59.1

3.4K 77 22
                                    

Pilit kong inalis sa aking isipan ang mga bagay-bagay na hindi ko dapat iniisip ngayon. At isa na doon si Angelo. Ilang minuto pa at birthday na ng anak ko at hanggang ngayon ay nakatitig pa din ako sa kisame ng hotel na aking tinutuluyan, hindi makatulog. Nag-aalala ako dahil maaga pa akong aalis bukas.

Tumunog ang cellphone ko sa isang mensahe na ikinakunot ng noo ko. Who could that be in this time of night?

Inabot ko ang cellphone ko sa side table at saka bumalik sa pagkakahiga sa kama habang binubuksan ang mensahe.

Thanks for giving this day for me to celebrate. You're the reason why I am a father now and I hope you know that I love you and our son.

Received. 12:00 am.

Nakagat ko ang labi ko sa aking nabasa. God! Pwede bang magpatulog ka?!

Inihagis ko ang cellphone sa tabi ko at nag-isip, as if I haven't thinking of him the whole night. And it's effin' midnight! Ba't pa kasi nagtext. Lalo lang nawala ang katiting na antok na nararamdaman ko. Huhu. Kung hindi siya makatulog, sana naman magpatulog siya. But, wait. He can't sleep, too? What is he thinking then? He said he loves me, right? What does he mean? Is he two-timing? He loves me while he's inlove with another girl?

Damn. It.

"Ugh!" Bumalikwas ako sa kama at saka ginulo ang buhok sa frustration na nararamdaman. There's no way I can sleep like this!

Beep.

I glared at my phone when it beeped for a message again. No. 'Wag mong kunin, Samantha. Don't. You're better than that.

But seconds later I found myself reaching for my phone and opening the message that really from Angelo. Shit.

Aren't you tired? Please, stop...

Bugnot na bugnot ako ng ilang ulit ko ng binabasa ang text na iyon ay hindi ko pa din maintindihan ang sinasabi non.

I composed a reply ng hindi ko na napigilan ang sarili.

And what's that suppose to mean?

At hindi ko na nabitawan ang cellphone ko kahit na wala pa namang reply at tutunog naman ito kung mayroon na. I am f*cking crazy!

12:07 ...

12:08 ...

12:09 ...

12:10 ...

12:11 ...

Beep! Halos mapatalon ako ng lumitaw ang message icon sa screen.

Please stop... stop running in my head, baby. Gusto ko ng matulog. At bakit hindi ka pa natutulog?

Wow. Just wow, Angelo Salazar. Pero gusto ko talagang sampalin ang sarili ko ng maramdaman ko ang pamilyar na mga paru-paro sa aking tiyan habang binabasang muli ang last message niya. Should I reply? Or not?

Ilang minuto ko itong pinag-isipan at ngayon ay hawak ko na naman ang cellphone ko habang nagtitipa ng reply.

Spare me with your pranks, boy.

Sent. At ibinalik ko na ang phone sa bedside table, pinatay ang lamp, nahiga ng kama, at ipinikit ang aking mga mata. Not to mention with a smile plastered on my face and all I feel in my stomach is butterflies. I. Am. Doomed.

Kinabukasan ay kahit puyat, maaga pa din akong nagising. But I feel restless.

Tumawag ako ng madaling araw kila Becca at kay Yuan upang mangamusta. And I guess everything is alright. For now, wala pa namang problema. Maliban na lamang sa pagkaka-stuck ko sa traffic. Ang dapat na four hours na biyahe ay naging anim.

ATM 2:A True Madness (FBS#1)Where stories live. Discover now