46

3.5K 67 13
                                    

" Angelico L-Louise is your s-son..."

Ilang araw akong hindi pinatulog ng huling sinabi ni Angelo. Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak at magkulong sa aking kwarto simula ng makauwi kami ni Yuan dito sa US, tatlong araw na ang nakararaan.

Masaya ako na buhay ang anak ko. Pero natatakot ako sa sobrang galit na nararamdaman ko kay Angelo na hindi ko man lang pinakinggan ang kanyang paliwanag. Para sa 'kin ay walang kapatawaran ang ginawa niya.

Nakatanggap ako ng mensahe mula sa kanya pagbalik na pagbalik ko dito sa US. He said he's sorry. Pero hindi iyon ang pinagtuunan ko ng pansin. Sinabi niya din na contact-in ko lamang siya kapag handa na akong makita muli si Ico. F-ck! Even now, hindi pa din ako makapaniwala.

Hindi pa 'ko handang makita si Angelico. Hanggang ngayon, I don't know how will I act now that I know I am his mother. Does he even know? Ang alam niyang mommy niya ay si Alicia. Oh, I still remember my last encounter with Alicia outside our rooms. Alam ba ni Alicia? Of course. At lalong lumaki ang galit ko. Why didn't she told me? Don't tell me, balak niyang akuin ang anak ko? Well, sorry for her. Ngayong alam ko na na anak ko si Ico, once na handa na akong makita muli siya na hindi napapatay si Angelo ay hinding-hindi na ako papayag na magkahiwalay pa kami. Whatever it takes.

"Louise, you ready?"napatingin ako kay Yuan na kakapasok lang sa aking kwarto.

Tumango ako at saka muling humarap sa salamin. I chose to wear a simple black dress and a close shoes. Pinasadahan ko pa ng aking mga daliri ang mahaba kong buhok.

"Don't worry, you're very beautiful."tiningnan ko ang nakangiting si Yuan through the mirror."As always."dagdag niya pa.

I did not smile back, though. Simula ng malaman ko ang tungkol kay Ico, hindi ko nagawang ngumiti. I should be happy, I know. Pero hindi ko rin maikakaila na sa tuwing naiisip o nababanggit ang pangalan ni Angelico, pumapasok din sa isip ko si Angelo at ang mga ginawa niya. Maybe, that's the reason why I can't still face my son.

Paglabas namin ng building ng aking condo, I was startled and instantly blinded by the sounds and flashes of cameras.

Yuan muttered a series of curses at mabilis akong niyakap upang maharangan ang mga reporters na pilit akong hinihingan ng interview tungkol sa catwalk na naganap.

Simula ng makabalik kami ng US, sa condo ko nags-stay si Yuan at hindi kami lumabas. Sinamahan niya ako habang nagse-senti ako sa loob ng tatlong araw kaya naman hindi nakapagtatakang hindi niya alam ang tungkol sa mga reporters na ito.

Mabuti na lamang at tumulong na rin ang mga guards ng building upang harangin ang mga reporters hanggang sa makasakay kami sa kotse ni Yuan.

Badtrip si Yuan hanggang sa makarating kami sa ospital.

"Are you sure you want to go alone?"nag-aalalang tanong ni Yuan na tinanguan ko lamang.

Gusto kong makausap ang mga namamahala, ang mga doctor, at mga nurses ng ospital na ito. Gusto kong marinig ang kuwento mula sa bibig nila ng araw na operahan nila ako upang mai-deliver ko ang anak ko.

"I want to talk to Dr. Travis Bernard."

"Wait a minute, Ma'am."may chineck ito sa kanyang computer.

Simula ng makabalik ako ng US, kahit na sobra-sobra at halo-halo ang mga emosyong nararamdaman ko ay hindi ko pinalagpas ang mga taong nasa likod ng pagtatago sa akin na buhay ang anak ko. And they better get ready. Nakapag-paimbestiga na ako, at kung gugustuhin ko ay ano mang oras pwede na akong makapagsampa ng kaso. But, I want to hear them. I want to hear from this f-cking hospital how they gave my son to Angelo and how they replaced it with a dead baby kapalit ng malaking halaga.

ATM 2:A True Madness (FBS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon