4

3.7K 64 0
                                    

Tuwang-tuwa si Samantha sa mga nakikita niya. Mistula itong naging souvenir shops sa kanyang paningin. Marami silang produkto at iba iba.

Busy siya sa pagtingin-tingin ng mga t-shirts doon na may print na iba't iba ng may biglang humila sa kanya. Nagliwanag ang mukha niya ng mapagsino ang taong kaharap niya na ngayon.

"You little hardheaded!"sabi ni Angelo sa kanya na halata ang inis sa mukha na ipinagtaka niya. Saka ano daw? Siya? Matigas ang ulo?

"Why?"takang tanong niya dito."Pumayag ka naman 'di ba?"

He sighed."Yes, but- you should've let me finish talking!"inis na pakli pa nito.

She chuckled."Excited na kasi akong mamasyal dito. E kung hihintayin pa kitang maka-get over sa halik ko, maraming masasayang na oras."she saw him blushed at lalo siyang napatawa. Lalo namang nainis sa kanya si Angelo.

"Stop laughing."mariing utos nito but she didn't stop. Nakakatawa naman kasi ito. His face is like a tomato at hindi pa ito makatingin ng diretso sa kanya na para bang nahihiya."Aalis na tayo."at hinila na siya nito. Pero pilit niyang inalis ang pagkakahawak nito sa kamay niya.

Nilingon siya ni Angelo."Ayaw ko pa."iling niya sabay pout.

Nailing din si Angelo sa ginawa niya."You're too childish."hihilain pa sana siya ulit nito pero agad siyang umiwas. Ayaw niya pa talagang umalis doon. Ni wala pa nga siyang nabibili na kahit ano e.

Bago pa maka-react si Angelo ay siya na ang nanghila dito. Kumapit pa siya sa braso nito."Samahan mo na lang ako mamili ng mga ipapasalubong natin kila mom at dad pati na din kila Jakey, Aiden, Mat, Dom, JC... blah blah blah."nakatingin lamang si Angelo dito habang iniisa-isa nito ang pangalan ng mga kakilala nito at hinihila siya. Nagpatianod na lang siya dito. Salita pa ito ng salita ng kung ano ano pero wala naman talaga siyang maintindihan sa mga sinasabi nito dahil busy siya sa pagtitig sa napakaganda at mala-anghel nitong mukha.He should've stop himself but he can't help it. No wonder kung bakit nagustuhan ito ng dalawa sa kaibigan niya at ang mismong bestfriend nito. She's really beautiful. He know he's attracted to her kaya madalas ay iniiwasan niya si Samantha. Mismong siya ay naguguluhan na. Attracted siya sa asawa niya pero mahal niya pa din si Alicia?

"Angelo! Are you even listening?"he was a bit startled at Sam's voice. She pouted again. Ah... those lips. Sh*t!

"Sorry."sabi niya dito."Ano nga uli yung sinasabi mo?"itinaas naman nito ang isang kulay puti at asul na t-shirt na pareho lang naman ang print, 'I Love Palawan Philippines'.

"Ano kaya mas bagay kay Jakey?"tanong nito na ikanaasim ng kanyang mukha sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Nagkibit na lamang siya ng balikat."Pareho lang naman 'yan eh."sumimangot naman ito. But it didn't make her less of a beautiful and adorable girl in his eyes. D@mn, Angelo! Why compliment her everytime?!

"Magkaiba kaya 'to. See?"itinaas pa nito yung dalawang t-shirt na hawak niya."Ito white."itinaas pa nito yung white na shirt."Ito naman blue."at yung blue naman. What the?! What do she think of me?! A f*cking five-year old kid?!

"Shut it. Mamili ka na lang at bilisan mo."sabi niya dito. Nakita niya naman ang paglungkot ng mga mata nito kasabay ng pagyuko.

"O-okay."tinalikuran na siya nito at binayaran ang dalawang t-shirt. He felt a pang of guilt. Ugh!

Halos isang oras din itong namili ng kung ano ano at kanina niya pa talaga gusto itong iwan na mag-isa doon at matulog na lamang sa van pero hindi niya naman magawa. Even if he denied it, she care for her. At hindi niya maiwasang mag-alala para dito dahil sobrang crowded ng lugar at maaari itong mapahamak.

ATM 2:A True Madness (FBS#1)Where stories live. Discover now