56.1

3K 68 8
                                    

Don't you think I have all the rights to set my own plot and to write whatever I want to this story? I'm so upset. I am always open for suggestions and opinions. But always remember the word respect. You can always leave this story and I won't mind.

Hindi ko alam kung bakit at anong ginagawa ko dito. Pero, isa lang ang alam ko... Ayaw kong makita si Angelo. Hindi na 'ko umiiyak pero ang bigat-bigat naman ng dibdib ko. Parang mas gusto ko na lang umiyak at ilabas ang lahat ng sama ng loob ko para gumaan naman kahit kaunti ang nararamdaman ko.

Nakaupo lang ako sa gutter habang pinapanood sa harap ko ang mga sasakyan na mabilis ring nawawala sa aking paningin. Gabi na... Siguro nga ganun na 'ko katagal nandito at nakatulala.

Naramdaman kong may tumabi sa akin pero ni hindi ako nag-abalang lumigon. Sa amoy niya pa lang, kilala ko na siya. Sino bang makakalimot sa amoy ng nag-iisang lalaking nakapagpatibok ng puso mo?

"Uwi na tayo, Sam..." Napakalungkot ng boses niya."Kanina ka pa nandito and you haven't eaten anything."hindi ko siya pinansin.

"Baby..." Kusang tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa hindi mailabas ng marinig kong tawagin niya ko sa endearment niya. Bakit... Bakit parang nasasaktan ako na marinig 'yan ngayon sa kanya?

Ilan na bang babae ang tinawag niya sa lecheng endearment na 'yan!

"'Wag ganito, Sam." His voice broke. Is he hurt? Well, this is all his fault!

"Please talk... You can hurt me if you want... You can curse me... Just please talk to me, baby..." He's begging. Lalong nanikip ang dibdib ko. Sobrang lungkot ng boses niya. Bakit siya nalulungkot? He's supposed to be happy!

He sighed."Uwi na tayo..."hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako patayo. Ni hindi na ko nagtangkang magpumiglas at nagpatianod na lang ako sa kanya.

Nakarating kami sa kanyang sasakyang nakahinto lang pala sa tabi ko sa gilid ng daan. Wala kaming imikan.

Nakarating kami sa tinutuluyan naming hotel at inabutan namin si Dom na naninigarilyo sa may couch at tulog naman ang anak ko sa kama. In normal days, I will be pissed at him. Baka nalalanghap ng anak ko yung usok!

Pinatay ni Dom ang sigarilyo sa ashtray na nandoon ng makita kami. Napatayo siya.

"Ang tagal niyo!" Alam kong gusto niya na kaming sigawan kung hindi lamang tulog ang anak ko.

Walang nagsalita sa amin ni Angelo. Naglakad na lamang ako patungo sa kama at umupo. Nagtanggal ako ng heels.

"May problema ba?" Tanong ni Dom na mukhang pinagmamasdan lang ang mga galaw namin.

Nag-squat sa harap ko si Angelo at tinulungan akong tanggalin ang strapped killer heels na suot ko. His hair is messy at tanggal na rin ang coat and tie niya. Tanging ang blue longsleeves na lang na bukas ang unang dalawang butones at ang black niyang slacks ang suot niya.

Wala pa rin kaming imikan habang ginagawa niya yun. Itinabi niya sa may paa ko yung heels ng matanggal niya at tumingala siya sa akin."Baby... Let's talk, please?"napatitig ako sa mga mata niyang nagmamakaawa pero agad din akong umiwas ng tingin. Alam kong ipagkakanulo ko ang sarili ko sa kanya once I am drowned in his eyes.

Narinig kong napasinghap si Dominic.

"Baby, please." Isinubsob ni Angelo ang kanyang mukha sa aking mga hita. Pilit kong balewalain ang kakaibang nararamdaman ko sa mga galaw niya. Tangina! Hindi ako pwedeng bumigay!

"Okay." OKAY?! Okay, Samantha? Pucha! Bibigay ka rin pala! No...

Napatingala siya sa naging sagot ko. Siguro nagulat din siya kagaya ko.

ATM 2:A True Madness (FBS#1)Where stories live. Discover now