57.2

3.2K 58 12
                                    

"Baby..." I gently called as I opened the door of our bedroom. Kakaalis lang ni Jake after niyang... Ugh! I don't wanna talk about it!

Inilapag ko na muna ang engrandeng sobre na ibinigay sa akin ni Jake kanina na hindi ko pa alam kung para saan. He didn't tell me though. Basta ibinigay niya na lamang sa akin matapos akong paalalahanan na pumunta. So I supposed it's an invitation.

Dahan-dahan akong sumampa ng kama at niyakap ang nakatalikod na si Angelico na hindi man lang nagpatinag sa kanyang posisyon at nanatiling hindi gumagalaw.

Napabuntong-hininga na lamang ako. This kid's really mad. Well, I can't blame him. Naiipit siya sa amin ng Daddy niya. Para siyang nasa gitna ng dalawang nagu-umpugang mga bato when I know he just wants a complete and happy family na mukhang malabo ng mangyari.

"His girlfriend..."

Nag-echo ang boses ni Jake sa aking isipan as he declared how Angelo got a girlfriend in the Philippines. And he said he's doing great, huh?

Before I knew it, a tear escape my eyes. Tss. Ang daya lang. 'Di ba sabi ko aayusin ko lang ang mga damage ng pag-ibig na 'to? At bakit sa tuwing handa na akong bigyan kami ng pagkakataon, palaging sinisira ng tadhana? I can still remember my thoughts were about last night. I'm planning to surprise Angelico on his sixth birthday next month. Uuwi kaming Pilipinas para makita ang Daddy niya. And how can I do that now? May bago na siya. And maybe he's mad at me. Iniwan ko siya sa kabila ng pagmamakaawa niya, 'di ba? And now he got a life without me in it.

But as I faced my son's back, I realized na hindi dapat siya nadadamay sa drama namin ng tatay niya. He needs Angelo, too. And this time, I'll stop being selfish. Hindi lamang ang nararamdaman ko ang dapat kong i-consider. Kasi hindi ko na kayang maging dahilan ng pag-iyak ng anak ko. Mas kakayanin ko pang masaktan ako sa muling pagkikita namin ni Angelo with his new girl, basta mapasaya ko lang ang anak ko.

So, that day, I've decided. Walang magbabago sa una kong plano. Walang Plan B. Dahil kung may plan B man ako, I'm sure that's to escape the truth again. And, I won't this time. Ano naman kung makita kong masaya si Angelo sa piling ng ibang babae? Ano naman kung umasa akong may babalikan pa ako pagkatapos ko siyang saktan ng sobra? Ano naman kung masaktan ako hanggang dulo? At ano naman kung pinagsisisihan ko ngayon ang mga naging desisyon ko ngayong huli na? Tangna. Ayaw kong magpaka-ipokrita at paniwalain ko ang sarili ko that I don't regret leaving him that night. Kasi... Ngayon, nagsisisi ako. Sobra. Kaya nga ako umiiyak, 'di ba? Buset lang kasi ang katangkaran ng Pagsisisi'ng 'yan, kung bakit lagi siyang nasa hulihan?

"Good morning, baby!" Masiglang bati ko sa anak ko na kakagising lang at walang kangiti-ngiti sa mukha.

"Morning, Mom." Aniya at nagtatakang tumingin sa akin at sa mga pagkain sa lamesa. Kumunot ang kanyang noo. Teka, don't tell me hindi niya nagustuhan? I was about to ask him that pero naunahan niya ako.

"Are we having a visitor again? A guy?" Tanong niya na mabilis kong inilingan.

Napabuntong-hininga naman siya na para bang relieve sa sagot ko. Seriously? Parang gusto ko na tuloy maniwala na hindi na siya baby boy, as he refuse me to call him. But he's really my baby boy kaya wala siyang magagawa. Insert evil laugh.

"Why so many foods?" Bored na tanong niya. This is what I like most of my son. He can't stand ignoring me for a day.

Umupo na siya sa kanyang upuan at ako naman ay nagtatanggal na ng apron upang makakain na kami.

"Well, is it bad if I want to cooked our breakfast? You know, I'm tired of the resto's dishes." I shrugged. That's half-true, okay. Totoong nakakasawa ang mga pinapadeliver kong pagkain namin dahil bihira lang naman ako magluto. I have a work. At saktong-sakto lang ang oras ko sa pag-aayos at pagbibihis tapos ihahatid ko pa sa school niya si Angelico.

ATM 2:A True Madness (FBS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon