56.2

3K 56 14
                                    

Hindi po ako galit sa mga nagco-comment ng masama sa mga characters ko, especially kay Angelo sa tuwing nadadala kayo sa takbo ng istorya. I find it cute and funny actually. So please, don't be sorry. I still love you all. I'm just really upset the last time pero hindi sa inyong lahat.

"Mommy, tara na!" Si Angelico lang ang tanging nakangiti at excited sa pagpunta naming airport.

Lumabas na ako ng hotel reception, hila-hila ni Angelico, at nasa gilid naman namin si Dom at Angelo na parehong pokered face habang bitbit ang aming mga bagahe. Ngayon ang alis namin dito sa Martinique. And it's been one day and one night since my bloody and teary encounter with Angelo on that road-bridge. Until now, masakit pa rin. Angelo and I were casual though. We talk when needed. Especially for our son.

May driver ang van na sasakyan namin kaya sa likod na rin, kasama namin ni Angelico, umupo si Dom at Angelo. The van was pretty big. Kasya kaming apat sa isang linya sa likuran. Nasa may bintana ako katabi ang anak ko. Katabi niya ang kanyang daddy at sa kabilang bintana naman si Dom.

How do I feel? Ito ang gusto ko. Pero hindi ko maitanggi sa aking sarili ang bigat na nakadagan sa aking dibdib. At lalo itong bumigat ng magsimula ng umandar ang van papuntang airport.

"Dad?" Nagtataka si Ico."You're hugging me so tight."angal ng anak ko ng kalungin siya ni Angelo at yakapin. Pinilit kong balewalain iyon at wag lingunin. Pero kitang-kita ko naman iyon sa gilid ng aking mga mata.

"Dad naman! You're crushing me!" Muling angal ni Angelico. Nilunok ko ang bikig sa aking lalamunan sa nakikitang eksena. Nakabalot ang mga braso ni Angelo sa maliit na katawan ng anak ko. Nakabaon din ang kanyang mukha sa leeg ni Ico.

Tumingala ako upang pigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Narinig ko namang napatikhim si Dominic na nag-iwas din ng tingin sa mag-ama. Damn this!

Sa buong biyahe ay hindi binitiwan ni Angelo si Ico. Ni wala rin akong narinig kahit isang salita sa kanya. Tatlong oras na ganon hanggang makarating kami sa airport. Tahimik kami at nakatulog naman si Ico. Maaga pa kami ng isang oras bago mag-flight.

Nilibang ko ang sarili ko sa aking cellphone dahil siguradong mahaba-haba pa ang paghihintay namin dito. Na kay Angelo pa rin si Ico. Hinayaan ko iyon. Si Dom naman ay tahimik lang sa gilid nila.

Ilang sandali lang ay nakita kong ibinigay ni Angelo si Ico kay Dom at lumapit sa akin. Nagpanggap ako na busy sa cellphone kahit na ang totoo ay nanginginig na ang kamay ko habang naglalaro.

"Samantha..." His voice was cold but... There's something in it I couldn't pinpoint.

"Hmm?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakatayo siya sa aking harapan. Nagtama ang aming mga mata. His eyes are so cold too.

"Please, let me." Naglahad siya ng kamay sa akin."Just for the last time..."now, his voice is begging.

Nangilid ang luha sa aking mga mata kaya agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya bago tinanggap ang kanyang kamay. Hinayaan ko lang siya na dalhin ako kung saan. Nakalabas na kami ng airport ay hindi pa rin kami tumitigil sa paglalakad. Ang bagal niya na parang tinitipid ang bawat hakbang. Or he's savouring the moment.

Hindi kalayuan sa airport ay may park kung saan maraming couples na nakatambay kahit na gabi na at malamig. Naupo kami sa isa sa mga bench doon. Kung sa ibang pagkakataon, I will surely admire this place. But I can't now that my mind is clouded. Clouded of the memories with the man beside me, whose holding my hand so tight. Hinayaan ko lang ulit siya. Sumama ako ngayon dito sa kanya hindi dahil upang pagbigyan siya. Coz I'll surely miss him. Ngayon pa nga lang, e.

"Baby..." Muli kong narinig ang lambing sa kanyang boses na isang araw at isang gabi ko ring hindi narinig. And he's calling me baby again. Pinilit kong hindi umiyak. Ayaw ko. Baka isipin niya ay hindi ko talaga gusto ang desisyong ito. Ayaw kong pilitin niya ulit ako. Dahil baka sa oras na magmakaawa ulit siya sa akin na manatili, hindi ko na makayanang tiisin ang hapdi sa puso ko at pumayag na ako ng walang pag-aalinlangan. Coz like I've promised, I will fixed myself first. How? Time and space.

ATM 2:A True Madness (FBS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon