60.2

4.4K 50 7
                                    

This is the last chapter...

"Tangina niyo, sino may sabing pumunta kayo dito?" Mura ni Angelo sa mga lalaking nag-aasaran sa may couch.

"Daddy, what's Tangina?" Inosenteng tanong ni Ico na nakakandong kay Dominic sa one-seater. Sumabog ang matinding tawanan kila Dom, Aiden, Mat, at JC, while I was busy glaring at Angelo.

Kinuha ni Angelo si Ico at kinarga. Just by looking at them, it's like I am looking at the past and present version of the mighty Angelo Salazar. Pa'no na lang kaya kung nandito si Daddy Apollo. I suddenly missed him and Mommy Sandra. Sana pala ay pumayag na akong sumama kay Angelo noon. Maybe I should talk to him about it.

"Angelico, Tangina means ugly. And you can't say that to anyone." Muling nagtawanan ang mga lalaki sa paliwanag ni Angelo. Lalo namang tumalim ang aking mga mata na naka-direkta sa huli, na nginitian lamang niya. Tss.

"Bakit nga pala ang aga niyong bumisita?" Tanong ko sa kanila. Maga-alas siyete pa lamang ng umaga and it's so unusual.

"Why, Sam? Naabala ba namin kayo ni Angelo?" Makahulugan pang tumingin si Mat kay Angelo na hanggang ngayon ay wala pa ring pang-itaas.

"Tss." I just rolled my eyes at him. "I'll go fix our breakfast." Sabi ko dahil alam kong mapupuno lamang ako sa asaran nila. Pikon pa naman ako.

"Uy, defensive!" Pahabol pa ni Dom. Hindi ko na sila pinansin at inabala na ang sarili sa kusina. Dahil hindi naman sapat ang dalang breakfast ni Angelo para sa aming lahat, kumuha ako ng mga pwedeng iprito sa ref, para mabilisang paghahanda.

"Ate, kailangan niyo po ba ng tulong?" Narinig ko ang boses ni Pamela sa aking likod.

Nilingon ko siya saglit at binigyan siya ng tipid na ngiti. "No, thank you. Bantayan mo na lamang si Ico. 'Pag sa tingin mo ay polluted na ang mga salita nung mga lalaki doon, dalhin mo na sa kwarto." Sabi ko. Natawa naman si Pamela doon.

Sinimulan kong prituhin ang bacon. Isusunod ko mamaya ang itlog at plano ko ding magsangag ng kanin. Sa katawan ng mga iyon, I'm sure they prefer heavy breakfast, just like Angelo.

Nakaramdam ako ng presensiya sa aking likuran. "Pam, I told you, kaya ko na dito." I told her once again, without tearing my attention to the bacons on the prying pan. Hindi naman na siya nagsalita so I guess bumalik na siya sa sala.

Sinunod kong iprito ang mga itlog while checking for some overcooked bacon on the serving plate. Napabuntong-hininga ako ng makita ang itim sa gilid ng ibang stripped bacon. But I think these are okay. Or not.

"You really did improve, huh?" Napatalon ako sabay hawak sa aking dibdib sa sobrang gulat. Mabilis ang hiningang hinarap ko si Angelo na ngayon ay lumapit pa sa aking likuran.

"Bakit ka ba nanggugulat?" Inis na tanong ko.

He just shrugged tapos inginuso ang pan kung nasaan ang mga itlog. I groaned when I realized the eggs might burn. Nagmadali akong iahon ang mga ito sa mantika at hindi ako nagkamali, sunog na naman ang gilid nito.

Pinagmasdan kong mabuti ang mga itlog upang tingnan kung pwede pa ba itong kainin o sobrang sunog na. Ganun din ang ginawa ni Angelo na ngayon ay nasa gilid ko na.

Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakangusong sinusundot ang dilaw ng itlog. I can't help but chuckle. He's cute while doing that.

Nilingon niya ako at pinagmasdan ang nakangiti kong mukha. "You're cute." Kinurot ko pa ang pisngi niya bago bumaling sa rice na plano kong isangag.

"And you look beautiful." Aniya. Napatingin ako sa kanya pero agad din akong nag-iwas ng tingin. I can't fall on this.

Sinimulan ko ng hiwain ang bawang at sibuyas. "Ano pang iluluto mo? I can help." Aniya.

ATM 2:A True Madness (FBS#1)Where stories live. Discover now