13

2.8K 44 1
                                    

"Jakey, I want to go home already."Samantha said and Jake narrowed his eyes at her.


"And why is that?"tanong nito na hinuhuli ang kanyang mga mata. Agad niya namang iniwas ang paningin dahil alam niyang ipagkakanulo siya ng kanyang mga mata.


"U-uhm, homesick, I guess?"she lied. Of course, that's not the true reason.


"Tsk."sagot nito at saka itinapat muli nito sa bibig niya ang kutsara na mayroong lamang mainit na soup.


"Please?"she gave him her puppy eyes, trying her charms at him.


"You're not yet okay."sagot nito. Dalawang araw na siya sa bahay ng kaibigan at gustong-gusto niya na talagang umuwi. Nagkasakit siya dahil sa pagpapa-ulan niya at hanggang ngayon ay hindi pa din siya masyadong magaling. But she guess she can manage.


"I am."pagpupumilit niya pa."You did very good at taking care of me!"binola niya a niya pa ito. Pero totoo namang magaling ito mag-alaga.


"Don't try that to me, Samantha Louise. It won't work."inilapit pa nito ang mukha sa kanya.


"Ugh! Please, Jakey?"pinagsalikop niya pa ang mga palad.


"No."mariing sagot nito.


"Please?"hindi talaga siya titigil-


"Can you please, wake up?! He's always hurting you!"napatitig siya dito."Can't you see? He doesn't love you! He loves that crazy woman!"sigaw nito. Napayuko na lamang siya. Truth hurts. Kaya nga siya umiiyak ngayon, kasi nasasaktan siya.


"Please, Samantha. Don't make it too difficult for you."nang makita siya nitong umiiyak ay naging mahinahon na ito."You're hurting yourself... and you're hurting me more."hindi niya mapigilang umiyak dahil nakikita niya na kung gaano siya katanga. Pero ang mas nakakalungkot, she's willing to be stupid for him.


"I won't allow you to go home to him."may pinalidad sa tono nito. And she knows her bestfriend too well. Kapag sinabi nito, dapat na gawin mo. But she can be an exception, can't she?


"H-he's my husband and I-I'm his wife."pumipiyok na sabi niya.


"Yes, he is your husband. But is he treating you like his wife?"his jaw was clenched. Hindi siya nakasagot. May punto naman kasi talaga ito. At alam niyang nag-aalala lang talaga ito sa kanya."See? He don't! Cause he's a bastard!"nagulat siya sa lumabas sa bibig nito. Si Jake ang may pinaka-ayaw na nakaririnig siya ng mga ganoong salita. He's that protective towards her.


"He's not!"kusa na lamang iyon lumabas sa bibig niya. Iningusan lamang siya nito.


"Listen, Samantha."napatitig siya dito dahil sa tono nito."You can't teach a person to love you back. And that's what you call one-sided love."tila may nais itong iparating.


"And, please. Stop waiting for him and stop thinking that he will come back to you."with that, iniligpit na nito ang pinagkainan niya at lumabas sa kwarto nito na ngayon ay siya ang umookupa.

ATM 2:A True Madness (FBS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon