31

3.6K 46 2
                                    

"Pasok."

So bossy. Pumasok ako sa passenger seat na binuksan niya.

Agad akong napasandal sa upuan at pinikit ang mata dahil umiikot pa din ang mundo ko. Ah, I hate this feeling!

"You okay?"napadilat ako at nakita kong nandoon pa din si Angelo sa may pintuan sa gilid ko at pinagmamasdan ako.

Ngumisi lamang ako sa kanya. Inayos niya naman ang aking seatbelts at isinara na ang pintuan sa aking gilid at umikot sa driver seat.

Nagsimula ng umandar ang kotse niya sa normal speed. Thank God! Baka lalo lamang akong mahilo kapag mabilis ang kanyang pagpapatakbo.

Nakatulog ako sa biyahe pero gising na gising ang diwa ko. Naramdaman kong tumigil na ang sasakyan pero tinatamad pa akong magdilat ng mga mata. Ilang sandali lang ay naramdaman ko na umaangat ako. Sumiksik pa ako sa dibdib ni Angelo upang mas maramdaman ko pa ang init niya. I can stay forever in his arms if he'll just let me.

Tuluyan na akong nakatulog ng maramdaman ko ang malambot na kama sa aking likuran at ang pamilyar na init ng kanyang katawan na bumalot sa akin sa ilalim ng makapal na kumot.

"Morning."I felt his kisses on my cheeks.

"Hmm..."sobrang bigat pa ng talukap ng aking mga mata kaya mas pinili ko na munang bumalik sa pagtulog. Narinig ko pa ang pagtawa niya at ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng banyo.

"Wake up, sleepyhead."naramdaman ko ang mahihinay na tapik sa aking pisngi. Idinilat ko ang aking mga mata at ang gwapong mukha ni Angelo ang aking nabungaran. Sobrang lapit niya sa akin at nanlaki ang aking mga mata ng dampian niya ng halik ang aking mga labi.

"Breakfast?"tinulungan niya akong umupo sa kama at nakita ko ang sinasabi niyang breakfast sa aking gilid.

Inilagay niya ito sa aking harapan at napanguso ako habang nakatingin sa mga pagkain."You cook this?"I asked in a husky voice.

Nang tingnan ko siya ay masama ang tingin niya sa akin."W-what?"halos mapaatras ako.

"Don't seduce me."nag-iwas siya ng tingin sa akin at bumuntong-hininga."Masakit ba ang ulo mo?"tanong niya matapos ang ilang segundo.

"M-medyo."naiilang na sabi ko. D!mn, Samantha!

"Kumain ka na at ikukuha kita ng gamot."at lumabas na siya ng kwarto.

Humugot ako ng malalim na hininga. I remember what happened last night but some scenes are vague.

"I won't. Just stay with me whenever I can't take the pain..."

Namula ang pisngi ko ng maalala ko ang sinabi kong iyon. Sh*t!

"Is there something wrong?"lalo akong namula ng magtanong ang kakapasok lang sa kwarto na si Angelo. Did he remember what happened last night? Of course, Samantha Louise. He's not drunk or something last night unlike you.

"Why you're blushing?"ang sakit na ng pisngi ko sa sobrang pagb-blush."Are you really seducing me?"napaawang na ang bibig ko sa sinabi niya at napamura na siya ng mahina at ginulo pa ang buhok niya. What?

"Are you okay?"tanong ko. Para siyang frustrated na di mo maintindihan.

Tiningnan niya ako ng hindi makapaniwala."Just eat your breakfast, Sam, so you can drink this med."at inilapag niya din sa tray sa gilid ng aking plato ang sinasabi niyang gamot.

Okay, sabi mo e. Naubos ko ang mga inihanda niya sa sobrang gutom ko. Pagkatapos kumain ay inihatid ko ang pinagkainan ko sa kusina at hinugasan.

Hinanap ko si Angelo pagkatapos dahil baka hindi pa siya kumakain. And I found him on the front of our house with his car. Topless.

ATM 2:A True Madness (FBS#1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum