58.2

3.3K 52 7
                                    

SPG Language ahead. Peace.

"Are you insulting me?" Nag-igting ang bagang ni Angelo habang nakatitig sa akin. Napabuntong hininga na lang ako saka nag-iwas ng tingin. It felt like his dark eyes were penetrating my soul. Hindi ko kayang makipagtitigan don. Nakakapaso.

"Fine." Pagpayag ko kahit na mukhang hindi niya na hinintay pa iyon dahil binabayaran niya na 'yung mga kinain namin. Well, I just thought that it will be better kung ako na lang sana ang nagbayad since ako naman ang halos kumain nung mga in-order niya. But what could I expect to men? Egotistic as ever.

Habang inaayos niya yung bill namin ay hindi ko maiwasang mag-isip. Do I need to wait for him para sabay kaming lumabas ng resto o mauuna na ako? Baka kasi isipin niyang hinihintay ko siya kapag nag-stay pa ako. But it will be rude naman kung iiwan ko siya dito. Ugh, I'm overthinking again!

So, in the end, nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa mga lanterns na nakasabit sa kisame ng restaurant at sa mga paintings sa pader habang hinihintay siyang matapos.

"Thanks for dining in, Sir. Come again." Masayang sabi nung waiter na siyang nag-asikaso rin sa amin kanina.

Tumingala ako kay Angelo nang sa tingin ko ay tapos na sila. Sakto namang yumuko rin siya sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin, constantly blushing in that eye contact then cursing myself afterwards. Damn! Why do I need to blush like that?

"Let's go!" Inis na aya ko upang pagtakpan ang pagkapahiya sa aking sarili.

"Let's go, then." I can sense a smirk in his voice kaya agad ko siyang tinitigan ng masama, accusing him.

He chuckled throatily while keeping his eyes straight to the door of the resto. "What?" Tanong niya na natatawa pa din.

"Stop laughing!" Naiiritang saway ko at nagmartsa na palabas ng resto, with him calling my name while still laughing behind me. Ugh! I knew it! Dapat hindi ko na siya hinintay at iniwan na lang siya dito.

"Do you have a car?" Tanong niya ng nakalabas na kami ng restaurantant.

Umirap ako sa hangin. "Of course. What do you think of me?" I glared at him, still irritated at what happened earlier? Did he caught me blushing? Probably, Samantha! That's why he's laughing! Maybe I looked like crazily inlove with him there. And it's funny for him. Well, what do I expect? Ako na lang naman ang hindi pa rin nakakapag-move on sa aming dalawa hanggang ngayon.

He put his hands up. "Woah! Just relax, baby." Panunuya niya pa.

At tuluyan na akong nairita kaya mas binilisan ko pa ang lakad ko. This is really funny for him, huh?

"Hey, wait!" He called out which I pretended I didn't heard. "Samantha, wait up!" Still, I didn't heard him.

Naramdaman ko na lang ang paghila niya sa aking braso at saka hinarap ako sa kanya. "What?" Siguro nga para na akong tanga. Ni hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagagalit!

Nakita kong lumambot ang kanyang mga mata habang tinitingnan akong buwisit na buwisit na nakatingin sa kanya. "I'm sorry. It's just..." He trailed off.

I shrugged his hand on my arm. "It's just, what? It's just, it's really funny that I'm still affected, huh? It's just that it's fun to know that after all those years..." Then I stopped. I don't want to continue it. I don't need any pity from him. Basically, I don't want that. He's moved on and I know I should, too! This is just so frustrating. Parang ngayon pa lang nagsi-sink in sa akin lahat. Na parang ngayon ko lang naramdaman ang pagbagsak talaga ng aking mundo. Now that he's in front of me, parang ngayon ko lang na-realize na wala na talaga. Narinig ko na kay Jake na meron ng iba pero parang ngayon pa lang nagdadalamhati ng todo ang puso ko. Ang sakit.

ATM 2:A True Madness (FBS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon