24

2.8K 53 2
                                    

"Tita, iiwan niyo na ba talaga kami?"pumeke pa na umiiyak si Dominic, the most playful of them. Ngayon ang alis nina Apollo at Sandra papuntang US at lahat ng kaibigan ni Angelo ay nandoon sa mansiyon ng mag-asawa. Nasa highschool pa lamang noon sina Angelo ay kaibigan niya na ang mga ito at super close na ang mga ito sa kanyang mga magulang."Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo, Tita? Okay lang naman kung sa condo ko muna ikaw kung talagang nagsasawa ka na kay Tito Apollo- Tito naman!"angal nito ng makatanggap ng batok mula kay Apollo. Natawa naman ang lahat.

"Umayos ka, Kyle Dominic Dela Cruz."binanggit pa nito ang buong pangalan ng binata."My gun is always in my pocket."nanlaki ang mata ni Dominic sa narinig.

"Totoo, Tito?"

"Want some proof?"akmang may huhugutin ito sa tagiliran pero agad na inagapan ni Dominic.

"No need to prove it, Tito."natawa ang lahat sa reaksiyon nito na tila maiihi sa suot na pantalon.

"You're still hiding your gun with you, Apollo?!"Cassandra's voice roared around the room.

"I'm dead."muli, napuno ng tawanan ang buong silid. They all know na dating pulis ang tatay ni Angelo, before settling down with Angelo's mom. And they still remember how they fought a lot of times cause Apollo don't want to take his hands off of his precious gun. But love conquers all, and in the end, napilitan siyang sundin ang kagustuhan ng asawa na huwag ng gamitin ang baril niya kailanman.

"So all this time you really did not surrender your gun?"makikita ang paglalagablab ng mata ni Sandra at ang pagguhit ng takot sa mata ni Apollo.

"Mom, don't be mad at Daddy."tila kumalma naman si Sandra ng marinig ang napakalambing na boses ni Samantha. Namangha naman ang lahat but, of course, they know how Samantha affects any other."Maybe his past work is really his passion. Right, Dad?"nginitian ni Samantha si Apollo na bahagya ng nawala ang kaba sa sistema.

"Fine, sweety."malambing ang boses na may kasama pang ngiti ang boses ni Sandra. Binalingan naman nito ang asawa."Don't think that we're done, Salazar!"

"Mom, kalma lang- whoa!"natatawang hahawak sana si Angelo sa ina nang galit na tumingin din ito sa kanya.

"Manang-mana ka talaga sa ama mo!"

"What did I do?"natawa ang lahat ng parang batang nabahag ang buntot ni Angelo sa galit ng ina.

"Haha. Tita, I think kung hindi pa kayo aalis, male-late kayo sa flight niyo."pag-iiba ni Aiden sa usapan and that's very effective.

"Oh!"nagmamadaling pinakuha ni Sandra ang mga bagahe sa asawa."Faster, Salazar!"bulyaw na naman nito na ikina-iling na lamang ng mga naroon na nanonood sa kanila.

"Mom, are you sure hindi ko na kayo ihahatid sa airport?"tanong ni Angelo sa ina.

"No need, son."marahang tanggi nito, but, suddenly,"Anong ginagawa ng ama mong magaling? Naku, patay talaga sa akin iyon mamaya!"tila nanggagalaiti ito sa galit. At hindi na kataka-taka na na-under nito ang The mighty Apollo Salazar na isang matinik na pulis at kilala na tagumapay sa piniling propesyon nito. Nahuli lang naman nito ang mga malalaki at bigating drug dealer at iba pang underground businesses noong panahon nito.

"Mom, Dad, always take care of each other there, okay?"tila maiiyak na si Samantha ng paalis na ang mga ito.

Natunaw ang puso ng lahat ng nandodoon sa pagiging emosyonal ng babae.

"Oh, sweetheart!"agad na niyakap ni Sandra ang tuluyan ng umiiyak na si Samantha.

"Pretty girl, stop crying."and it's Apollo's turn to hug her goodbye."You and Angelo could always visit us there if you have a time."Apollo held her tightly in his arms. He would miss her. Sobrang napamahal na ito sa kanilang mag-asawa at mami-miss niya panigurado ang kalambingan nito.

ATM 2:A True Madness (FBS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon