderetso sa aking unit. Gusto ng kanyang mga magulang na matulog ito sa mansion nila dito sa New York. Yeah, mansion...

Mukhang pinipilit ng mga ito na umuwi muna ng Pilipinas si Yuan sa hindi ko pa alam na dahilan. 'Pag nagkataon, mawawalan ako ng manager pansamantala. At siguro, when that happened, I'll just wait for him to come back before I'll accept offers again.

And when I woke up this morning, there was a text from Angelo.

We'll arrive this morning. Maybe nine or ten...

Napaisip ako. He was supposed to get ready for his flight today, going to Canada.

Maaga pa rin akong gumising to cooked breakfast for them. I really am excited to see my son again...

"You looked tired... You cooked all of these?"tanong ni Angelo ng makita niya ang mga pagkaing inihanda ko.

I nodded my head. Kumunot naman ang noo niya habang nakatingin sa akin kaya agad akong nag-iwas. I look at my son instead.

" How's California, baby?"I asked Ico. Gusto ko man siyang yakapin ay hindi pwede. May sipon ako at lagnat.

"You mean, Mom, how's Mama-Lola and Popsy?"napalunok ako sa tinuran ni Angelo. Hindi na 'ko nagtangka pang tumingin kay Angelo dahil alam kong nakatingin siya sa akin.

" Yes, baby..."mahina kong sabi.

"Napagalitan po ni Mama-Lola si Popsy kasi ni-kwentuhan ako ni Popsy tungkol sa guns!"tumawa ang anak ko." Sabi pa po ni Popsy, 'pag napapayag daw po kita na sumama sa amin 'pag bumisita kami ulit sa kanila, isasama daw ako ni Popsy sa target shooting! Please, mommy? Sama ka na next time. Alam niyo po, ang ganda po pala ni Mama-Lola, parang ikaw! Pero, ikaw pa din po ang crush ko kasi mas maganda ikaw."humagikgik pa ang anak ko. He looks really happy. Ang dami niyang naiuwing kuwento na halos maubos na 'yung pagkain ay hindi pa ubos ang mga kuwento niya. I can say that he enjoyed his visit to his grandparents.

Nang matapos kaming kumain ay agad na dinala ni Angelo sa kuwarto si Ico upang magpahinga. Pagod sa biyahe...

"Tabihan mo na si Ico para makapagpahinga ka din..."anyaya ko kay Angelo habang inililigpit ko ang mga kalat sa kusina. I refused to look at him and I don't know why... Shitty self!

Sinimulan ko ng ilagay sa dishwasher 'yung mga plato. Bihira ko lang pinagagana itong dishwasher dahil gusto ko ang paghuhugas ng plato. Pero dahil masama ang pakiramdam ko ay ginamit ko na nga.

Halos mapatalon ako sa gulat ng may kamay na humaplos sa aking leeg habang nakaharap ako sa kitchen counter.

Pagharap ko ay bumungad sa akin ang madilim na mukha ni Angelo.

" You're burning with fever..."aniya sa mariing tono."You should rest."

Umiling ako at saka nagpunas ng kamay. Naglakad ako papuntang sala at ramdam kong nakasunod siya sa aking likuran."I'm okay."sabi ko.

"No, you're not."pagpipilit niya.

I heave out a sigh before turning to him."I can handle myself, Angelo..."sabi ko.

"Kailan ka pa nilalagnat?"he refused to listen to me."Did you drink your med?"

Umupo ako sa couch. Ang sakit sa ulo ng lalaking 'to.

"Stop it, Angelo."seryoso kong sabi.

Doon siya tumingin sa akin.

" What?"mukhang kaunti na lang ay magagalit na siya. But, really? Why would he be mad? And, should I care?

ATM 2:A True Madness (FBS#1)Where stories live. Discover now